Friday, August 17, 2007

Makalagot oi!

Kakagaling ko lang kanina sa may NCCC mall dito sa Davao, parati kasi akong dumadaan d'un, kasi hinihintay ko na magbukas ang FILBARS d'un.

Ilang linggo ko ring binalik-balikan 'yun, 'di man lang kasi sila nag-anunsiyo kung kailan sila magbubukas. Natuwa na kasi ako kasi sa wakas, magkakaroon na rin ng tindahan ng comics dito, kaso nga lang...

Kanina, pagpasok, nakita ko na bukas na ang FILBARS, tuwang-tuwa na ako, kaso pagpasok ko, puro magazines lang ang naka-display, maraming magazines...maraming magazines...at maraming magazines....

Tinanong ko 'yung attendant, sabi ko, "Asa'n ang comics?"

Itunuro ako sa isang tumpok ng comics na luma, puro sticker pa at guso't-gusot, tapos may mga ilang tpb, kaso ang mahal naman, hindi ko gusto na mga title, at halatang hindi inaalagaan...nyah!

Sabi, ko okey, walang comics, magazines na lang...hinanap ko at tinanong kung may "Heavy Metal Magazine" o kaya ay "Wizard magazine"...pareho ang sagot nila, wala raw!

Tinanong ko kung kailan darating ang ibang stock, at baka sakaling may comics na maligaw...hindi raw nila alam kung kailan at kung mayroon...

Ako pa ang tinanong nila kung bakit daw ang mahal ng mga tpb, hindi pa rin nila alam kung ano ang tpb....

Haaaayyyy, makalagot oi!

No comments:

Related Posts with Thumbnails