Hey, ilang oras na lang at magpapaalam na ang taong 2007...at siyempre, maligayang pagdating sa taong 2008!
Haaay, grabeh, itong taon na 2007 na yata ang pinakamadramah sa buhay ko...maraming masarap sariwain na mga pangyayari...may mga kasayahan...at may kalungkutan (ang pag-agos ng mga luha)...tsar!
Well, ganyan naman talaga ang buhay, kung may saya ay may lungkot, at kung ano-ano pa! Ika nga eh, hindi daw kumpleto ang buhay kung wala nito!
Sa totoo lang, nasasabik na akong salubungin ang papasok na taon...maraming mga katanungan, maraming inaasahan...at siyempre ang hindi makakalimutan eh ang mga pagbabago na gagawin sa buhay ko (hmmnn, parang magdadalaga ang dramah ah)! Pagbabago para sa ikabubuti ng lahat, pagbabago sa buhay, iwasan na ang pagiging maldita masyado...'yan ang mantra ko ngayon, seryoso na ito ha!
Sana, makamit natin lahat ang grasya o pagpapala ng bagong taon na parating, hindi sa mga materyal na bagay lamang, kundi pati na rin sa spiritwal...MANIGONG BAGONG TAON sa LAHAT!!!
Monday, December 31, 2007
Tuesday, December 25, 2007
Monday, December 17, 2007
Nagsimula ang lahat sa isang sayaw!
Whoah, disyembre na pala, at oo nga pala, pasko na!
Masyado po kasing naging abala ang buhay ko nitong mga nagdaang araw, at sa dami ng mga pangyayari, nawalan naman ako ng panahon na isulat lahat dito.
Patawad po.
Sa buwan ng Nobyembre, nagsimula ang saya at luha, well, hindi naman luha talaga, lungkot lang...so, eto na!
Tuwa, dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na umuwi ng Luzon at makadalo sa KOMIKON. Unang KOMIKON ko at da best po ito! Kakaibang karanasan, at ubod talag ng saya! Kahit kakaunting panahon lang ang inilagi ko sa Luzon, naging makabuluhan at sobrang saya, hehehe, talagang SAYA 'yung malimit ko na isinusulat, kasi MASAYA nga eh!
Eto po ang pruweba!

Mico (mahaba buhok, kamukha ni Dian Zubiri), Gerry, Jonas, Raipo (sa likod), ako at Henry...salamat kay Fafah Gerry para sa litrato!
Ang nakakatawa pa, kapag pumunta ako sa mga lamesa ng mga indie comics creator, kilala nila ako at sinasabing, "kayo po si JOHNNY BALBONA 'di ba? "...wehehehe, nahipuan ako d'un ah! errr, ibig pong sabihin, ay "touched" po ako...tapos, may mga nagpapirma pa! Sabi ko, hindi po ako comics creator, pero sabi nila, okay lang, kasi ako naman daw si johnny balbona...wehehehe, asteeeg!
Marami akong nakilalang mga comics creator, tapos si Pol Medina Jr, tapos si Mang Hal Santiago! Tapos, nakapagpapirma pa ko kay Manix, asteeeg nga!
Ayan po ang medyo makahabag-damdaming kasayahan, wehehehe!
Punta naman tayo sa medyo...malungkot, ewan ko nga kung malungkot nga....
Well, malungkot, kasi naging daan itong mga kasayahang nangyari ng muling pagbabalik ko sa Luzon ng pangmatagalan, ibig sabihin, dito na po uli ako sa Luzon!
Haaay, nananabik na uli ako sa Davao, pero, wala akong magagawa, ito ang daloy ng buhay ko eh, pero pinangako ko sa sarili ko, na babalik at babalik ako sa Davao!
Ngayon, bakit naman kaya "nagsimula ang lahat sa isang sayaw" ang titulo ng entry na ito? Kasi po...
Ilang buwan na po ang nakakaraan ng medyo, may nakilala akong tao, at talagang nabago ng husto ang takbo ng buhay ko. Isa munang pahapyaw na introduksyon, panoorin nyo muna ito...

Ito 'yung pangatlo sa mga iginuhit ko (una ay manok, hehehe at pangalawa eh saka ko na ipapakita), na medyo kinilabutan ako ng matapos...

...dito, medyo natakot ako dito...

...pangalawa sa paborito ko...

...medyo, kakaiba ito...

sabi nila, medyo mabalasik daw ito...

...naging ganito...

...at ito, ang pinakapaborito ko...

..tapos ito...

...naghanap ang kamay ko ng lapis na asul, at ito ang ipininta nya...

...at ito pa...

...at ito pa...marami ito, variation ng ganitong disenyo...ng maubos ang asul na lapis, pula naman ang hinanap ng kamay ko...

...at ito ang lumabas, maraming klase pa na ganito...naubos uli, at violet naman na lapis ang pinili...

...at ito ang kinalabasan!
Kakaiba talaga...at tapos, ang pinakakakaiba sa lahat, bumisita ang bago kong kaibigan na si Steven Pabalinas, ilang beses ko na siyang nakwento dito, 'yung gumagawa ng comic strip na "DIVINE COMEDY", at iginuhit nya ako, wehehehe!

Hahaha! Kamukha ko ba? SALAMAT PO Steven!
Paggamot: Well, medyo, hindi ko pa napapatunayan 'to ng husto, at gusto kong mapatunayan ko ito, pero kasi, isang uri pa ng pagsasayaw na ginagawa ng kamay ko eh magpipindot-pindot o tuldok-tuldok sa likod ng kahit sino, na parang acupuncture o masahe ang dating nito. Nalalaman ko kung saan may problema ang "ginagamot" ko, 'di nila sinasabi sa akin pero tinatanong ko sila kung may problema sa bahaging iyun ng katawan nila, kasi d'un namamalagi o nagko-concentrate ang pagsayaw ng mga kamay ko. At medyo, nagiging tama naman ang mga obserbasyon ko. Tapos sabi nila, para daw may karayom ang daliri ko.
So, ayun! Talagang kakaiba ang mga pinaggagawa ko ngayon!
Dito na muna, marami pa akong maisusulat dito, pero sa susunod na 'yun!

Subscribe to:
Posts (Atom)