Monday, December 31, 2007

Manigong Bagong Taon sa Lahat!!!

Hey, ilang oras na lang at magpapaalam na ang taong 2007...at siyempre, maligayang pagdating sa taong 2008!

Haaay, grabeh, itong taon na 2007 na yata ang pinakamadramah sa buhay ko...maraming masarap sariwain na mga pangyayari...may mga kasayahan...at may kalungkutan (ang pag-agos ng mga luha)...tsar!

Well, ganyan naman talaga ang buhay, kung may saya ay may lungkot, at kung ano-ano pa! Ika nga eh, hindi daw kumpleto ang buhay kung wala nito!

Sa totoo lang, nasasabik na akong salubungin ang papasok na taon...maraming mga katanungan, maraming inaasahan...at siyempre ang hindi makakalimutan eh ang mga pagbabago na gagawin sa buhay ko (hmmnn, parang magdadalaga ang dramah ah)! Pagbabago para sa ikabubuti ng lahat, pagbabago sa buhay, iwasan na ang pagiging maldita masyado...'yan ang mantra ko ngayon, seryoso na ito ha!

Sana, makamit natin lahat ang grasya o pagpapala ng bagong taon na parating, hindi sa mga materyal na bagay lamang, kundi pati na rin sa spiritwal...MANIGONG BAGONG TAON sa LAHAT!!!

Tuesday, December 25, 2007

Monday, December 17, 2007

Nagsimula ang lahat sa isang sayaw!

Whoah, disyembre na pala, at oo nga pala, pasko na!

Masyado po kasing naging abala ang buhay ko nitong mga nagdaang araw, at sa dami ng mga pangyayari, nawalan naman ako ng panahon na isulat lahat dito.

Patawad po.

Sa buwan ng Nobyembre, nagsimula ang saya at luha, well, hindi naman luha talaga, lungkot lang...so, eto na!

Tuwa, dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na umuwi ng Luzon at makadalo sa KOMIKON. Unang KOMIKON ko at da best po ito! Kakaibang karanasan, at ubod talag ng saya! Kahit kakaunting panahon lang ang inilagi ko sa Luzon, naging makabuluhan at sobrang saya, hehehe, talagang SAYA 'yung malimit ko na isinusulat, kasi MASAYA nga eh!

Eto po ang pruweba!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Mico (mahaba buhok, kamukha ni Dian Zubiri), Gerry, Jonas, Raipo (sa likod), ako at Henry...salamat kay Fafah Gerry para sa litrato!

Ang nakakatawa pa, kapag pumunta ako sa mga lamesa ng mga indie comics creator, kilala nila ako at sinasabing, "kayo po si JOHNNY BALBONA 'di ba? "...wehehehe, nahipuan ako d'un ah! errr, ibig pong sabihin, ay "touched" po ako...tapos, may mga nagpapirma pa! Sabi ko, hindi po ako comics creator, pero sabi nila, okay lang, kasi ako naman daw si johnny balbona...wehehehe, asteeeg!

Marami akong nakilalang mga comics creator, tapos si Pol Medina Jr, tapos si Mang Hal Santiago! Tapos, nakapagpapirma pa ko kay Manix, asteeeg nga!

Ayan po ang medyo makahabag-damdaming kasayahan, wehehehe!

Punta naman tayo sa medyo...malungkot, ewan ko nga kung malungkot nga....

Well, malungkot, kasi naging daan itong mga kasayahang nangyari ng muling pagbabalik ko sa Luzon ng pangmatagalan, ibig sabihin, dito na po uli ako sa Luzon!

Haaay, nananabik na uli ako sa Davao, pero, wala akong magagawa, ito ang daloy ng buhay ko eh, pero pinangako ko sa sarili ko, na babalik at babalik ako sa Davao!

Ngayon, bakit naman kaya "nagsimula ang lahat sa isang sayaw" ang titulo ng entry na ito? Kasi po...

Ilang buwan na po ang nakakaraan ng medyo, may nakilala akong tao, at talagang nabago ng husto ang takbo ng buhay ko. Isa munang pahapyaw na introduksyon, panoorin nyo muna ito...


...ito ang "inner dancing"

Ito ang nagpabago sa buhay ko, at ito ang nagiging gabay ko ngayon. Maraming salamat kay Kali Pi Mu para dito. Naging tatlong klase ang manifestation ng inner dancing sa akin: sayaw, pagpipinta at paggamot.

Sayaw: kahit anong awit nasasayaw ko na, maliban nga lang sa mga pamaskong awit...at kapag ginagawa ko ito, lubos na kapayapaan at ganda o gaan ng katawan ang aking nararamdaman, para akong nag-e-energize ika nga.

Pagpinta o guhit: masasabi ko ngayon na ganap na akong isang artist, kasi ngayon lang ako nakaguhit ng walang tinutularan, well, magaling akong MANGGAYA ng iguguhit, pero kung mula lamang sa akin, hindi ko kaya. Pero ngayon, kakaiba na, nagsasayaw ang aking kamay sa pagpinta o pagguhit! At ang nakakagulat pa, nasa gitna ng canvass ang aking nalilikha, eh hindi ako nakakaguhit sa gitna kung walang grid eh!

Sa pagpipinta ko ngayon, parang hindi ako ang gumagawa, may lakas o enerhiya na gumigiya sa akin, isa lamang akong ika nga eh conduit para sa ganitong proseso. At talagang nakaka-addict, ang sarap ng pakiramdam, sa bawat pagguhit ko, parang ika nga eh, magic!

Eto po ang medyo mga nauna kong gawa...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ito 'yung pangatlo sa mga iginuhit ko (una ay manok, hehehe at pangalawa eh saka ko na ipapakita), na medyo kinilabutan ako ng matapos...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...dito, medyo natakot ako dito...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...pangalawa sa paborito ko...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...medyo, kakaiba ito...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
sabi nila, medyo mabalasik daw ito...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...naging ganito...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...at ito, ang pinakapaborito ko...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
..tapos ito...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...naghanap ang kamay ko ng lapis na asul, at ito ang ipininta nya...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...at ito pa...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...at ito pa...marami ito, variation ng ganitong disenyo...ng maubos ang asul na lapis, pula naman ang hinanap ng kamay ko...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...at ito ang lumabas, maraming klase pa na ganito...naubos uli, at violet naman na lapis ang pinili...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...at ito ang kinalabasan!

Kakaiba talaga...at tapos, ang pinakakakaiba sa lahat, bumisita ang bago kong kaibigan na si Steven Pabalinas, ilang beses ko na siyang nakwento dito, 'yung gumagawa ng comic strip na "DIVINE COMEDY", at iginuhit nya ako, wehehehe!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hahaha! Kamukha ko ba? SALAMAT PO Steven!


Paggamot: Well, medyo, hindi ko pa napapatunayan 'to ng husto, at gusto kong mapatunayan ko ito, pero kasi, isang uri pa ng pagsasayaw na ginagawa ng kamay ko eh magpipindot-pindot o tuldok-tuldok sa likod ng kahit sino, na parang acupuncture o masahe ang dating nito. Nalalaman ko kung saan may problema ang "ginagamot" ko, 'di nila sinasabi sa akin pero tinatanong ko sila kung may problema sa bahaging iyun ng katawan nila, kasi d'un namamalagi o nagko-concentrate ang pagsayaw ng mga kamay ko. At medyo, nagiging tama naman ang mga obserbasyon ko. Tapos sabi nila, para daw may karayom ang daliri ko.

So, ayun! Talagang kakaiba ang mga pinaggagawa ko ngayon!

Dito na muna, marami pa akong maisusulat dito, pero sa susunod na 'yun!

Related Posts with Thumbnails