Friday, May 30, 2008

Pelde man ko...

...pero okay lang...nagpapasalamat pa rin ako, lalong-lalo na sa Poong Maykapal - parang thank you speech ah! (Naks, sa makakabasa nito at nakakakilala sa akin ng personal, kapag nabasa nila rito na binabanggit ko ang Poong Maykapal, baka kilabutan, hehehe...sa ibang araw ko na lang ikwento kung bakit….)

Unang-una, sa pagkakaroon pa lang ng lakas ng loob na sumali at makagawa ako ng isang obra maestra na malaki, tapos gamit pa ang oil na pintura ay talagang isang kakaibang karanasan na! Masasabi ko na marunong at magaling akong gumuhit ng larawan, PERO kung may tularan! Kapag wala na, at ako lang mag-isa ang mag-iisip kung ano ang iguguhit, d’un ako pumapalpak, lalo na sa kulay, ‘di ako marunong sa mga light and shadows...pero ngayon, ibang-iba na….

Pangalawa, habang ipinipinta ko pa, kakaibang karanasan din ang naranasan ko...marahil hindi nyo maiintindahan, pero, basta! Inner dancing kasi ang ginagawa ko eh, ibig sabihin, nagsasayaw ang kamay ko sa ibabaw ng canvass...hindi ko iniisip kung ano ang iguguhit ko, kamay ko lang ang kusang gumagawa at pumipili ng kulay na gagamitin, at habang ginagawa ko ito, nalilimutan ko ang oras at kung ano nasa paligid ko, masarap ang pakiramdam na parang “high”...ika nga eh, parang naka-trance ako kapag nagse-session ako ng ganito...at pagkatapos, eh naghahanap ako ng mga kasam ko na pwede kong mamasahe, hehehe....

At pangatlo, sa mga pagkakataon na ganito, ang sumali sa mga kumpetensiya, mga pagtitipon – ay kakaiba o napakayaman na karanasan din ito para sa kin. Nagkakaroon ako ng pagkakataong maibahagi ang mga gawa ko, makasalamuha ang ibang tao at magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Kaya ko nasabi ang lahat ng ito ay dahil nalaman ko na ang kinalabasan ng patimpalak na sinalihan ko, at personal ko pang pinuntahan.

Okay naman, saludo ako sa mga nanalo at talagang karapatdapat sila, dahil talagang magagaling ang kanilang mga dibuho o katha!

Pero sa mga hurado…well, komentaryo o personal na opinsyon ko lang naman…Open Theme ang kompetisyon, marami ang Lumahok (649), limang (5) Juror’s Choice, tatlong (3) major prizes, at nagdagdag pa ng dalawang (2) presiden’t choice, kung mapapansin sa mga nanalo, pawang ika nga eh “old school” o tradisyunal ang tema.

Ibig sabihin, kapareho o medyo hawig sa mga gawa ng mga “old masters” natin, binigyang kahalagahan ang forms, texture, lighting at setting. Sa totoo lang, wala namang problema dito, pero para sa kin, medyo naging biased ang mga hurado….

Biased? Kasi, ang ibang aspeto o porma sa art, parang hindi nabigyan ng pansin. Ang modern art, concept art o abstract painting eh hindi napansin. Hindi naman sa nagsa-sour graping ako, kundi, obserbasyon ko lang naman – ang daming magaganda na entry, eh hindi man lang napansin – well, kanya-kanya naman tayong ika nga eh, “taste” sa art.

Sana man lang, kung tradisyunal sila sa major prizes, okay lang…pero sa juror’s prizes, o extra prizes man lang, naging diverse sana sila, para lahat well represented….

…’yun lang po eh, komento/opinyon ko lamang....

...eto ’yung gabi ng parangal at mga nanalo...

Photobucket
...maagang napuno ang GSIS theater, kaya sa balcony na kami napaupo...lahat kabado at excited na malaman ang magiging resulta ng patimpalak...at nand'un ang kontrobersyal na si Winston Garcia!

Photobucket
...pandagdag sa kasabikan, hinarana kami ng GSIS chorale...okay naman kanta nila...at ngayon ko lang uli napakinggan ang kantang..."may pumukol sa sanga ng isang puno..."

Photobucket
...isa sa mga "Jurors Choice"...

Photobucket
...eto pa...

Photobucket
...eto pa uli, hanep sa kulay ng foil parang totoo eh...

Photobucket
...eto pa...

Photobucket
...at eto pa...

Photobucket
...ito ang medyo "modern art" ang dating...teka, pang-anim ito...dapat pito ito (5 + 2)...ay pasensiya po, 'di ko na nakunan 'yung isa...marami kasing tao, ang hirap kumuha ng litrato....

...at para sa major prizes...

Photobucket
...eto po ang 3rd...ang titulo eh "Barya" - parang kuha sa litrato eh - galing!

Photobucket
...2nd..."Ahon"...hanep sa kulay at paglalaro sa shadows...parang kay Juan Luna na estilo ito eh, "Spolarium" ang dating nito para sa akin...

at ang nagkamit ng unang gantimpala...

Photobucket
...taga-Cebu ang may katha...nakalimutan ko ang titulo...para sa kin, parang Fernando Amorsolo at Juan Luna na estilong pinagsamasama....

Sa mga nagsipagwagi at sumali, Malipayong Pagbati...kitakits sa susunod na taon!

Wednesday, May 28, 2008

Kalipay man ni!

Wehehehehe! Pero paborito ko siya, hehehehe!

Photobucket

;-)

Tuesday, May 27, 2008

Eerie Indiana Jones...

Ummmm...napanood ko na siya... 'di ako sumabay sa karamihan ng taong gustong manood, kaya medyo maluwag na sa sinehan...

...okay lang din naman... nag-enjoy ako...maski, ako lang 'yung very reactive sa panonood...lalo na sa...ehem, spoiler, 'yung "snake scene", hehehe...kaso ang kasama ko eh deadma lang sa panonood...malamig kasi sa Gateway eh!

Kaya lang... ewan ko ba, pero parang na-cornyhan ako sa bandang huli... ika nga eh "cliche'"?

Totoo nga sabi nila, maraming "crossovers"...

Photobucket

Monday, May 26, 2008

Kompitensiya!

Sa loob ng matagal na panahon, ngayon lang uli ako nagkaroon ng lakas ng loob, at pagkakataon na sumali muli sa isang kompetisyon sa pagguhit. Armas ng Sayaw na Pangniloloob, sumali ako.

3ft. X 4ft. ang dapat sukat ng isasaling entry, at dapat isang uri lamang ng medium o materyales ang gagamitin - oil, acryic o watercolor. Bawal ang pinaghalo-halo o mix media. Kaya ayun, medyo na-challenge ako at na-excite ng husto, natapos ko ang entry ko sa loob ng 24 oras!

Nakakatuwa nga eh, wala akong iniisip kung ano ang ipipinta ko, hinayaan ko lang ang kamay kong pumili ng kulay na gagamitin at kung ako ang ipipinta nya - nagsayaw ang aking mga kamay sa canvass, kulang na nga lang nakapikit ako eh!

Photobucket
eto, medyo nangangalahati na dito...

Photobucket
ako, in action...gulagulanit pa ang suot kong damit niyan, at puro pintura na rin ang damit ko niyan...wala pang ligo at kain! Nag-leave ako sa opisina namin para lamang matapos ito...

Photobucket
...at ng matapos!!!

...ano nga bang titulo nito? At anong ibig sabihin nito? Aaaahhh, siyempre, "Sayaw na Pangniloloob", kung makikita mo sila, ito ang itsura ng mga enerhiya involved habang nagsasayaw ng innerdancing.

Pagkatapos ng ilang araw, pinatuyo ko at pina-frame...ang mahal nga eh, kaso, kailangan para sa kompetisyon, investment o pamumuhunan na rin 'yun, minsan lang naman...

Photobucket
...at sa araw ng submission, ito naman ang bumulaga sa 'kin...

Photobucket
...mahabang pila! Ibig sabihin, maraming sumali!

Photobucket
...mahaba gyud!

Photobucket
...taas kaayo!

Photobucket
...at sa wakas! No. 203 po ako...

Photobucket
...203 out of 649! 'di ko rin akalain na ganito karami ang sumali, inaabangan pala talaga ang patimpalak na ito!

Kaya ngayon po, ako naghihintay, kung ako ay papalarin...sana naman!



Thursday, May 22, 2008

FYI: Chinese Hairband - Condom

BEIJING (AFP) - Used condoms are being recycled into hair bands in Southern China, threatening to spread sexually-transmittable diseases they were originally meant to prevent, state media reported Tuesday

In the latest example of potentially harmful Chinese-made products, rubber hair bands have been found in local markets and beauty salons in Dongguan and Guangzhou cities in southern Guangdong province, China Daily newspaper said.

'These cheap and colourful rubber bands and hair ties sell well ...threatening the health of local people,' it said. Despite being recycled, the hair bands could still contain bacteria and viruses, it said.

'People could be infected with AIDS, (genital) warts or other diseases if they hold the rubber bands or strings in their mouths while waving their hair into plaits or buns,' the paper quoted a local dermatologist who gave only his surname, Dong, as saying.

A bag of ten of the recycled bands sells for just 25 sen (three cents), much cheaper than others on the market, accounting for their popularity, the paper said. A government official was quoted as saying recycling condoms was illegal.

China 's manufacturing industry has been repeatedly tarnished this year by a string of scandals involving shoddy or dangerous goods made for both domestic and foreign markets. In response, it launched a public relations blitz this summer aimed at playing up efforts to strengthen monitoring systems.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Well, at least nagre-recycle sila...'yun nga lang, hehehe....;-)

Tuesday, May 13, 2008

Naglahong Paraiso



Huwag nyo na lang tingnan 'yung mga sumasayaw, 'yung kumakanta lang talaga....

Wednesday, May 07, 2008

But Oz never did give nothing to the Tin-man...

heto, unang pelikula ng Marvel na napanood ko ngayong taon na naaliw ako ng husto...

Photobucket
Sulit gyud!

Proud to be Pinoy!

Matino pa pala tayo dito...

Ang "Trese" at "Batch 72"

Teka ha, sisimulan ko ang entry na ito ng pagsasabi ng "patawad po"...bakit kanyo?

Ewan ko ba, nagsimula yata ito n'ung 2004 pa yata...panahon 'yun ng Sci-Fi Con sa ginanap sa Rockwell, Makati. Kaunaunahang convention na sinalihan ko, kasi may lamesa d'un ang Komikero, kaya and'un ako, aliw naman...

Tapos, katabi namin sa lamesa noon si G. BUDJETTE TAN, at medyo hindi ko pa kilala siya n'un, kaya hindi pa kami nag-iimikan masyado, tapos, masyado pa akong abala sa pambubugaw ng Zsa Zsa Zaturnnah, kaya hindi ko masyadong napansin 'yung komiks na binebenta nya noon. Pero, tinulungan ko pa rin siyang magbenta noon, hindi nga lang mabulaklak ang pambubugaw ko sa komiks nya...

Tapos, nagkaroon ako ng kopya ng komiks nya, Batch 72 pala ang titulo, at namangha at natuwa ako! Matagal na palang lumabas 'yung komiks na 'yun at noon ko lang nabasa, huli na pala ako. Ang panghihinayang ko talaga eh, sana noon ko pa nabasa ito at naisama ko siya sa mga sales talk ko, na i-promote ng husto y'ung komiks nya n'un pa, kasi lubos na maganda pala 'yung komiks nya eh!

...pero medyo nakabawi naman ako sa kanya n'ung KOMIKON 2007, dahil naibugaw ko siya ng husto sa mga bagong mambabasa, hehehe!

eto 'yung batch 72...

Photobucket
...aliw basahin!

Tapos...nangyari na naman... ang alin kanyo?

Well, balita n'un ng mga Komikero na maganda 'yung TRESE, n'ung unang labas pa lamang - bagong komiks na naman ito ni Budjette. Kaso, ewan ko ba, kung sa anong kadahilanan, hindi ko muling nabasa kaagad ito, at hindi na naman nabigyan kaagad ng pansin...tapos, nitong nakaraang sabado, FREE COMIC BOOK DAY kasi sa COMIC ODDYSSEY sa Robinson's Glorietta (SALAMAT SA LIBRENG KOMIKS!!!!), nand'un si Budjette, at sabi ko sa sarili ko, sige nga, masubukan nga, nawili naman ako sa Batch 72 eh, ano kayang meron...

at ito nga!

Photobucket
KAKAIBA ito...saan ka naman makakabasa ng kwento na..."white lady" nasagasaan, patay (unnnhhh, na naman?)! wehehehe....

OKAY TALAGA!!! GRABEH!, nag-enjoy ako ng husto sa pagbabasa, pinagtatawanan nga ako ng partner ko eh (Hi Papang!), grabe daw akong mag-react sa binabasa ko, wehehehe...

Hindi talaga ako makapaghintay sa mga susunod na paglabas ng kabanata! SHET PAPAH SYET! tagahanga mo na talaga ako Fafah Budj!!!! Ano ba 'yan, parati na lang akong huli! Ang syunga koh talagah!!! HAHAHAHA!

Hehehe, kaya G. Budjette, patawad po uli, hehehe, makakaasa po kayo na ipo-promote ko ito sa mga kaibigan ko, hehehe...BASTA, MAGANDA ang TRESE!!!

Related Posts with Thumbnails