Friday, May 30, 2008

Pelde man ko...

...pero okay lang...nagpapasalamat pa rin ako, lalong-lalo na sa Poong Maykapal - parang thank you speech ah! (Naks, sa makakabasa nito at nakakakilala sa akin ng personal, kapag nabasa nila rito na binabanggit ko ang Poong Maykapal, baka kilabutan, hehehe...sa ibang araw ko na lang ikwento kung bakit….)

Unang-una, sa pagkakaroon pa lang ng lakas ng loob na sumali at makagawa ako ng isang obra maestra na malaki, tapos gamit pa ang oil na pintura ay talagang isang kakaibang karanasan na! Masasabi ko na marunong at magaling akong gumuhit ng larawan, PERO kung may tularan! Kapag wala na, at ako lang mag-isa ang mag-iisip kung ano ang iguguhit, d’un ako pumapalpak, lalo na sa kulay, ‘di ako marunong sa mga light and shadows...pero ngayon, ibang-iba na….

Pangalawa, habang ipinipinta ko pa, kakaibang karanasan din ang naranasan ko...marahil hindi nyo maiintindahan, pero, basta! Inner dancing kasi ang ginagawa ko eh, ibig sabihin, nagsasayaw ang kamay ko sa ibabaw ng canvass...hindi ko iniisip kung ano ang iguguhit ko, kamay ko lang ang kusang gumagawa at pumipili ng kulay na gagamitin, at habang ginagawa ko ito, nalilimutan ko ang oras at kung ano nasa paligid ko, masarap ang pakiramdam na parang “high”...ika nga eh, parang naka-trance ako kapag nagse-session ako ng ganito...at pagkatapos, eh naghahanap ako ng mga kasam ko na pwede kong mamasahe, hehehe....

At pangatlo, sa mga pagkakataon na ganito, ang sumali sa mga kumpetensiya, mga pagtitipon – ay kakaiba o napakayaman na karanasan din ito para sa kin. Nagkakaroon ako ng pagkakataong maibahagi ang mga gawa ko, makasalamuha ang ibang tao at magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Kaya ko nasabi ang lahat ng ito ay dahil nalaman ko na ang kinalabasan ng patimpalak na sinalihan ko, at personal ko pang pinuntahan.

Okay naman, saludo ako sa mga nanalo at talagang karapatdapat sila, dahil talagang magagaling ang kanilang mga dibuho o katha!

Pero sa mga hurado…well, komentaryo o personal na opinsyon ko lang naman…Open Theme ang kompetisyon, marami ang Lumahok (649), limang (5) Juror’s Choice, tatlong (3) major prizes, at nagdagdag pa ng dalawang (2) presiden’t choice, kung mapapansin sa mga nanalo, pawang ika nga eh “old school” o tradisyunal ang tema.

Ibig sabihin, kapareho o medyo hawig sa mga gawa ng mga “old masters” natin, binigyang kahalagahan ang forms, texture, lighting at setting. Sa totoo lang, wala namang problema dito, pero para sa kin, medyo naging biased ang mga hurado….

Biased? Kasi, ang ibang aspeto o porma sa art, parang hindi nabigyan ng pansin. Ang modern art, concept art o abstract painting eh hindi napansin. Hindi naman sa nagsa-sour graping ako, kundi, obserbasyon ko lang naman – ang daming magaganda na entry, eh hindi man lang napansin – well, kanya-kanya naman tayong ika nga eh, “taste” sa art.

Sana man lang, kung tradisyunal sila sa major prizes, okay lang…pero sa juror’s prizes, o extra prizes man lang, naging diverse sana sila, para lahat well represented….

…’yun lang po eh, komento/opinyon ko lamang....

...eto ’yung gabi ng parangal at mga nanalo...

Photobucket
...maagang napuno ang GSIS theater, kaya sa balcony na kami napaupo...lahat kabado at excited na malaman ang magiging resulta ng patimpalak...at nand'un ang kontrobersyal na si Winston Garcia!

Photobucket
...pandagdag sa kasabikan, hinarana kami ng GSIS chorale...okay naman kanta nila...at ngayon ko lang uli napakinggan ang kantang..."may pumukol sa sanga ng isang puno..."

Photobucket
...isa sa mga "Jurors Choice"...

Photobucket
...eto pa...

Photobucket
...eto pa uli, hanep sa kulay ng foil parang totoo eh...

Photobucket
...eto pa...

Photobucket
...at eto pa...

Photobucket
...ito ang medyo "modern art" ang dating...teka, pang-anim ito...dapat pito ito (5 + 2)...ay pasensiya po, 'di ko na nakunan 'yung isa...marami kasing tao, ang hirap kumuha ng litrato....

...at para sa major prizes...

Photobucket
...eto po ang 3rd...ang titulo eh "Barya" - parang kuha sa litrato eh - galing!

Photobucket
...2nd..."Ahon"...hanep sa kulay at paglalaro sa shadows...parang kay Juan Luna na estilo ito eh, "Spolarium" ang dating nito para sa akin...

at ang nagkamit ng unang gantimpala...

Photobucket
...taga-Cebu ang may katha...nakalimutan ko ang titulo...para sa kin, parang Fernando Amorsolo at Juan Luna na estilong pinagsamasama....

Sa mga nagsipagwagi at sumali, Malipayong Pagbati...kitakits sa susunod na taon!

No comments:

Related Posts with Thumbnails