Wednesday, May 07, 2008

Ang "Trese" at "Batch 72"

Teka ha, sisimulan ko ang entry na ito ng pagsasabi ng "patawad po"...bakit kanyo?

Ewan ko ba, nagsimula yata ito n'ung 2004 pa yata...panahon 'yun ng Sci-Fi Con sa ginanap sa Rockwell, Makati. Kaunaunahang convention na sinalihan ko, kasi may lamesa d'un ang Komikero, kaya and'un ako, aliw naman...

Tapos, katabi namin sa lamesa noon si G. BUDJETTE TAN, at medyo hindi ko pa kilala siya n'un, kaya hindi pa kami nag-iimikan masyado, tapos, masyado pa akong abala sa pambubugaw ng Zsa Zsa Zaturnnah, kaya hindi ko masyadong napansin 'yung komiks na binebenta nya noon. Pero, tinulungan ko pa rin siyang magbenta noon, hindi nga lang mabulaklak ang pambubugaw ko sa komiks nya...

Tapos, nagkaroon ako ng kopya ng komiks nya, Batch 72 pala ang titulo, at namangha at natuwa ako! Matagal na palang lumabas 'yung komiks na 'yun at noon ko lang nabasa, huli na pala ako. Ang panghihinayang ko talaga eh, sana noon ko pa nabasa ito at naisama ko siya sa mga sales talk ko, na i-promote ng husto y'ung komiks nya n'un pa, kasi lubos na maganda pala 'yung komiks nya eh!

...pero medyo nakabawi naman ako sa kanya n'ung KOMIKON 2007, dahil naibugaw ko siya ng husto sa mga bagong mambabasa, hehehe!

eto 'yung batch 72...

Photobucket
...aliw basahin!

Tapos...nangyari na naman... ang alin kanyo?

Well, balita n'un ng mga Komikero na maganda 'yung TRESE, n'ung unang labas pa lamang - bagong komiks na naman ito ni Budjette. Kaso, ewan ko ba, kung sa anong kadahilanan, hindi ko muling nabasa kaagad ito, at hindi na naman nabigyan kaagad ng pansin...tapos, nitong nakaraang sabado, FREE COMIC BOOK DAY kasi sa COMIC ODDYSSEY sa Robinson's Glorietta (SALAMAT SA LIBRENG KOMIKS!!!!), nand'un si Budjette, at sabi ko sa sarili ko, sige nga, masubukan nga, nawili naman ako sa Batch 72 eh, ano kayang meron...

at ito nga!

Photobucket
KAKAIBA ito...saan ka naman makakabasa ng kwento na..."white lady" nasagasaan, patay (unnnhhh, na naman?)! wehehehe....

OKAY TALAGA!!! GRABEH!, nag-enjoy ako ng husto sa pagbabasa, pinagtatawanan nga ako ng partner ko eh (Hi Papang!), grabe daw akong mag-react sa binabasa ko, wehehehe...

Hindi talaga ako makapaghintay sa mga susunod na paglabas ng kabanata! SHET PAPAH SYET! tagahanga mo na talaga ako Fafah Budj!!!! Ano ba 'yan, parati na lang akong huli! Ang syunga koh talagah!!! HAHAHAHA!

Hehehe, kaya G. Budjette, patawad po uli, hehehe, makakaasa po kayo na ipo-promote ko ito sa mga kaibigan ko, hehehe...BASTA, MAGANDA ang TRESE!!!

1 comment:

Budjette said...

Hi Johnny!

Thank you
Thank you
Thank you
for the wonderful
and funny review!!!

Salamat sa pambubugaw!

See you at the next comics event :)

--budjette

Related Posts with Thumbnails