Friday, June 20, 2008

Orig naman!

Eto na uli mga sample ng gawa ko...

...ilang buwan na 'tong tapos, pero ngayon ko lang mai-post dito...pero marami pa rin....

Photobucket
8" X 10" ang laki, oil on canvass...unang pagsubok sa paggamit ng oil na pintura, ginawa ko ito habang meeting ng Komikero...ang titulo...uhmmmn, "Inner dance series 1"!

Photobucket
...eto naman, "Inner dance Series 2", 20cm X 30cm ang laki, oil on canvass din...sa isip ko "Garden of Eden" ito eh!

...tapos, ito naman ang serye sa mga iginuhit ko na medyo kinaaliwan ko, pero nakakapagod din...mga serye naman ng hayop ito. Magsisimula sa pag-doodle lang, tapos may mabubuo ng pigura...kalimitan mga hayop sa dagat ang lumalabas na iba't-ibang uri ng pagong o pawikan, o mga lumba-lumba o dolphins...

Photobucket
...ahas na nakapulupot, Cobra pa nga...

Photobucket
...butiki o bayawak, basta sa pamilya ng mga lizard/reptile...sa mga katutubo o indigenous peoples (IP), ang butiki ay simbol ng buhay o creation (kaya malimit itong nakikita na kasama o nakapasaloob sa kanilang mga disenyo)...

Photobucket
...at ang pawikan!

Ewan ko, nahihilig ako ngayon sa mga pawikan, kahit hindi pa ako nakakita ng buhay o sa malapitan, kalimitan kasi sa mga litrato, sa t.v. o 'yung mga pinatuyo na nakumpiska o stuffed (taxidermy) na....

2 comments:

Dennis Villegas said...

I really liked your "inner dance series 2". Thanks for sharing your talent!

johnny yambao danganan said...

ay, salamat din po!

Related Posts with Thumbnails