Huh?
'yan ang katagang parati kong nababanggit ng pinapanood ko na ang pelikulang "Serbis".
okay sana na poster ito...
Excited na excited pa naman akong panoorin 'yun, pero, dalawa (2) sa mga kaibigan ko na nakapanood na, ang nagsabi sa akin na huwag ko na raw panoorin, dahil madidismaya lang daw ako.
Siyempre, lalo akong naintriga...alam mo naman, kapag sinabihang huwag na, saka pa lalong gusto.
Matigas kasi ang ulo ko...anong napala ko?
Ayun! Tama nga sila! Syongets ang "Serbis"!
Sa totoo lang, paano na-nominate 'yun?
Ipinakita nya lang kung ano ang nangyayari na kabaklaan sa loob ng sinehan...nag-e-experiment ang director sa pagkuha sa mga anggulo, hindi naman kailangan, dahil nakakaliyo lang...maraming scene ang binigyan ng focus, eh hindi rin naman kailangan...
...tulad ng sa "kambing"?
Snatcher?
Naliligo na matanda...ano namang sense n'un? Kulubot natural!
Nakalimutan ang pinakamahalagang sangkap ng pelikula..ang kwento o istorya! As in wala talaga!
Sa totoo lang, ang tamang titulo ng pelikula eh hindi "Serbis", dapat eh "Pigsa"!
Oh Pigsa...pisain mo akoh! Winner na titulo 'di vah?
Ay, makalagot oi!
Pakibaba nga ang kilay ko!
Wednesday, July 02, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
saka bakit lahat na yata ng indie films ngayon puro kabadingan? ano ba ito neng? wala na bang ibang concept ang mga hitad? :D
hindi na maka-relate ang mga straight :)
Uy, Mr. Aklas-isip (A.K.A. Randy Valiente)!
oo nga eh..ika nga eh, daghan ang bayot sa kalibutan! hehehe...
;-)
Post a Comment