Sunday, November 16, 2008

Karatula....

Naglagay ako ng karatula sa harap ng bahay o bakuran namin at hindi ko maintindihan kung bakit pilit na gustong alisin ng tatlong ate ko, at pati na rin ng nanay ko n'ung makita nila kung ano ito...

...well, karatula lang naman ng masahe o HILOT.

Well, kung may magpapamasahe o hilot, hindi naman ako tatanggap ng bayad (ika nga eh ito ang aking community o public service) - pero hindi ko isinulat na libre ito, malalaman na lang nila kapag nagpahilot sila...


Ewan ko ba...'di nila ako maintindihan....

Nakakahiya ba kung marunong kang maghilot?

No comments:

Related Posts with Thumbnails