Wednesday, January 21, 2009

Contest!

Kilala mo ba si Chocoman o Mr. Choco Lovah ng Axe?

Gusto mo bang maging katulad niya?

Malapit sa mga babae...well, ewan ko lang sa mga bading....

Okay 'yung mga patalastas o commercial nila eh, 'buti hindi tinitira ng mga feminist...pero anyways...

May bagong pakulo o pa-contest ang Axe!

Isang Photocontest!

Trip to Las Vegas ang prize! Whohooo! Viva Las Vegas!

Kaso pakulo para sa mga kalalakihan lang...pero, huwag mangamba mga kababaihan (mga tunay at nagpapanggap), pwede namang collaborative effort, ibig sabihin, pwedeng MAGKAISA ang lahat!

...teka parang biglang naging makabayan ah...

Kaya kumuha na ng camera, isang lalake at sandamakmak na mga babae!

Paganahin ang utak at maging creative!

Ipakita sa picture ang tema ng pakulo: gawing kaakit-akit at katakam-takam ang lalake na parang isang TSOKOLATEH!


Photobucket
...i-click nyo na lang ang picture para sa mga detalye...

No comments:

Related Posts with Thumbnails