Wednesday, March 25, 2009

OMG, I've been PSYCH'D!!!

May bago akong kinagigiliwan ngayon!

Matagal na rin na may pinanood ako na serye sa tv na naaliw ako ng husto. Ang huli ay "Ally Macbeal" noon...

Photobucket
Batang-bata pa siya dito ah!

...na pinanood ko lang kasi nag-guest 'yung isang paborito (read: crush) ko na artista na si...

Photobucket
John Ritter...gwapo talaga!

Tapos, nagustuhan ko 'yung show...sinundan ko na...pero limited lang...'di ko napanood lahat ng episodes...

Tapos uli, ngayon naman, nakapanood ako ng 2 episodes nitong "PSYCH", courtesy of Mr. Gerry Alanguilan, na baliw na baliw din dito. Una kong reaction okay lang...'di masyadong tumatak....

Photobucket
...aliw 'yung tatay nya, wehehehe!

Tapos uli, nakita ko 'yung isang kaibigan ko na merong dvd n'un, enjoy din daw siya (Jonas), na-curious ako at kung anong meron...hiniram ko ang dvd nya.

Matagal ng isang buwan ng nasa akin ang dvd, hindi ko pinapanood...ika nga eh, walang "urge".

Isang araw, nag-ayos ako ng mga gamit, isasauli ang dapat isauli, nakita ko ang dvd.

Isinaksak sa naglulukong dvd player.

Nanood.

Abah, teka, enjoy nga!

Dvd marathon ng 10 oras!

Kaya naman, sinisigawan na ko ng nanay ko sa galit, wala na nga raw pambayad ng kuryente, maghapon at magdamag pa raw ang panonood ko ng tv...well, totoo nga, pero enjoy eh, hehehe...minsan lang naman....

Kaso...eto ang problema: pirated ang dvd (damn those piates!)...

...KAYA HANGGANG EPISODE 12 LANG AKOHHHH, WAAAAAAH!

FYI: Ang paborito ko eh 'yung tatay nya, lalo na sa simula ng episodes, 'yung mga flashback! Well, baliw din kasi siya at...siyempre, alam nyo na, wehehehe...

Photobucket
...si Corbin Benrnsen, nice name and everything!

No comments:

Related Posts with Thumbnails