Medyo matagal ko na dapat nai-post ito, pero pasensya na, tao lang po, hehehe...
Naimbitahan ako minsan sa isang Blogging Event ('yan na ang bago kong kinakarir ngayon, hehehe) sa may Greenbelt sa Makati, at si Ms. Giselle Sanchez at Emil Buencamino na asawa nya ang bisita namin. So, ayun, punta naman ako maski 'daming gawa...kailangan eh!
Medyo huli pa nga ako eh, galing pang Cubao, SOBRANG TRAFFIC!!! Nakapagchicka-chicka na 'yung ibang bloggers kay Giselle...pero, ok lang...pahinga muna, tapos nakita ko masarap 'yung mga pagkain - yum! (Pagkain kaagad ang inatupag eh, hehehehe....)
...food galore!
Pagkatapos ng kain at pahina, siyempre, focus na kay Ms. Giselle...grabeh, TOTOO ngah! Siya ang BABAENG MAGANDA SA PERSONAL!
...at higit sa lahat, SUPER KIKAY din! Okay na okay siyang kausap...at siyempre ng makabwelo ako at nakasingit, itinanong ko na 'yung pinakakaingatan kong tanong: KAANU-ANO NYA SI KORINA SANCHEZ?
Napatawa siya, sabi nya, huli kasi ako - 'yun pala, itinanong na rin sa kanya ng iba! Ang sagot, ang NANAY daw nila ay si Ms. CARIDAD SANCHEZ at tatay daw nila si MAYOR SANCHEZ! Nyeeehhh, meaning wala pala talaga silang relasyon...magkaapelyido lang daw...ok, klaro na ngayon, hehehe....
Tapos sa seryosong usapin naman, pinag-usapan namin 'yung inendorso nilang mag-asawa (ang cute nilang mag-asawa ah!) na produkto, ang Enduranz...so, ayun, naging maayos naman ang naging flow ng usapan. Naliwanagan kami (as in LAHAT kami) na HINDI pala parang Viagra ang Enduranz - pinalalakas nya pala 'yung sperm activity...iba kasi ang nagiging reputasyon eh, pati sa commericial.
...at naging KLARO ang lahat!
Tapos eh, chicka to the max na, usap everything under the sun...kakaiba pala talaga si Giselle, 'daming alam at mga kakaibang pinagkakaabalahan o interesan!
...with Giselle habang chicka ever!
At natapos nga usapan...enjoy naman lahat...game lahat, tapos siyempre, ang ritwal sa pagtatapos - Piktyur! Piktyur!
...group picture...
at siyempre...
...oh, say!
at freebies from Enduranz...
...SALAMATS sa ENDURANZ!
Tuesday, April 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment