Sunday, January 02, 2011

New Year’s Resolution

Medyo napatagal talaga ang pagsusulat ko dito sa blog na ito…pasensiya na po, tao lang, heheheh…naging abala lang po talaga…sa totoo lang, kasalanan kasi ng FACEBOOK eh!:D

So, arya, simulan na natin ang mga RESOLUSYON! Ang aking TOP 10 New Year’s Resolution sa 2011.

  1. TRAVEL MORE – kung may pang-travel, hehehe… pero, may mga naka-schedule na rin kasi… sana madagdagan pa sa mga lugar na gusto ko….
  2. DO AGNIHOTRA – tamang panahon na siguro…tsaka para makapunta ako sa Iloilo City, lalo na sa Guimaras, MANGO FESTIVAL here I come!
  3. UPDATE BLOGS REGULARLY – gagawin ko na talaga ‘to, bubuhayin ko na uli…LALO na sa LINGKOD SAYAW ko na blog, dapat malagyan ko na ‘yun ng mga update…pati na rin sa Twitter at Facebook siyempre!
  4. MORE INNER DANCING – siyempre, staple ko talaga ito, kaya dapat PAINT MORE (mas maraming kulay na version ngayon sa mga pinipinta ko at oil paint naman ang dapat gamitin) at subukan naman ang SCULPTING (parang nangangati na ang mga kamay ko para dito…ano kaya ang kalalabasan nito?).
  5. EXERCISE MORE - dafaht lahng….
  6. FIND STABLE SOURCE OF INCOME – ang hirap kumilos kapag walang regular na datung eh!
  7. BETTER FINANCIAL MANAGEMENT– kung nagawa kong umiwas mangutang sa 2010 (‘buti na lang!), pangako ko na magbawas pa uli ngayong 2011!
  8. READ MORE – yeaps, lalo na sa mga libro, madami na akong nakaligtaan na mga gawa ng mga paborito kong Pinoy na manunulat, e.g., Jessica Zafra, Bob Ong, Danton Remoto, atbp…at siyempre, makadiskubre pa sana ng iba!
  9. BE MORE ACTIVE IN COMICS – medyo nag-lie low sa kalagitnaan ng nakaraang taon, nakaka-miss tuloy ang mga happening sa mga Con.
  10. VISIT DAVAO – panahon na siguro na makabalik o makabisita na uli ako sa pinakapaborito kong lungsod, ang Davao City.

So, ayan, sana matupad lahat ito…well, may isang buong taon naman para gawin eh…:D


Bookmark and Share

1 comment:

Jonas Diego said...

Davao na! Now na! Sasama daw si Neil ha. Isama mo na rin sa paghahandaan mo ang Cebu. :D

Related Posts with Thumbnails