Tuesday, February 01, 2011

Kamukha ko ba si Manix?

Wehehehe, talaga lang ha?

Unang sabak sa sa isa sa mga komiks event ng taon!

Hindi ko nga alam na naroon sila, nagkataon lang na pagtawag ko sa kanila para imbitahan sila sa isang event, nabanggit sa akin na pupunta sila sa UPLB, kaya sabi ko na lang puntahan ko na lang sila d'un at malapit naman.

Ang sila ay ang mag-amang Jess at Manix Abrera.

Pagdating ko sa UPLB, hanap kaagad si Manix, nakita naman at pinakilala nya ang mga kasama nya: ang kanyang fiance at ang kanyang tatay. Siyempre, starstruck na naman ako, pero nadals ko sarili ko this time, hehehe....

Tapos, dumating ang host/usherette at may dumating na iba pang bisita, si Mae Paner o Juana Change, at pinakilala si Manix. Eh, magkatabi kasi kami at nag-uusap, nang iaabot ang kamay, AKO ang inabutan at hawakan, akala, ako si Manix! Wehehehe...Rak en Rol!

'di namin maitagong tumawa, kwela pa at dumating ang isa pang kaibigan si Enzo, kaya tawanan talaga, heheheh...'di naman na-offend si Mae, well, sana....

Alam ko may kamukha akong iba pero si Manix? Isang MALAKING weeeeeh!


Photobucket
Kamukha ko ba talaga? JOKE!:D

Photobucket
...si Manix habang nagsasalita sa entablado, at una pang nambubuyo sa kanyang sumayaw ay tatay nyang si Jess Abrera!


Mabuti na lang, nagtalaga sila ng lugara para sa signing ni Manix dahil dinudumog talaga siya ng tao para magpapirma. Pagbaba nya pa lang ng stage dahil tapos na nag programa, nakapila na mga tao. Biro ko nga kay Manix, kapag tinanong ako akung sino kami, sasabihin ko, HAWI BOYS ni MANIX!


Photobucket
...at siyempre, 'di mawawala ang signing...as usual, pila-balde na naman siya...

Photobucket
...at talaga naman, parang fiesta eh!

Asteeg!

Bookmark and Share

1 comment:

Anonymous said...

Kamukhang kamukha mo si Manix!

Related Posts with Thumbnails