Ilang taon ko ng binabalak, kaso parating ‘di natutuloy. Parating may dahilan – kesyo, walang pamasahe, busy, o busy din ang mga kasama, pero kahapon, pinilit kong matuloy at ito na nga!
May nag-invite kasing kaibigan ko na mag-dinner sa Chinatown sa New Year mismo so, sabi ko sa sarili ko, pagkakataon ko na ito na makakita kung paano sila mag-celebrate, at ‘yun na nga!
Since gabi pa naman ang affair ko, pumunta ako ng may araw pa at sinubukang maglibot sa Chinatown. Gusto ko kasing makakita ng live na dragon dance at hindi naman ako nabigo.
Grabeh sa sobrang dami ng tao! Hindi mahulugang karayom!
At grabeh din ang mabibili mo well, kung marami kang pambili, okay na okay ka rito.
Noon lang ako nakakita ang dragon dancing…mahirap nga! Sabi kasi ng kaibigan kong tsinoy, mahirap daw talaga ‘yun – kahapon lang ako nagka-idea kung bakit. Dati na raw siyang nagsayaw ng ganito kaya alam nya kung bakit. Dalawang tao ang kailangan para makapagsayaw. Isang may hawak sa ulo at isang may hawak sa buntot. Mas mahirap daw ang sa buntot kasi iaakma mo ang galaw mo sa galaw ng ulo.
Kaso, hindi masyadong makapagsayaw dahil siksikan ang mga tao. Nagkakagulo ang mga tao sa pagkuha ng litrato ng sumasayaw at busy rin sa pagpapakuha na kasama sila.
At kaya pala nagmamakahirap na gawin ang dragon dance ay dahil grabeh ang papremyo!
Kapag nagustuhan ng Chinese na may-ari ng tindahan ang mananayaw, iimbitahan nila na pumunta sa tindahan nila at sasayawan ‘yun. Swerte raw kasi ito. Tapos, maglalagay sila ng mga paputok sa harapan ng tindahan at sisindihan ito. Habang pumuputok, sinasabayan ito ng sayaw. Tapos maglalagay ang may-ari ng malaking halaga ng pera (as in malaki!) sa ampao (sobre nila), tapos isasabit nila sa harapan ng tindahan. Pagkatapos ng putukan, kukuhanin ito sa pamamagitan ng dragon dance. Kapag mas galante ang may-ari, pati mga nanonood may libreng pagkain din. ‘yung iba, siopao ang mga pinamigay, ‘yung iba oranges naman at ‘yung iba, nagsasabog ng mga kendi sa mga tao.
Sundan mo lang ‘yung mga nagsasayaw at tiyak na mabubusog ka sa mga libreng pagkain.
Ang hirap ding kumain sa mga restaurant dahil halos punuan din. At ang nakakatuwang tingnan, halos bumabaha ng tikoy sa daan! Maglalaway ka talaga sa tikoy! Kahit saan ka pumunta eh may nakabalandrang tikoy!

Nilakad ko ang kahabaan ng main street ng Chinatown, kuha ng litrato dito, kuha ng litrato doon. Natapos lang ako ng makarating na ng Binondo Church, sobrang dami na ng tao at pagod na rin ako kaya tumigil na ako. Tamang-tama rin lang sa pag-text ng kaibigan ko.
Eto ang mga kuha kong litrato.
…nakakabinging tunog ng tambol at batingaw! Hudyat na may malapit na dragon/tiger dance!
Dragon!
…papalapit na dragon…
…at papalapit pa…
…papalapit pa…pagod na nga si manong eh!
…close-up naman diyan!
Maliliit na dragon naman...eto 'yung dragon dance talaga!
…at sayaw pa!
…paghahanda sa pagsalubong sa mga swerte na dragon…as in, SAWAAAAAAHHHHH!
…sayaw…
…sayaw…
…at sayaw pa sa kalagitnaan ng mga paputok!
...eto natira pagkatapos ng putukan!
…at may namimigay rin sila ng libreng pagkain..naubos na ‘yung mga siopao eh!
Eto naman ang mga abubot tyangge!
…mga namimili…
…daming abubots…
…at talagang ABUBOTS!
Eto naman 'yung tikoy…
…at tikoy pa!
eto naman 'yung sambahan o shrine nila…
at close-up ng shrine…daming tao talaga!
Grabeng karanasan, nakakapagod pero sulit!

No comments:
Post a Comment