Sobrang-sobrang SAYA at PASASALAMAT po sa lahat ng mga TUMULONG at PUMUNTA para sa kasayahan na ito. MARAMING, MARAMING SALAMAT PO TALAGA sa mga sumusunod:
ULTIMART SHOPPING PLAZA
UNITED ARCHITECT OF THE PHILIPPINES (UAP)
Expressions
Funhouse
Comic Odyssey
ElectroMagnetic Tentacles
Walk me Home
Ang aming super-espeyshal na mga panauhin na sina MANIX ABRERA at POL MEDINA, Jr.
Grabeh, sa lahat ng mga exhibitor/kaibigan galing pa ng Maynila:
Comic Odyssey
Komiks Veterans na pinangunahan nina Mang Danny Acuña at Jorvy Ondis
Lightbox Studio
Core Studio sa pangunguna ni Andrew Villar
Gio Paredes
Randy Valiente
Rawwr Studio sa pangunguna ni Patrick Rawwr
Pugad Baboy Crew sa pangunguna ni Pol Medina, Jr.
Trese group: Kajo Baldisimo at Budjette Tan
Ner Pedriña, Rommel "Omeng" Estanislao, SSM at Freely Abrigo
Komikon Organizers
Siyempre pa, ang aming mga partners in crime:
KOMIKERO Artist Group
Graphic Literature Guild (GLG)
Komikero Publishing, Inc.
JonasDiego.com
...at sa dalawang (2) kumag na may kagagawan ng lahat ng ito, GERRY "ManongLisa smile" ALANGUILAN at JONAS DIEGO...LOVE YOU GUYS! Sa susunod na taon ulit!
At eto ang mga highlight o kaganapan n'ung araw na 'yun...SALAMAT kila Gerry, Jonas at CARLO PAGULAYAN para sa mga larawan.
Ang lugar na pinagganapan, Ultimart Shopping Plaza!
Bago ang Festival, nagkaroon muna ng maliit na Exhibit sa ikalawang palapag ng Ultimart, nakabalandra d'un ang mga gawang Pinoy na komiks sa mga nagdaang taon. Tatlong araw din na nasilayan ng maraming tao ang kagalingan ng mga Pinoy pagdating sa komiks!
...ang exhibit...
...kakalagay pa lang , may tumitingin na kaagad!
...sa pag-akyat mo ng Ultimart, ito na kaagad ang makikita mo!
At kinabukasan, eto na nga ang FESTIVAL!
...sa umaga ng paghahanda, maski si Manix na special guest, tumutulong....ohhhhh, MABAIT ngang bata!
oh 'di ba, mabait nga!
At eto na ang mga exhibitor!
Komikero Artist Group at GLG, Kevin, Enzo, Angelo, Ate Ilyn, Zarah, ako at si Jason!
ang booth ni ELMER!
Da Greyt MANIX ABRERA!
...'di pa man nagsisimula, may mga nagpapapirma na kaagad kay Manix!
...ang parating mabentang COMIC ODYSSEY...
...kitams!
Ang mga pinagkaguluhang KOMIKS Veterans...
...grabeh, ang dami nilang FANS hah!
Core Studio, sa pangunguna ni Andrew Villar, at si Ambush!
Lightbox Studio sa pangunguna ni Brian Balondo.
Jonas, Gio, and Randy!
Si Gio Paredes ng KALAYAAN!
Randy Valiente in da haws!
Rawwr Studio!
Mel Casipit!
Ner Pedriña, Rommel Estanislao, SSM, at Freely Abrigo!
...ang magigiting nilang mga komiks!
Ang TRESE group, Wella, Budjette, and Kajo!
...At ang mga taga-KOMIKON (kasama ang "hindi taong" si Neil Cervantes - HAYOP 'yang MAGKULAY, hehehe....): Jon Zamar, Ariel Atienza, at Syeri Baet-zamar, kasama rin nila sina Lyndon Gregorio at Lei Muncal!
Kada oras o depende sa gusto, namimigay din naman kami ng mga papremyo (komiks o t-shirt) kapag nasagot nila ang aking mga tanong tungkol sa komiks!
At hindi lang 'yan, may pa-contest din naman sa pagguhit na nilahukan ng marami!
kanya-kanyang hanap ng lugar sa paggawa ng entry nila...
...kitams!
At ito ang mga butihing hurado: Pol Medina, Jr, Gerry Alanguilan, Kajo Baldisimo at Carlo Pagulayan!
Si Polgas, habang iniinterbyu!
Kwela talaga siya!
Siyempre, huwag kalimutan ang ibang artists!
Busy sa pagpo-promote ng mga latest na gawa nila!
Sa pagtatapos, ang pagpapasalamat sa lahat...
at harana ng bandang WALK ME HOME...
Ang galing nila hah!
At siyempre, hindi mawawala ang video na ginawa ni Fafah Gerry, enjoy!
2 comments:
Never say die! Iron eagle! :D
Peram ng pix, Johnny, ha? :)
~Gi~
Post a Comment