Whohoooh, DA BEST nga ang katatapos na SUMMER KOMIKON!
Ang daming tao!
Ang saya-saya!
CONGRATULATIONS sa KOMIKON Organizers talaga!
At siyempre, maraming mga may ginintuang puso!
Tulad ng nakaraang KOMIKON, nag-organize ulit kami ng charity event para sa LAPIS at PAPEL Project, para makapangalap ng tulong para sa mga bata sa Mindanao. At ngayong taon naman ay bukod sa mga bata sa Mindanao, nadagdagan pa ng 2 Feeding Centers sa may Los Baños, Laguna ang beneficiaries.
Nakakataba ng puso at maraming mga taong gustong tumulong. Nanghingi kami ng mga original art sa mga artist at ang iba naman ay nagbigay pa ng oras nila sa pag-i-sketch.
MARAMING SALAMAT din po kay G. TONY DE ZUÑIGA, lalo na po sa kanyang maybahay na si ma'am TINA, MABUHAY po kayo!
Eto po sila...
Si Carlo Pagulayan, sa kanyang napakahusay na sketch....
...at may bonus na prints pa ni POISON IVY at BLACK WIDOW/HAWKEYE!
Si Heubert Khan Michael, ang aming suki sa ganitong event! VAMPIRELLA ang raket nya ngayon!
Aaaaaay, si Manix Abrera! Na kararating pa lang sa event eh, pinilahan na kaagad ng kanyang mga fan. Sabi nga ng isang kaibigan eh, parang pila sa bigasang bayan!
Si Kajo Baldisimo...graveh, LOLITA na TRESE!
Si Carlo Vergara ng Zsazsa Zaturnnah...super busy rin sa kakapirma, grabeh, ang ganda ng drawing nya, sayang, 'di ko napicturan!
Si Pol Medina, Jr...ang may gawa kay POLGAS!!!
Si Leinil Francis Yu...grabeh 'yung HULK!
Silent auction 'yung nangyari, pero n'ung hapon, dinala namin sa stage para makita ng mga tao kung ano 'yung mga binebenta namin...
Ako at si Gerry Alanguilan.
At nung bandang hapon, at natapos na ang lahat, eto po ang nakuha namin...umabot sa P20,000.00!!!!
Whoohooh! SALAMAT po talaga!
Whooohoooh, 20,000 pesoses na tumataginting....tiyak na maraming bata ang mapapaligaya nito!
Grabeh, SALAMAT din po sa mga sumusunod:
Rod Andres
Gerry Alanguilan
Ilyn Alanguilan
Jonas Diego
Myke Guisinga
Zara Macandili
Robin Rivero
Ed Tadeo
James Ryan Toledo
Harvey Tolibao
Jason Torres
Kevin Valentino
Enzo Vega
Andrew Villar
Komikero Artist Group
KOMIKON Organizers
...at kung may hindi man akong nabanggit, pasensiya na po.
P.S.
Salamat din po sa mga picture na ginamit ko rito, kinuha ko lang po ito sa Facebook.
Tuesday, May 29, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
This coming Komikon uli para madagdagan 'yung mga schools/baranggay na in-adopt. :)
wow napapaluha ako sa tuwa....200 na bata at 3 communities ang naka parada sa buwan ng hunyo hulyo at agosto...naku salamat talaga sa inyo..
Walang anuman po. :)
super thank you talaga sa tulong ninyo sa lapis at papel project ... maraming bata ang mapapasaya na naman ninyo... lets continue reaching out and bringing education nearer to this children...may God bless you more!
Post a Comment