Tanglawan
Mga kaluluwang yakap ng dilim
At mga pusong bagabag
Puspos ng gulo’t kawalang saysay
Tanglawan
Mga anino ng kahapong
Tangan ay bulag sa sulyap sa ngayon
At kawalan ng pakialam sa kapwa
Na tila baga sila’y ‘di kapatid.
Magkaisa, mga Anak ng Liwanag
Magpakatibay kayo
Ang panaho’y dumating
Upang ang tunay na layunin’y gampanan na.
Isang dakilang pagkakataong
Ibahagi ang banal na alay
Na buhat sa dambana ng inyong kaluluwa
At ipagdiwang ang inyong tunay na pagkatao.
Ngayon ang pagsilang ng isan bagong mundo
Na nais nating matunghayan
Na ating aabutin
Sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagsabay sa musika ng sanlibutan.
Isinalin sa Filipino ni Neph Botor, hango sa tulng “Light” ni Ome
Bailey, handog para sa TANGLAW, DIWA, LIKHA ng Makiling (28-29 Hunyo 2013)
2 comments:
Planuhin natin next year 'yung exhibit natin diyan. :)
Yeah, pwede rin! ^_^
Post a Comment