Saturday, November 09, 2013

That 70’s Superband Show!

Noong Miyerkules, November 6, 2013, pagkaraan ng maraming taon, ay nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na makapanood ng concert.  Sobra-sobrang sulit at talaga namang nasiyahan ako ng husto.  Sa totoo lang, hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nanood ng concert…mga play siguro sa theatre, pero concert, ‘di ko na maalala (para tuloy akong si NAPOLES!).  Masyado abala sa trabaho…o wala lang talagang pera, weheheheh….

Nagsimula ang pananabik kong manood ulit ng mga concert ng makatihan ng mga kamay kong manood at making ng Manila sound sa Youtube.  Naging paborito ko rin kasing pakinggan ang mga awit ng VST and Co., Wadab, Labuyo, Hotdog, Cinderella, Abra Cadabra, at iba pa.  May mga video at concert sa internet, pero pinangarap ko na sana mapanood sila ng live, iba pa rin siyempre kapag live!  Kaso, mukhang imposible na yata dahil, medyo matagal na silang hindi aktibo at mga may edad na sila.  Ika nga eh, mga junior o dual citizen na, heheheh!

Sumikat sila ng husto ng mga panahon ng dekada sitenta (70’s).  Hindi pa ako buhay n’un o kapapanganak pa lang n’ung kasikatan nila, pero talagang nagustuhan ko ang mga awitin nila n’ung kabataan ko, ika nga ulit eh, tootoy pa at may uhog pa!  Tapos n’ung nakatungtong ako sa high school at college, doon ko talagang nabaliw ako sa mga awitin nila.  Kapag naririnig ko mga awitin nila, natutuwa at nalulungkot ako.  Natutuwa, dahil da best talaga mga awitin nila, nalulungkot naman, kasi hindi ko sila napanood ng kasikatan nila.

Pasok ang makabagong panahon, sa panahon ng modernisasayon at internet, madali ng malaman ang mga bali-balita ng kung anu-ano.  At nakatihan ng kamay kong hanapin sa internet kung ano na mga balita sa kanila, at eto nga!

Medyo nauso rin kasi mga reunion concert at inasam ko na sana mangyari din ito sa kanila.  Aba’y nagkaroon nga, kaso ‘di ko rin napanood, nasa probinsiya ako eh, nakakasuya talaga! 

Tapos laking gulat ko, kasi recently, nalaman ko na nakakapag-concert na pala ulit sila, at may malapit na lugar at skedyul!  At ang kagandahan pa n’un nagsama-sama pala sila sa isang banda – WOW! 

As in WOW!

 photo 70.jpg

Nang malaman ang sked, hanap kaagad ng makakasama.  Desidido talaga akong mapanood sila ng live!  Mabuti naman at may game na mga kaibigan at sinamahan nila ako!  Salamat Jonas at Ysa!

Pagdating ng araw ng concert, punta ng maaga sa venue.  Excited much! 

Maaga sa lugar para makakuha ng ticket, makapag-reserve ng lugar at kumain.  Kaso, nagulat ako sa venue.  Hard Rock Café kasi, expected ko na may kamahalan, pero ‘di ko akalain na gan’un KAMAHAL! Gah, hanggang tubig na lang yata kaya kong orderin!  Well, kaya pa naman budget sa appetizer, huhuhuhu....

Nasa isip ko na lang, okay lang, minsan lang naman ito! Carry lang.

Habang naghihintay ng kasama, nakakatuwa kasi naroon na rin ‘yung banda at nagkaroon ako ng pagkakataon na makamayan, makapagpa-picture, at makapagpapirma sa kanila!  Tinext ko nga kaagad mga kaibigan ko, sabi ko, “kinikilig na ako, eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!”

Ngayon lang ulit ako na-excite ng ganito.

Eto ‘yung mga ticket.  Nakumpleto ko ring papirmahan sa lahat ng miyembro ng banda!  Hinaharang namin sila kapag napapagawi o daan sa table namin...Mabuti na lang nasa daanan 'yung pwesto namin, weheheheh!

 photo tickets.jpg

Simula ng concert, maraming patikim o front acts…may MAHUSAY at meron ding HINDI.   Uhmmn, concert ito, pero feeling ng isang banda eh, nagpa-practice lang sila…nagkalat ng husto eh, naturingan pa man ding 2010 band winner daw sila…talaga lang ha?

Mga 10PM na rin nagsimula ang MAIN ACT…pero TALAGANG SULIT na SULIT! Grabeh, WALANG MINTIS!  ANG HUSAY pa rin nila!  Naluluha nga ako ng mapakinggan ko sila eh, pero siyempre tago lang, heheheh…Maricel Soriano ang peg!

Nostalgia ang dating sa bawat awit nila.  At SUPER-GALING ang ARRANGEMENT ng mga awit nila.  Buong-buo ang musika, ang tugtog, at ang ganda ng transition sa bawat awitin!  DA BEST talaga!  Nasabi ko tuloy sa sarili ko, sa wakas napanood ko rin sila!  Kumpleto na buhay ko, heheheh.

Special mention sina Manong REY MAGTOTO, napakabait at masayahing tao, joke nga namin eh, parang siyang si GARY LISING, heheheh… at  SNAFU RIGOR, grabeh ang boses! 

 photo maglilin.jpg
JUN MALLILLIN ng bandang ABRA CADABRA, ang NICK RHODES ng grupo!

 photo me_n_drummer.jpg
NITOY MALLILLIN ng bandang ABRA CADABRA, ang papabol ROGER TAYLOR ng grupo!

 photo mon.jpg
MON ESPIA ng bandang LABUYO, Tuloy pa rin ako!

 photo nonoy.jpg
NONOY TAN ng bandang WADAB.  Should I say SIMON LE BON ng grupo?

 photo rey.jpg
Ang super bait at kwelang REY MAGTOTO ng bandang WADAB! IDOL!

 photo rigor.jpg
SNAFU RIGOR ng bandang CINDERELLA, ay grabeh ang boses ni manong!

 photo vst.jpg
MONET GASKELL ng bandang VST and Co, hay nakoh, WALANG KUPAS!

 photo the_band.jpg
Ang 70's SUPERBAND...SUPER TALAGA!

Haaay, GUSTO ko ULIT PANOORIN sila! 

Salamat ulit kay Jonas at Ysa para sa mga pektyur!

 Bookmark and Share

3 comments:

jonasdiego said...

Sana magkaroon uli sila ng concert. :D

Shamps said...

Ramdam na ramdam ko yung excitement! Siguro alam ko mga kanta nila, hindi ko lang alam na sila yan.

johnny yambao danganan said...

@Jonas, yeaps, hanap ulit ako ng sked nila!

@Shamps, KILIG MUCH gyud! ^_^

Related Posts with Thumbnails