Wednesday, September 22, 2004

nakakapagod...

nakakapagod nga...

...nung mga nakaraang araw, sobrang pagkaabala ang naranasan ko...nagsabi nga ako ng pagbibitiw, 'di naman pinayagan...

...naghanda pa ko para sa training, tapos kaunti lang dumalo, buti na lang 'di pa natuloy nung ikalawang araw, at least nagkaroon ako ng oras para makapagpahinga...haaaay...

...lunes, madaling araw akong lumuwas para makapag-report sa office sa mandaluyong ng maaga, natapos kami ng alas-tres ng hapon para bumaba (o umakyat?) ng tagaytay...dun ako nakulong ng 2 araw at 2 gabi sa trabaho, well at least tagaytay highlands 'yun, okay lang ang dating, pero kahit na...maganda nga yung accommodations, kaso 'di naman ako nakatulog..."namamahay" ang katawan ko, 'di makatulog 'pag hindi sa sariling kama nakahiga...'yun nga lang, masarap talagang maligo d'un sa unit na 'yun, kontrolado mo timpla ng init ng tubig pampaligo, gold-plated pa gripo! ('ala sa bundok namin nun eh! hehehe)

...kanina, madaling araw kami umalis ng tagaytay para pumunta sa novaliches, panibagong project...pagkatapos sa antipolo naman...du'n ako nagtagal, ang haba na naman ng meeting..pero okay yung pagkain...mabait at maganda pa ang may-ari nung restaurant...pareng rene, MILF siya!

...umalis ako rung ng alas-tres ng hapon (uli) papunta naman sa office namin sa mandaluyong, konting pagta-type sa computer, kaso sira naman telepono kaya 'di makapag-send ng e-mail...uhnnn, punta pa ako ng crossing para lang mag-send ng e-mail, tapat ng shangri-la...at ngayon eto ako...konti na lang, makakauwi na ako at makakapiling ko na uli ang higaan ko...at makapakinig ng music...sabik na ako sa music na gusto ko..parati na lang kantang "kikay" ang naririnig ko sa mga radyo ng nasasakyan ko!!!

...pero, konting gala muna, narito na rin lang ako, lubos-lubusin ko na...bukas at biyernes, sa farm na naman, well, bibisita lang naman at may bagong supervisor na d'un...sa sabado, luwas na naman dito sa mandaluyong, siguradong gabi na naman ako makakauwi sa amin...waaaaahhhh, ano itong napasukan ko! 'di ako makalabas!!

5 comments:

Raipo said...

Sabi ko sa'yo nung nag-quit ako sumunod ka na...is it relly that too late??? Wala man lang binibigay sa iyong incentives? Additional pay para lang mag-stay ka?

rene said...

walanghiya ka, johnny!

Gerry Alanguilan said...

E ano naman ba magagawa nila pag one day di ka na lang basta sumipot? Nagsabi ka na naman na ayaw mo na e. Hintayin mo na lang last paycheck mo tapos wag ka na lang pumasok.

Raipo said...

Tama si Gerry! AWOL ka na lang! Injanin mo na sila!

Jac said...

And preferably may better job ka pag-AWOL mo wehehehe! Turuan ba? ;)

Related Posts with Thumbnails