Wednesday, September 15, 2004

grabeng sitwasyon...

...ito lang ang masasabi ko sa buhay ko ngayon...grabeh!!!

...napapasok ako sa isang sitwasyon na hindi ko alam kung paano ako makakalabas...ilang araw at gabi rin akong binagabag ng aking damdamain at pag-iisip...dram noh? pero ayun talaga ang nangyari...

...tumakas ako ng saglit sa aking trabaho para mag-aliw at kausapin ang aking mga kaibigan at ikuwento ang sitwasyon ko sa buhay at IISA ang sinabi nila..MAG-RESIGN KA NA!!

...grabe nga kasi ang trabaho ko...naiipit ako...at kahapon..nagkaroon ako ng pagkakataong sabihan ang aking 2 boss na gusto ko ng umalis sa trabaho...grabeh..parang sinisilihan ang aking wetpu! (2 ang boss ko, isang pinoy, at isang swiss...ang nakakatuwa, mas makatao pa o pinoy pa ang ugali nung swiss kong boss kesa dun sa isa...yung isa..well..ASSHOLE siya!)

...kahapon, nasabi ko ang nasasaloob ko, pero dun sa isang boss lang, yung swiss, alam nya kasing may problema ako dun sa isa kaya pinili nya na kami na lang ang mag-usap...okay naman, naibulalas ko lahat ang nasa isip at damdamin ko at gulat na gulat siya sa kanyang mga nalaman...well, sabi ko kasi, isa lang ang masasabi ko dun sa pinoy kong boss: WALA akong masasabing MABUTI tungkol sa kanya...

...nagkasundo na lang kami ng boss kong swiss at titingnan namin kung magkakaayos ito, ayaw nya kong pakawalan eh...kung hindi talaga magkakayos, aalis na TALAGA ako sa kompanya...at least alam na nya ngayon na may balak akong umalis...naging maayos naman siyang kausap...ang problema, yung isa na naman, well, bahala na siyang magsabi dun...

...grabeh, ngayon lang ako nakatagpo ng ganung klaseng tao at ngayon din lang ako nakaramdam ng sobrang hidwa o galit sa isang tao...isinusumpa ko talaga siya!



5 comments:

Ilyn said...

ang kabalbonan... baka manlagas... huag masyado mainit. Cool lang.

:)

Raipo said...

Sabi ko sa iyo magturo ka nalang. Alis Ka na d'yan ASAP!!! Iwanan mo na yung A-hole!!!

Jonas Diego said...

I feel for you, sister. :) Basta, lagi kaming nasa likod mo whatever happens.

rene said...

One word of advice pare - Tirahin mo sa Puwet! Ay, 4 words pala... Hehe!

Jac said...

Syet papa syet! Pa-jumbagin mo na ang hitad na yan zaturnnah!

Related Posts with Thumbnails