Sunday, September 05, 2004

nilalagnat akoh....

...syet papa syet! tinamaan ako ng lagnat...hindi puwede...ang dami pang deadline!

...kailangan kong pumunta ng tagaytay bukas...gagawa ng monthly report, lagot na nga ako sa boss ko...ang gulo pang kausap ng management....

...pagkatapos, sa farm...'di daw pinasweldo yung mga workers namin...ang resident boss ko talaga, magulo ring kausap...aayusin ko pa yung farm kasi may darating kaming bisita sa huwebes, tapos may darating pang mga bagong apprentices galing novaliches....

....sa tuesday, kailangan ko pang pumunta ng antipolo...may isang project dun...kailangan ding mag-deliver ng mga gulay sa Vieux Chalet (free plugging ha!), isang organic swiss restaurant...

...wednesday, have to report sa farm para ayusin at magbigay ng lecture sa mga bagong apprentices....meeting pa namin sa farm...

...thursday, may bisita sa farm , darating pa yung isa kong boss, may kasama pang bisita...tapos ng tour nung bisita, didiretso pa sa tagaytay...

...friday...uhmm, farm? wala ba kong karapatang magpahinga?

...saturday, mandaluyong? depende sa boss ko...o sa isang farm pa sa tanauan - siyet kulang pa ako ng documents dun!

...grabeh! lahat ng ito gagawin ko...at take note...nilalagnat pa ako ngayon habang tinatype ito...kasi may tatapusin pa ring akong report na deadline kahapon....

...gusto ko ng matulog....;(

3 comments:

Gerry Alanguilan said...

Ang sarap...ang sarap matulog. Hay. Parang inaantok na naman ako. Tulog muna ako. Ikaw rin, dali! Ang sarap mahiga. Nakakahypnotize...I feel sleepy...nakaka..*shhnrrrk*

Jac said...

Wheeeeee! New blog! I'll update my links...

Raipo said...

'Tol ireconsider mo na ang offer ni Ate Ilyn. Magturo ka na lang ng Agri.

Ili-link na kita sa Blog ko! Hinahanp ka nga pala ng mga taga-Filbar's ATC, gusto ka raw nilang makita! : )

Related Posts with Thumbnails