Wednesday, November 24, 2004

...i-try ko lang si Druuna

...tingnan ko nga kung maidi-display ko dito si Druuna...



...ha, oo nga!

...ito ang paborito kong character sa comics...at siyempre huwag kalimutan ang artist din, ang lumikha sa kanya...ang isa sa aking mga diyos ng pagguhit...si PAOLO ELEUTERI SERPIERI!!!

...sana makilala nyo siya...ahhhhh, Druuna!

Tuesday, November 23, 2004

hula...hula...hoop!

...hula...masarap pakinggan yung mga hula sa akin...kadalasan sinasabi nila ang mga ugali ko...'di ko naman sila kilala pero tama naman ang mga hula nila...maski nga medyo personal na bagay, nasasabi nila, ayaw ko lang aminin kasi minsan, nakakahiya...masyadong personal eh!

...pero, ang paborito ko ay n'ung "binasa" ng kaibigan ko y'ung mga nagdaang buhay ko...grabe...exciting! ...ilan sa mga nabanggit niya...

...isa raw sa mga buhay ko...naging isang monk daw ako...ako raw y'ung "black sheep" sa mga monk...ayaw daw sumunod sa mga patakaran, laging tinatanong ang kabuluhan ng buhay...sa sobrang kulit...pinugutan daw ako ng ulo!

...nabuhay din daw ako sa panahon ng World War 2, sa panahon ng mga Nazis...isa raw akong babaeng hudyo na buntis n'ung nagtangkang tumakas palabas ng concentration camp...nabaril sa bandang likod...patay!

...ang huling buhay ko raw bago sa buhay na ito...isa akong major general na amerikano, nakasakay sa isang helicopter...tapos sumabog yung helicopter bago pa lamang lumapag ng Vietnam...patay!

...hehehe, masyado pala bayolente ang mga naging buhay ko kaya raw ganito ang takbo ng buhay ko...nasa "cleansing stage" daw ako ngayon...ngayon lang daw ako isinilang na pinoy, kadalasan daw sa mga malalamig na lugar (European countries) ako nabuhay...kaya pala ganito itsura ko at gan'un ako kabalbon, hehehe...

... hindi pa raw tapos ang buhay ko dito sa mundo...mabubuhay pa raw uli ako (reincarnate), dahil hindi pa kami nagkikita ng "soulmate" ko...kasi ngayon, imposible raw kaming magkita, kasi nasa kabilang dulo o bahagi ng mundo (opposite side) raw siya, matanda na...malapit ng mamatay...bed-ridden na nga raw, lalake..aaaaay, lalake! ehe, uhurm...lalake.

...hehehe, sarap paniwalaan...pero take note, hindi ko tinatanong ang mga bagay na ito sa mga nanghuhula sa akin, sila na mismo ang nagkukusang sabihin sa akin ito...ang nakapagtataka, nakatatlo na akong na-encounter na mga manghuhula, magkakalayo o ibang parte ng Luzon, isa sa Los Baños, isa sa Batangas, isa sa Aurora...at pare-pareho nila itong naikwento sa akin...weird nga!

...well, patikim lang 'yan, siguro 'pag naka-encounter uli ako, isusulat ko uli rito...

...siguro, sa Mindanao naman....

Thursday, November 18, 2004

balita, hula at iba pa!

..may maganda akong balita...may trabaho na uli ako!!!

...yun nga lang, maikli lang na panahon, depende siguro sa magiging performance ko (ano yan sasayaw?) ang ikatatagal ng trabaho kong ito...pagbubutihin ko na talaga ito kasi naaayon sa kagustuhan ko tapos, ito na rin siguro ang magpapabago sa takbo ng buhay ko...drama noh?

...medyo malayo yung lugar, makilala, north cotabato, ikukulong ako d'un ng tatlong buwan!! pero okay lang, maganda naman daw yung lugar, malapit na malapit sa kalikasan, kaya akma ito sa akin, green-minded naman ako eh...ay sobra! 'yan ang sasabihin ng mga kaibigan ko 'pag tinanong nyo sila kung green-minded nga ako...hehehe...

...bale, mabait pala sa akin ang kapalaran, masyado lang talaga akong mainipin sa buhay kaya nakakapagsulat ako ng mga senti na bagay tungkol sa buhay...pero minsan kasi, iba rin eh...hindi mo talaga lama ang takbo ng buhay...

...napapansin ko lang, kapag pinag-iisipan ko 'yung mga nagdaang panahon o yugto ng buhay ko, medyo yata nagkakatoto lagi 'yung mga hula nila sa akin...medyo naniniwala kasi ako sa mga hula...lagi ko lang sinasabi na masarap paniwalaan ang mga hula...hula nga eh!

...kasi ako, nakakatagpo lagi ako ng mga manghuhula, hindi ako ang naghahanap sa kanila, nagkakataon, lagi na lang ako ang nakakatagpo nila at hinuhulaan lagi ako...magpapakilala lang bilang kaibigan tapos, sa aming pag-uusap, hinuhulaan na pala ako...binabasa ang aking pagkatao...lagi na nilang sinasabi na masarap daw basahin ang pagkatao ko...marami raw kwento...

...mabubuti rin naman yung mga hula nila...pero may hindi rin maganda pero, sa mga nagdaang yugto ng buhay ko, medyo, nagkakatotoo...dapat na ba akong maniwala sa kanila?

...sa susunod, palalawigin ko ang pagsusulat sa mga hula sa 'kin, medyo titigil muna ako kasi ilang minuto na lang magsisimula na yung papanoorin ko sa sine eh...the incredibles pa naman...hehehe, maganda raw eh, 'di ba gerry?

Tuesday, November 09, 2004

ano na ang nangyari?

...ano na nga bang nangyari sa akin?

...eto, 'ala ng trabaho...nagising na rin ako sa wakas sa wala kong kwentang trabaho...ayun, nagkagulo kami at sa pagkakataong ito, nilayasan ko sila bilang ganti sa mga pinaggagawa nila sa akin...ayun, nagkagalit-galit man kami, pero nasa akin ang huling halakhak, nahihirapan tuloy sila sa kompanya nila - buti nga!!!

...pero, mahirap din na desisyon para sa akin, kasi ang mga daraang araw ay puro gastos, mawawalan ako ng panggastos... lumipas and undras, magpipiyesta sa amin, magpapasko, magbabagong taon, eh ang mga kasambahay ko eh makaluma, gusto maghahanda sa bawat okasyon, sumasama ang loob 'pag hindi naghahanda kahit kakaunti, minsan na nga lang daw mangyari sa isang taon, palalampasin pa...ugh, minsan nga, kakaunti nga, sunod-sunod naman...ganun din! gastos pa rin!

...eto, ako ngayon, palamunin muna, maraming oras para sa sarili...sa una okay, kaso, 'pag nagtagal, nakakasawa na rin, 'di makakilos, 'alang perang pangkilos, gustong lumabas, 'di kaya, alang panglabas...magmumukmok na lang sa bahay...ayan ang hirap sa nag-resign, walang datung...'di kasi maayos ang naging takbo ng pagre-resign ko eh, naging biglaan, ayun ako ang nawalan ng pera, pero kahit na, ang higit na mahalaga eh ang pagkakalaya ko sa bwist na kumpanyang 'yun...

...nag-apply nga ako ng trabaho, kaso, mahirap humanap ngayon, 'alang tumatanggap, puro sa january pa ang tanggapan, nagtitipid ang mga kumpanya kasi gustong umiwas sa bonus kapag pasko...pero kahit na, e-mail lang ako ng e-mail, 'pag sinuwerte, eh 'di suwerte! ako ngayon, pa-extra-extra...magbenta na lang kaya ako ng laman?...liempo? kasim?... literal na laman...

...maging swerte sa buhay, kailan kaya 'yun?...haaaay, buhay...minsan naisip ko, puwede kayang pumili ng buhay? 'yung bago ka pa lang isisilang, papipiliin ka na ng magiging buhay mo? siyempre, pipiliin ko 'yung pamilyang may marangyang pamumuhay para masaya...para makukuha ko lahat ang gusto ko...

...kaso, materyal na bagay lang 'yun, masaya ba talaga 'yun? parehong pamilya...marangyang pamumuhay...kaso, kapareho pa ba 'nun ang mga pinagdaanan ko? ang mga kaibigan ko, magiging sila pa rin kaya yun?

...naaaahh, hindi siguro, mas gusto ko na lang ng ganito, tinuturing ko kasing kayamanan ang mga kaibigan ko eh (drama noh?)...mahirap mawalan ng kaibigan...iniisip ko pa lang, mahirap na, biro mo, wala kang magiging kakuwentuhan sa lahat ng bagay, walang ka-level ng pag-iisip mo...'di kaya nakakaloko 'yun? nakakaloko nga...

...haaay, wala lang...nawala bigla ang mood kong magsulat pa...sa susunod na lang uli.

Related Posts with Thumbnails