Tuesday, November 23, 2004

hula...hula...hoop!

...hula...masarap pakinggan yung mga hula sa akin...kadalasan sinasabi nila ang mga ugali ko...'di ko naman sila kilala pero tama naman ang mga hula nila...maski nga medyo personal na bagay, nasasabi nila, ayaw ko lang aminin kasi minsan, nakakahiya...masyadong personal eh!

...pero, ang paborito ko ay n'ung "binasa" ng kaibigan ko y'ung mga nagdaang buhay ko...grabe...exciting! ...ilan sa mga nabanggit niya...

...isa raw sa mga buhay ko...naging isang monk daw ako...ako raw y'ung "black sheep" sa mga monk...ayaw daw sumunod sa mga patakaran, laging tinatanong ang kabuluhan ng buhay...sa sobrang kulit...pinugutan daw ako ng ulo!

...nabuhay din daw ako sa panahon ng World War 2, sa panahon ng mga Nazis...isa raw akong babaeng hudyo na buntis n'ung nagtangkang tumakas palabas ng concentration camp...nabaril sa bandang likod...patay!

...ang huling buhay ko raw bago sa buhay na ito...isa akong major general na amerikano, nakasakay sa isang helicopter...tapos sumabog yung helicopter bago pa lamang lumapag ng Vietnam...patay!

...hehehe, masyado pala bayolente ang mga naging buhay ko kaya raw ganito ang takbo ng buhay ko...nasa "cleansing stage" daw ako ngayon...ngayon lang daw ako isinilang na pinoy, kadalasan daw sa mga malalamig na lugar (European countries) ako nabuhay...kaya pala ganito itsura ko at gan'un ako kabalbon, hehehe...

... hindi pa raw tapos ang buhay ko dito sa mundo...mabubuhay pa raw uli ako (reincarnate), dahil hindi pa kami nagkikita ng "soulmate" ko...kasi ngayon, imposible raw kaming magkita, kasi nasa kabilang dulo o bahagi ng mundo (opposite side) raw siya, matanda na...malapit ng mamatay...bed-ridden na nga raw, lalake..aaaaay, lalake! ehe, uhurm...lalake.

...hehehe, sarap paniwalaan...pero take note, hindi ko tinatanong ang mga bagay na ito sa mga nanghuhula sa akin, sila na mismo ang nagkukusang sabihin sa akin ito...ang nakapagtataka, nakatatlo na akong na-encounter na mga manghuhula, magkakalayo o ibang parte ng Luzon, isa sa Los Baños, isa sa Batangas, isa sa Aurora...at pare-pareho nila itong naikwento sa akin...weird nga!

...well, patikim lang 'yan, siguro 'pag naka-encounter uli ako, isusulat ko uli rito...

...siguro, sa Mindanao naman....

4 comments:

Arashi-KIshu said...

...buti ka pa, may nagsasabi sa iyo niyan...ako wala...

pero minsan noong high school ako may isa nang nagsabi babaeng journalist daw ako sa amerika noon 1930s, parang si polly perkins sa Sky Captain and the world of tomorrow, tapos dinedbol sa sobrang kulit...sayang magpapakasal pa naman daw ako sa susunod na buwan daw...

ewan ko ba kung maniniwala ako dun. totoo ba yun?

jrld said...

johnny, base sa mga naging past na buhay mo, ay pinipigilan kitang pumunta sa mindanao. magulo dun e.

:)

baka... wala, ayoko na isulat. (knock on wood!) :)

basta bumalik ka agad at madami pa tayong scandal na pagsasaluhan!

Raipo said...

Ako naman daw in the future magiging leader daw ako (ng ano?) hula sa akin ng Grade 6 adviser namin...

Wag mo kaming iwan Jooooohnny!

Jac said...

hahaha! How come noone ever tried reading my past? Siguro kasi too boring. Nyahaha! My best guess of my past life is that I was a jap misogynistic ladykiller and so cursed to be born a woman. nyehehehe!

Related Posts with Thumbnails