Thursday, November 18, 2004

balita, hula at iba pa!

..may maganda akong balita...may trabaho na uli ako!!!

...yun nga lang, maikli lang na panahon, depende siguro sa magiging performance ko (ano yan sasayaw?) ang ikatatagal ng trabaho kong ito...pagbubutihin ko na talaga ito kasi naaayon sa kagustuhan ko tapos, ito na rin siguro ang magpapabago sa takbo ng buhay ko...drama noh?

...medyo malayo yung lugar, makilala, north cotabato, ikukulong ako d'un ng tatlong buwan!! pero okay lang, maganda naman daw yung lugar, malapit na malapit sa kalikasan, kaya akma ito sa akin, green-minded naman ako eh...ay sobra! 'yan ang sasabihin ng mga kaibigan ko 'pag tinanong nyo sila kung green-minded nga ako...hehehe...

...bale, mabait pala sa akin ang kapalaran, masyado lang talaga akong mainipin sa buhay kaya nakakapagsulat ako ng mga senti na bagay tungkol sa buhay...pero minsan kasi, iba rin eh...hindi mo talaga lama ang takbo ng buhay...

...napapansin ko lang, kapag pinag-iisipan ko 'yung mga nagdaang panahon o yugto ng buhay ko, medyo yata nagkakatoto lagi 'yung mga hula nila sa akin...medyo naniniwala kasi ako sa mga hula...lagi ko lang sinasabi na masarap paniwalaan ang mga hula...hula nga eh!

...kasi ako, nakakatagpo lagi ako ng mga manghuhula, hindi ako ang naghahanap sa kanila, nagkakataon, lagi na lang ako ang nakakatagpo nila at hinuhulaan lagi ako...magpapakilala lang bilang kaibigan tapos, sa aming pag-uusap, hinuhulaan na pala ako...binabasa ang aking pagkatao...lagi na nilang sinasabi na masarap daw basahin ang pagkatao ko...marami raw kwento...

...mabubuti rin naman yung mga hula nila...pero may hindi rin maganda pero, sa mga nagdaang yugto ng buhay ko, medyo, nagkakatotoo...dapat na ba akong maniwala sa kanila?

...sa susunod, palalawigin ko ang pagsusulat sa mga hula sa 'kin, medyo titigil muna ako kasi ilang minuto na lang magsisimula na yung papanoorin ko sa sine eh...the incredibles pa naman...hehehe, maganda raw eh, 'di ba gerry?

3 comments:

Jonas Diego said...

North Cotobato!? Aba'y ang layo naman! Mami-miss ka namin, Johnny. Hu hu hu...

Seriously, though. Congratulations! Sabi ko na nga ba at hindi magtatagal ay makakahanap ka rin ng bagong trabaho.

Kelan ang alis mo? :)

Raipo said...

Oo nga! Kailan alis mo? Makaka-attend ka ba ng November meeting naitn?

Ilyn said...

Congratulations and good luck, have a safe trip! :)

Related Posts with Thumbnails