...ano na nga bang nangyari sa akin?
...eto, 'ala ng trabaho...nagising na rin ako sa wakas sa wala kong kwentang trabaho...ayun, nagkagulo kami at sa pagkakataong ito, nilayasan ko sila bilang ganti sa mga pinaggagawa nila sa akin...ayun, nagkagalit-galit man kami, pero nasa akin ang huling halakhak, nahihirapan tuloy sila sa kompanya nila - buti nga!!!
...pero, mahirap din na desisyon para sa akin, kasi ang mga daraang araw ay puro gastos, mawawalan ako ng panggastos... lumipas and undras, magpipiyesta sa amin, magpapasko, magbabagong taon, eh ang mga kasambahay ko eh makaluma, gusto maghahanda sa bawat okasyon, sumasama ang loob 'pag hindi naghahanda kahit kakaunti, minsan na nga lang daw mangyari sa isang taon, palalampasin pa...ugh, minsan nga, kakaunti nga, sunod-sunod naman...ganun din! gastos pa rin!
...eto, ako ngayon, palamunin muna, maraming oras para sa sarili...sa una okay, kaso, 'pag nagtagal, nakakasawa na rin, 'di makakilos, 'alang perang pangkilos, gustong lumabas, 'di kaya, alang panglabas...magmumukmok na lang sa bahay...ayan ang hirap sa nag-resign, walang datung...'di kasi maayos ang naging takbo ng pagre-resign ko eh, naging biglaan, ayun ako ang nawalan ng pera, pero kahit na, ang higit na mahalaga eh ang pagkakalaya ko sa bwist na kumpanyang 'yun...
...nag-apply nga ako ng trabaho, kaso, mahirap humanap ngayon, 'alang tumatanggap, puro sa january pa ang tanggapan, nagtitipid ang mga kumpanya kasi gustong umiwas sa bonus kapag pasko...pero kahit na, e-mail lang ako ng e-mail, 'pag sinuwerte, eh 'di suwerte! ako ngayon, pa-extra-extra...magbenta na lang kaya ako ng laman?...liempo? kasim?... literal na laman...
...maging swerte sa buhay, kailan kaya 'yun?...haaaay, buhay...minsan naisip ko, puwede kayang pumili ng buhay? 'yung bago ka pa lang isisilang, papipiliin ka na ng magiging buhay mo? siyempre, pipiliin ko 'yung pamilyang may marangyang pamumuhay para masaya...para makukuha ko lahat ang gusto ko...
...kaso, materyal na bagay lang 'yun, masaya ba talaga 'yun? parehong pamilya...marangyang pamumuhay...kaso, kapareho pa ba 'nun ang mga pinagdaanan ko? ang mga kaibigan ko, magiging sila pa rin kaya yun?
...naaaahh, hindi siguro, mas gusto ko na lang ng ganito, tinuturing ko kasing kayamanan ang mga kaibigan ko eh (drama noh?)...mahirap mawalan ng kaibigan...iniisip ko pa lang, mahirap na, biro mo, wala kang magiging kakuwentuhan sa lahat ng bagay, walang ka-level ng pag-iisip mo...'di kaya nakakaloko 'yun? nakakaloko nga...
...haaay, wala lang...nawala bigla ang mood kong magsulat pa...sa susunod na lang uli.
Tuesday, November 09, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Ganyan talaga minsan ang buhay, Johnny. Minsan nasa taas minsan naman nasa baba. Pero hayaan mo at patuloy pa rin ang paghahanap...ng trabaho.
Nasa aking pa rin ang resume mo at oras na may mabakante sa Lexus ay tiyak kong ipapasa ko sa kanila ang mga papeles mo.
Basta kung alin ang mauna dun sa mga establishments sa Jupiter. ;)
ay wawa ka naman... ang hirap talaga ng buhay no? kumilos ka lang kailangan mo na ng pera. ako nga natutulog lang sa bahay ng mga magulang ko hihingan na ako ng datung...
Di Bale lilipas din yan.
Try asking around :) buti nga malapit tayo sa LB :) benta ka rin ng... beads! hindi yung bolitas ha? cute ng necklaces na gawa mo e.
Pare nandito lang kami! Hintayin mo na lang raket ninyo ni Jonas, 'di ba sabi ni Miyagi-san:"Patience young grasshopper".
Mahirap 'din yung may datung, kalaban mo gastos!
Bakit kasi sinunod mo ang suggestion ko na magquit ka e. Alam mo namang BI ako e. :) Pero pare, I know how you feel. Ilang beses na rin ako napunta sa ganyang sitwasyon...walang trabaho...walang pera.... nagsisimot ng mga bentesinko kung saan saan sa bahay para lang makabili ng coke. hay. Darating din ang work na yan. The last one you had really sucked. Sayang lang ang pagod mo dun.
Post a Comment