...naka-isang linggo na pala ako dito sa bago kong trabaho...malayo...malungkot...pero okay lang...di ko akalain na makakapagtiis din ako ng ganito...sa wakas, nakatulog na rin ako ng mahimbing kagabi...kagabi lang...ang tagal bago naka-adjust ang sistema ko....
...ngayong linggo, puro sa opisina lang ako...medyo solo ako d'un kasi puro nasa field lahat ang mga kasamahan ko, pero sa lunes kasama na nila ako...sa field na rin ako...pupuntahan namin lahat ng mga farm na hawak nila...excited na ako!
...isa pa lang ang reklamo ko rito ngayon...mahirap makatuyo ng labahin...wala ngang problema sa tubig, saganang-sagana, kaso...dahil nasa paanan kami ng bundok, parating madilim at umuulan...ang tagal tuloy matuyo ng mga damit ko...napabili tuloy ako ng mga extrang damit para lang may maisuot sa opisina....
...dito pala, 'di ka "in" 'pag hindi basa ang buhok mo...mahilig maligo ang mga tao rito...okay lang sana kaso...ang lamig naman ng tubig!! parang yelo!!!
...ngayon, poproblemahin ko naman kung saan ako sa pasko...kanino kaya ako magbabakasyon?
Saturday, December 11, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
Parang anlinis dyan ah! "wag kang malugkot p're nandyan kami...kahit sa espiritu lang.
Paano na Gerry's natin?
Saan ka makakapagbakasyon? Dito sa San Pablo ok lang. Daan ka sa bahay...mag luluto ako ng mga Salmon Lemon Steak o kaya Tuna Sisig o kaya Eric's Last Stand...tapos manonood tayo ng ROTK Extended Edition. O diba? Tara!
Eric's Last Stand? Ano 'yun? PAng-Erectile dysfunction? Aphrodisiac?
Johnny, umuwi ka na kasi for Christmas. He he he! Or mag astral projection ka na lang so you can be with us...in spirit. :)
Raipo, yung Eric's last stand ay sauteed button mushroom and baby potatoes in olive oil and spices, then baked in several kinds of cheese. Ang sarap! O diba Johnny? he.he.
Eric's last stand...yum!!! kelan kaya ako makakakain niyan?
waaaaaahhhh!!!! nang-iinggit sila!!!!!
wehehehehe, miss ka na kasi namin :)
OO nga. Miss na miss ka namin. Pasensya ka na kung lagi ka naming iniinggit. E ikaw e. 3 months ka na lang dyan ha?
Anonymous...makakatikim ka pag nagpakilala ka. he.he.
eric's last stand? from eric ng wasted ba yan? original recipe ng komikero bossing gerry?
johnny!! magresign ka na at tigang na tigang na ako!
wag ka masyado maglalabas at baka mapagkamalan kang bigfoot! magubat yata jan e... nyark!!
Ako yun....sorry tinamad ako mag-register, nakalimutan ko ilagay pangalan ko
--Arashi_KIshu
Sure Ms. Anonymous! Pasyal ka minsan dito pagluluto kita. Sorry na postpone ang ating photo shoot. Nasira ang camera ko e. Waaaah!!!!
-Gerry
Anonymous din
Post a Comment