Naisulat ko na, na ang lugar na tinutuluyan ko ngayon ay maraming elementong naninirahan, sa opisina, sa dormitoryo, o sa tinitirahan ko mismo. Lahat ng kakilalal ko ay nagsasabi na marami sila pero mabubuti naman…noong una, okay lang sa akin ‘yun, kasi bukas naman ang isip ko sa gan’ung bagay, basta huwag lang nila akong gagalawin.
Okay lang, sa sarili ko…kasi 2 linggo na ako rito, wala pang nagpaparamdam sa akin, kaya malaman ko mang marami sila, okay lang sa akin kasi hindi nga nagpaparamdam eh…
…noon iyon, kaso noong mga nagdaang araw, medyo iba na ang mga pangyayari…
…una, noong natulog ako sa dormitoryong malaki, may nagparamdam sa akin, may umupo sa aking hinihigaan na hindi nakikita…okay lang, sanay na ko sa ganoong karanasan…medyo…
…pangalawa, noong biyernes, may usapan kami ng kaopisina ko, si Bang, na uuwi ako ng tanghalian at magsi-syesta muna, mga alas-2 na ako makakabalik, samantalang siya, magsi-syesta rin sa opisina, gisingin ko na lang daw siya sa pamamagitan ng pagkatok sa bintana, okay naman ang usapan namin, hanggang…pagdating ko sa opisina, galit si Bang, pinaglaruan ko raw siya, ala-una raw ng tanghali kinatok ko raw ‘yung bintana, kitang-kita nya raw ako, ako raw mismo, binuksan pa niya ang pinto at lumabas siya para tingnan ako, nawala raw akong parang bula…sabi ko, kakagising ko lang at noon lang ako pumunta sa opisina, alas-2…
…pangatlo, ginabi ako ng uwi noong sabado, madilim d’un sa dadaanan ko kaya pumunta ako ng dormitoryo para manghiram ng flashlight…pagdating ko d’un, walang tao…at ihing-ihi na ako…punta ako d’un sa may madilim na C.R., pagpunata ko d’un, laking gulat ko, parang may isang maliit na batang nakaharang d’un sa dadaanan ko, para bang na-trap siya sa isag sulok, pareho kaming nabigla, ‘di ko siya nakita ng diretsa pero, sa gilid ng mata ko, alam kong may tao…tapos ramdam na ramdam ko ‘yung pagkabigla nya, tapos biglang ambilis nawala…
…pang-apat, n’ung gabi ring iyon, dahil wala kaming makitang flashlight, sinamahan na lang ako n’ung kaibigan ko pauwi d’un sa tinutuluyan ko…so, okay, naglalakad na kami…tapos, noong nasa may kawayanan kami, kitang-kita ko, may malaking anino, mga 6 footer na kasalubong ko, nabangga pa nga ako…para talagang may taong bumngga sa akin, nilingon ko, wala naman…sabi ko d’un sa kasama ko, may nabangga ako na malaking anino…sabi nya, oo raw, nakakita kasi siya, pero huwag daw akong mag-alala, mabait daw sila…
…eyng, noong una, okay lang ah, pero ngayon…medyo nag-aalangan na ako…ayaw kong makakita talaga…takot ako….
Sunday, December 19, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
uy...tapos na ang halloween
ate ilyn,
actually, 'yung tinitirhan ko, bahay nila...ako ang nakikitira sa kanila....
PAgbutihin mo pag-aararo mo dyan ha??? Sabihin mo na lang sa kanila: "I am a servant of the Secret Fire!"
putik natakot ako dun a! Midnight pa man din nung nabasa ko ito. Syet papa syet!
Post a Comment