ito yung falls na mga 2km lang ang layo d'un sa bahay ko...maganda no? hindi lang 'yan, may mga jacuzzi-type natural hot springs pa...ilan lang ito sa mga falls dito, 'yung iba, mas maganda at malaki pa rito, mga 4 na oras daw na lakarin, bago marating...hehehe, saka ko na pupuntahan 'yun, matagal pa nam ako dito eh, mag-iipon muna ako ng lakas!
eto naman 'yung pinagkukuhanan ng inumin namin, malinis na malinis, ito ang tunay na mineral water! libre na, masarap na, marami pa!...galing mismo ito sa mga bukal ng Mt. Apo!
...dito nagmumula ang mga ilog papuntang Cotabato...malilinis pa talaga ang mga ilog dito, 'di tulad sa Luzon....,
hehehe...okay ba?
2 comments:
JOHNNY!!! WAAAAAHHH!! Nasan ka naaaaa! Miss ka na namin! Ahem.
Hoy, bat di ka sumasagot sa email ko? Uuwi si Henry dyan. At least may Komikero ka rin makikita ngayong Pasko kahit paano.
Ang sarap papuntahin ang Hidden Spring dyan a. Para hindi na rito sa San Pablo sila humigop ng tubig. eh. eh.
ganda nga :D i-bottle mo yung tubig tapos benta mo dito pag-uwi mo ng san pablo nyahahah!
Post a Comment