...itutuloy ko pala ang mga nangyari sa 'kin...grabe, 'di ako makapaniwala, kahapon lang nasa luzon pa 'ko, ngayong paggising ko ng umaga, nasa mindanao na ako!!!
...d'un muna sa Malate...'Baywalk" pala ang tawag 'dun...n'ung matapos akong mag-internet, pumunta ako sa may Robinsons, nilakad ko lang para maging sanay ako d'un sa lugar at para malaman ko kung paano ako babalik d'un sa hotel na tinuluyan ko...pagdating ko sa may Robinsons, siyempre, hanap kaagad ako ng tindahan ng komiks, at nakita ko naman, siyempre sumama na naman loob ko kasi ang daming magandang komiks kaso ang mamahal naman...d'un na lang ako sa sale section nila naghalungkat, ayun, may nakuha naman na ako na mura para babasahin bago matulog....
...pagkabili ng komiks, uwi na kaagad sa hotel...kaso napasarap yata ako ng paglalakad kasi 'di ko makita 'yung palatandaan ko sa hotel, basta malapit sa Malate Church 'yun...nagtanong ako at sabi n'ung napagtanungan ko sa Ermita Church daw 'yung tinumtumbok ko...kaya binalikan ko yung mga dinaanan ko...teka, may Ermita Church ba? ...joke yata 'yun n'ung napagtanungan ko ah...
...pagdating sa hotel, konting pahinga...naligo, tapos lumabas para kumain...balik ako sa Baywalk, nang-hunting, este, naghanap ng makakain, aaaaay! ng pagkain pala. Masaya pala d'un, maraming live performers, mga banda...ang daming tao...ang dami ring mga dayuhan at kalimitan mga singkit...kahit saan ako pumunta, puro singkit ang nakita ko...andito sila hindi para sa "tourism" lang, andito sila para sa "sex tourism"...kakalungkot....
...wala naman akong nakainan d'un sa daming cafe nand'un, 'di ko gusto 'yung mga pagkain at tsaka 'yung amoy ng dagat, medyo masagwa...maswerte pa pala kami sa Sampalok Lake maski gan'un na ang itsura nya ngayon...nagpakasasa na lamang ako sa panonood at pakikinig ng libreng banda...n'ung nagsawa na ako, nagbalik na ako sa hotel...mga 11 na ng gabi....
...pagdating ko sa hotel naman, magpapahinga na sana ako, kinatok naman ako n'ung bago kong supervisor, nakipagkwentuhan hanggang 12...maaga daw kasi 'yung flight nya...saka palang ako nakahiga...kaso, namamahay ako, 'di rin ako kaagad makatulog, nang 2 ng umaga, lumabas uli ako para makahigop ng mainit na tsokolate, buti may mga convenience store na malapit...nakasabay ko pa sa pagkain ang mga babaeng mabababa ang lipad...masarap sana silang kapanayamin, kaso baka mainsulto...tumahimik na lang ako...n'ung naubos 'yung iniinom ko, uwi na uli sa hotel...siguro mga 4 na ng umaga na ko nakatulog...tapos nagising ng 6, kulang pa rin...masyado kasing excited....
...mga 8 ng umaga, nakasakay na ako ng taxi papuntang airport...akala ko matrapik, 'di pala...8:30 and'un na ako...kaya maaga tuloy akong nakapag-check-in eh 10:35 pa ang flight ko...unang beses ko kasi na sumakay ng eroplano ng nag-iisa kaya masyadong excited...napatagal pa ang aking paghintay, kasi medyo na-delay pa, 11 na n'ung tawagin ang flight ko...pero bago 'yun, sa paghihintay, nagpatingin-tingin, naghanap ng kakilala para may kakwentuhan, kaso...wala...meron pala, si Efren "bata" Reyes, kaso hindi nya naman ako kakilala...gan'un pa rin itsura nya sa personal...mabait naman, laging nakangiti, gusto ko sana siyang lapitan para kamayan kaso baka gusto nyang mag-isa...pinabayaan ko na lang, ngiti na lang...kaso 'yung iba, nagsilapitan, kinuhanan pa siya ng letrato...sayang...papunta siyang Bacolod....
...n'ung nakasakay na ako ng eroplano..okay naman, mga isa't-kalahati ang byahe...paglapag...grabe, 'di ako makapaniwala, sa wakas, nasa Davao na ako...gustong-gusto ko kasing marating ang lugar na ito eh...may kasuduan kasi kaming magkakaibigan, ako pa ang nagpakana, na pupunta lahat kami sa Davao...ang nangyari ako pa ang huling nakapunta sa Davao, hehehe, kapalaran nga naman...mapagbiro.
...grabe sa airport ng Davao...ang tahimik! sobrang tahimik at malinis...walang binatbat ang NAIA at domestic airport sa Luzon...siyempre, kabado ako, unang beses eh...tapos, ang tagal pang lumabas n'ung gamit ko sa may baggage area...nag-isip na ako na baka naiwan sa Luzon, 'hindi naman pala, panghuli lang talaga sa pagkakalabas ng mga bagahe....
...pagkalabas ng airport, nag-taxi papuntang terminal ng byaheng Kidapawan...mga 20 minutong byahe...natakot nga ako n'ung tinanong ako n'ung driver kung baguhan ako sa Davao, nag-isip pa ako kung sasabihin ko ang totoo, baka kasi lokohin ako, tulad nga mga taxi driver sa Manila...bagama't kabado, sinabi ko pa rin ang totoo...mabait naman pala, hindi ako niloko...disiplinado pala mga driver sa Davao, istrikto pala d'un, lalo na daw 'yung mayor nila, may kamay na bakal...
...pagdating ko sa terminal...kumain muna ako...pagkakataon ko ng kumain ng lutong Davao...seafoods 'yung inorder ko at laking gulat ko, mura nga ang bilihin...'yung 120 piso kong kain sa Manila o Laguna, dito 40 piso lang! mananaba lalo ako dito....
...sakay ako ng van byaheng Kidapawan, 100 piso ang pamasahe...2 oras na byahe...paspas pa 'yung driver, lumilipad ang van sa bilis, pero kahit na mabilis, 2 oras pa rin ang byahe...gan'un siya kalayo...okay naman ang tanawin kaso, 'di okay 'yung katabi ko...pamula ng umandar 'yung sinasakyan namin, hanggang sa binabaan nila, walang tigil sila sa pagkukwentuhan...nakakarindi...boses na lang nila ang narinig mo sa loob ng van, halos lahat na ring ng pasahero, masama na 'yung tingin sa kanila, kaso deadma lang 'yung 2...ang kapal!
...nakarating ako ng Kidapawan ng 4 ng hapon...nagpahinga ng kaunti...tapos sinundo ako d'un pabalik sa Makilala, mga 30 minutong byahe kapag sarili o owner 'yung gamit...nakarating ako sa office ng 5 at nakilala 'yung big boss d'un...okay naman...maganda 'yung lugar...para siyang resort...training center...2 km na layo ay may falls at hot springs...sagana sa puno at tubig...iba ang dating...malamig...nasa paanan kasi 'yun ng Mt. Apo!
...tapos pinahanda 'yung tutuluyan ko...nakipagkwentuhan...at binigyan na rin ako ng babala d'un sa bahay na titigilan ko...kung matapang daw ako kasi...'yung bahay ay ginawa sa lugar na dating maraming puno ng balite at 'dun sa tutuluyan ko ay talamak ang mga lang-lupa...kasama ko raw sa bahay 'yung mga 'yun...mahilig magparamdam...mabait naman daw...pakisamahan ko lang raw....
...unang gabi ko...buti na lang puyat ako...kaya medyo nakatulog ako...wala naman akong naramdaman...paggising ko...pumunta ako d'un sa falls...exercise na rin...grabe...ang ganda...mga natural na bath tub na hot spring...ang linis ng tubig...may malamig at mainit na tubig...ang malamig, kasing lamig ng yelo...siyempre d'un ako nagbabad...sawa na ako sa hot springs eh...nung matapos, balik na uli sa office, eh linggo ngayon, day-off ko raw...mamasyal daw ako sa Kidapawan....
...okay pumunta ako sa Kidapawan...iba ang sasakyan dito..para makapunta sa highway, kailang kong sumakay sa "skylab", motorsiklong pampasahero na kasya ang 5 kataao, kasama ang driver...habal-habal ang tawag nito sa Bohol, kasi mukha daw kasing naghahabal o nase-sex ang mga pasahero, kapag nakasakay dito...skylab naman dito kasi sa original na itsura, may malapad at mahabang kahoy na nakapatong ng pahalang sa may upuan sa likod ng driver ng motorsiklo na magsisilbing upuan ng mga pasahero sa magkabilang tabi...parang skylab mismo na satellite ng Russia noon, kaya iyon ang naging pangalan...pero ngayon, nagbago na ang itsura nito...nakaangkas na lang ang mga pasahero, may karagdagang kahoy na upuan na lang...pero skylab pa rin ang pangngalan, pinaikli na "sakay na lab"....
...iyun ang sinakyan ko para makalabas ng highway...pagdating d'un...iba pa rin ang sasakyan papuntang Kidapawan...hindi jeep...multicab naman ang tawag...mas maliit sa jeep...ang mga tricycle dito..iba pa rin ang itsura...malalapad...basta kakaiba....'pag ako nagkaroon ng pagkakataon, magpo-post ako ng mga pictures dito....
...at eto ako ngayon, nagta-type...ang hirap pang humanap ng internet cafe...buti na lang may nakita ako...nagtanong-tanong din...pagkatapos nito...maggagala, titingnan ko kung ano pang makikita ko rito sa Kidapawan....
Sunday, December 05, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Sama ako!!!
Nami-miss ka na namin, Johnny pero it's great to know na maganda yung napuntahan mo. :)
johnny, ang bilis naman ng mga pangyayari. nasa davao ka na pala. tamang-tama, mag-aral ka ng Cebuano dyan ha tapos sabay nating sabihin na, "kadyot lang, naglibog ko!".
pag-amping diha bai!
Davao! Ano yan... maraming singkit dyan :D
Post a Comment