Grabe! gan’un pala ang pakiramdam ng naaksidente….
Kahapon, habang papunta ako sa iinterbyuhin kong farmer, may isang sakunang nangyari...at kasama ako d’un! Nasa Midsayap ako at papunta na sa bahay ng isang farmer na aking kakausapin ng biglang mangyari ang aksidente...nabangga ‘yung tricycle na sinasakyan ko!
Malayo pa kami, nakita na ng driver naming ‘yung van na pumarada sa isang medyo dahilig (slopey) na paradahan. Bumagal na ‘yung sinasakyan ko para magbigay daan, kaso n’ung nasa tapat na kami n’ung van, bigla kaming inurungan. WABAMM!!
D’un sa tagiliran ng tricycle, sa may lugar ko, bumangga ‘yung puwitan ng van. Ako, napahampas ang noo ko sa windshield ng tricycle sa lakas ng bangga. Basag ‘yung salamin! Tapos ‘yung noo ko, may sugat, duguan, medyo masakit! Putsa, ang nasa isip ko nu’n: siyet, naaksidente ako, dadalhin ako sa ospital, mako-confine ako d’un! Siyet, hindi puwede! May hinahabol akong deadline, may i-interbyuhin pa ako!
Tiningnan ko ‘yung driver namin. Napahampas din siya sa windshield, basag din yung salamin kaso ‘di siya nasaktan pero yung kasama nya na nakaupo sa likuran nya, may tama sa likod, medyo may sugat sa likod dahil din sa lakas ng impact ng banggaan.
Siyempre datingan ‘yug mga tao, bumaba kami ng sasakyan, tapos nag-usap sila, nung may-ari ng sasakyan. Ako naman, tingin kaagad sa salamin kung ano itsura ko, maliit na galos lang pala sa noo, pero may dugo, tapos marami pala akong bubog sa katawan. Saka palang kami napansin n’ung nakabangga at dinala kami sa ospital na pinakamalapit. Nagpa-panic 'yung may-ari, kami okay lang, kalmado. Actually, okay lang ako, kaso ang concern ko lang, baka kasi may bubog sa sugat ko, kaya nagpadala na rin ako sa ospital. Mabuti walking distance lang 'yung pinakamalapit na ospital.
Pagdating sa ospital, dinala kami sa emergency room, tapos tinanong kung ano pangalan, edad, tagasaan, etc,..parang , hello! May sugat ako, ‘di kaya gamutin nyo muna ako bago nyo ako tanungin ng kung anu-ano?
Kinuha ang BP ko, tapos sabi ng doctor nasa threshold daw ng normal at mataas, tinanong kung highblood daw ako. Sabi ko normal lagi ang BP ko, shocked lang kaya gan’un. Tapos, pinahiga sa kama tapos tiningnan ‘yung noo ko. Ayun, nilinis lang ng alcohol tapos nilagyan ng betadine, tapos na!
Tinanong kung naliliyo ako, sabi ko hindi. Tapos sabi i-x-ray daw…sabi ko hindi na kailangan, para galos lang i-x-ray na kaagad? Niresetahan kaagad ako ng gamot, Antibiotics na 500mg, iinumin ko raw tatlong beses sa isang araw, sa loob ng isang lingo, at mefenamic acid, pain reliever, iinumin kada 6 na oras, sa loob ng 10 araw…Ha? Gan’un ba kalala ‘yun? Sabi ko, huwag na lang, ‘di ako umiinom ng gamot. Nagpilit ‘yung doctor na painumin ako ng mefenamic acid, sabi ko, huwag na. Ang kinuha ko na lang ‘yung tubig, sabi ko okay na ako.
Pagkatapos ko, ‘yung isa naman ang tiningnan, ewan ko parang galos lang naman, tapos sinaksakan na kaagad siya ng oxygen…
Hinarap ako ng nung may-ari ng van, babae siya. Nagpaliwanag, sabi nya, walang tao sa van n'ung nagyari ang aksidente. Naka-park na ‘yun tapos, naka-handbreak, pagbaba niya, umandar ng kusa kaya kami naurungan. Nag-sorry siya, maganda pa naman siya…tapos dumating ‘yung boyfriend yata niya...ayun, iyak siya sa boyfriend niya, nakayapos…sa isip ko, haaay sana sa akin na lang siya yumapos…’yung boyfriend! Hehehe…
Tapos hingi talaga siya ng sorry. Sabi ko, okay lang, aksidente naman ‘yung nangyari eh, ‘di naman talaga sinadya yung pagkakabangga. Tapos nagpaalam na ako, sabi ko may iinterbyuhin pa ako…ewan ko kung ano nang nangyari d’un sa isa….
Saturday, April 23, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Uy buti na lang ok ka...pagaling ka!
awang-awa na sana ako until i got to this line... "sa isip ko, haaay sana sa akin na lang siya yumapos…’yung boyfriend! Hehehe…" ... napamura tuloy ako.
BWAHAHAHAHAHA!
OK na sana until pinagnasahan mo yung BF nung babae. Ha ha ha! Pagaling ka, Johnny. :)
Akala ko kaya kayo nabangga kasi nilalandi mo yung driver wehehehe! jk ;D
San kinuha mo yung landline... ng BF haha, kunwari magrereklamo ka pa hahaha!
Ingats palagi.
Post a Comment