matagal-tagal din bago ako nakapagsulat uli, masyado kasing abala sa buhay..naks, buhay na ngayon ha!
ano na ba ang mga nangyari sa akin? hmmm...
...natapos na 'yung project na ginagawa ko, sa tulong ng dugo at pawis (literal!) na ibinuhos ko d'un, ngayon eh hindi naman nakiki-communicate ang boss ko, nasa ibang bansa raw...haaay, bigyan na nya ako ng ticket pauwing luzon!!!
...may dumalaw na psychic healer na pari sa amin, nagpatingin ako, baka kasi may myoma ako eh, mahirap na...wala naman daw akong sakit ..pero sabi nya malakas daw ang aking feminine side...hahaha, totoo kaya ito, papa este father?
...nag-birhday ako, mag-isa, nakaklungkot, mahirap pala mag-celebrate ng nag-iisa ka, mga kasama ko kasi dito puro may pamilya kaya 'di mo mayaya, lahat eh gusto pauwi sa kanikaniyang pamilya, 'buti na lang tumawag 'yung mga hindi ko inaasahan na tumawag, kaya okay na rin ang birthday ko...'buti na lang narinig ko ang boses nya...masaya na ako!
...haaay lovelife , kailan kaya ako magkakaroon ng legal, ang ilap eh...o ako ang mailap?...mapili kasi ako eh, 'yun nga lang, 'yung napipili ko, mapili rin, kaya ayun 'di ako pinili...hay kinabuhi!!
...sa susunod talaga isusulat ko dito 'yung tungkol sa mahal ko, ang daming nagtatanong eh...papamagatan ko 'itong "ang mga lalake, este babae sa buhay ni juani"!
...naka-gimik din naman ako kahit papano, napanood ko rin sa wakas ang bagong movie ni batman, okay naman siya, ahaaay, papa ko talaga si Liam Neeson..hehehe, sa bawat sequence 'inaantay ko siyang magsalita ng "my padawan!"
...nakainuman ko rin 'yung kaibigan kong babae, si Jan-jan, d'un sa Matina Town Square...okay naman d'un, teka inuman ba ang tawag d'un, the usual, kalahating bote ng san miguel light, lots of ice and 2 glasses of cold water...ayun, ako pa 'yung tipsy sa amin, samantalang 'yung kaibigan ko, okay lang...tsk, tsk!
...ayun na muna...ayaw ko munang mag-comment sa kaguluhan diyan sa Luzon, tapos ang impression eh, magulo raw dito sa Mindanao, sa totoo lang, mas masarap mabuhay dito, at tahimik pa...'pag nagkataon, tutuluyan na talaga yatang maging isang bansa ang Mindanao kapag nagkatuloy-tuloy ang kaguluhan diyan sa Luzon...handa na ang mga tagarito, may national anthem na, may seal at bandera na, may pangulo na ring kung sakasakali, si Duterte yata, well okay lang naman siya...sana!
Wednesday, July 06, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Gas abelgas! Sabi ko nga...
Kasi naman andadaming epal sa d2 sa Manila eh.
Sa girlalush...pano kung maging kayo, e di lesbian relationship yan! hahaha!
"...buti na lang tumawag 'yung mga hindi ko inaasahan na tumawag, kaya okay na rin ang birthday ko"
Johnny! Ano ka ba? Binabasa ni Ilyn ang blog mo. Mahuhuli kayo niyan ni Ger---! Eh!? Hi, Ilyn! Kamusta na? :D
Oy, malapit na ang anniv natin, bakla. Umuwi ka na! Ha ha ha! :)
Arashi-kishu,
hehehe, okay lang kasi minsan may pagakatomboy din naman ako eh...:)
Ilyn,
oo nga eh, kailangan ko na ng pahinga kaso hindi pa talaga puwede...dami pang ginagawa...sa nangyayari diyan sa luzon, tiyak pag uwi ko diyan, kailangan ko na ng pasaporte, tuloy na tuloy na daw ang Mindanao Republique eh!
Jonas,
eto, buhay pa rin naman, pero miss ko na miss ko na diyan, nag-iipon lang ng pamasahe pauwi dito kaya kumakayod pa...oo nga, anib na natin, haaay, dami ko na talagang nami-miss....
Post a Comment