Saturday, August 06, 2005

Ang mga babae (at lalake…ahaaay!) sa buhay ni balbona

Medyo sinisipag akong magsulat ngayon…at medyo maramirami rin ang maisusulat ko ngayon.

Kumuha ako ng extra job dito para may pang-gimik ako na konti habang naghihintay pa ‘ko sa susunod kong trabaho…pero actually, medyo matagal-tagal na rin hindi ako nakakagimik, ika nga eh, busy kaayo!

So, habang ginagawa ko ‘yung isang project, napagawi ako sa Digos City, sa Davao del Sur, at siyempre kapag nasa lugar ka na ito, dapat hindi mo palalampasin ang dinarayo dito sa sarap na bibingka…, bibingka nga, ‘yung pagkain na bibingka ha…at iyan ay matatagpuan sa isang sikat na restaurant dito – ang Mers. Garantisado, masarap nga ang bibingka nila!

Image hosted by Photobucket.com
Ito ang Mers!

Image hosted by Photobucket.com
ummmmm....bibingka!


At nang mapagawi pa ako sa loob ng syudad sa medyo liblib na lugar, ito ang bumulaga sa akin…nasa isip ko kaagad, hindi ko dapat palampasin ito, kailangang makuhanan ng litrato at mai-post sa blog…hehehe, kayo na mag-isip kung ano ang iniisip ko ng makita ko ito….

Image hosted by Photobucket.com
....hehehe, COCKERS INN! HAHAHAHA, COCKERS INN!!!!

Hehehe, may panlaban na ako sa Top 10 odd names na iniipon ng mga kaibigan ko…Raipo, sa palagay ko talo nito ‘yung “Mr. Footlong” na nakita natin!


…tapos, bumisita sa amin ‘yung matagal ng funder ng aming office, eh magre-retire na kaya nagdesisiyon ang aming executive director na bigyan siya ng tribute…so, ayun, naging busy na naman ako, pinagawa ako ng portrait n’ung funder naming para daw maipa-frame at mailagay sa t-shirt. Okay sana, kaso wala silang klarong picture n’ung tao, meron nga kaso sobrang liit naman, kinailangan ko pang i-enlarge, kaso uli, sabog naman ang itsura n’ung litrato kaya hirap na hirap ako, pero okay naman ang nangyari, ginamitan ko na lang ng aking magic, ika nga eh ilabas ang aking pag-iinarte (read: artist)..ayun nasiyahan sila, ngayon lang daw sila nakakit ng ganun, iba’t-ibang seeds kasi ‘yung ginamit ko sa outline at ang canvas eh hand-made paper, tuwang-tuwa sila.

Image hosted by Photobucket.com
'yung funder, si Piet at ang aking boss ngayon
!

Image hosted by Photobucket.com
...at siyempre, ako at si Piet!


… at hindi pa natapos d’un, kailangan daw mag-present lahat kami ng iba’t-ibang production numbers, sa kasawiang palad, sa tinikling ako napapunta, ayun, grabe, mahirap na masarap pa lang magtinikling, mahirap kasi pagod ang paa mo kakatalon, masarap kasi para kang naliligo sa pawis mo pagkatapos, siguradong galong-galong mantika ang nawala sa akin!

Image hosted by Photobucket.com
hehehe, kaya ko pala magtatalon!

…nang dumating ‘yung funder may kasama siyang walong (8) Austrian women, ‘yung iba may edad na, ‘yung iba naman medyo kaidad ko, pero futek, ang tatangkad at ang puputi…as in lahat maputi, medyo kasi sanay na ang mata ko kung saan titingin eh, kaya alam ko ang tunay na maputi! Ika nga, eh medyo makasalanan daw ang aking paningin, hehehehe!

Image hosted by Photobucket.com
...ang aking harem!

…at ako ang naging official photographer nila, para kasi sa documentation, kasakasama nila ako kung saan sila pumunta kaya marami akong pictures nila. N’ung tribute, nagulat sila n’ung magtinikling ako, kaya a’yun, nahiritan din na magpaturo sila sa akin, o kitams, may silbi din pala ang paghihirap ko – ang lalambot ng mga kamay, futek!

Image hosted by Photobucket.com
...bigla akong naging DI!

Image hosted by Photobucket.com
...at isa pa!

…at siyempre, pagkatapos ng tribute, may party, ito nga pala ang bagong kaibigan ko dito na medyo kaedad ko si Mai-mai, hataw kami sa sayawan, n’ung party kasi, ako rin ang DJ kaya may hawak akong remote at cd.

Image hosted by Photobucket.com
Ako at si Maimai...

Image hosted by Photobucket.com
...at kami uli!


…nang matapos ang party, saka pa lang ako nakapagpahinga ng maayos-ayos, kaso biglang nag-text ‘yung mga kaibigan ko sa Los Baños, darating daw sila sa Midsayap, North Cotabato, kasi inimbitahan silang speaker sa isang event ng isang malaking school d’un, Southern Christian College. Siyet, mga dalawang (2) oras na byahe din iyun, gusto ko mang magpahinga ng husto kaso, pagkakataon ko ng makita uli sila kaya pumunta pa rin ako, d’un ako sa bus natulog…pagdating d’un, hindi naman ako nagsisi, nawala ‘yung pagod ko sa sobrang tuwa! Siyempre, kwentuhan to the max!! updates sa isa’t-isa!!

Image hosted by Photobucket.com
Si Indihra at aketch!

Siya si Indihra Dimaporo, isang pinsesa sa Lanao del Norte, Muslim siya pero radical at moderno, para ngang hindi Muslim siya ‘pag kami lang ang magkakasama. FYI: 52 lang silang magkakapatid sa sampung (10) nanay at hindi na raw niya mabilang kung ilan ang kanyang mga pinsan, pamangkin at apo!

…tapos, kasama rin ‘yung dating kong boss sa uplb na malapit kong kaibigan, tapos nakita ko rin ‘yung isang kaibigan ko na matagal ko ng hinahanap tapos taga-Midsayap lang pala, eh palagi ako sa lugar na ‘yun…ang nangyari parang reunion namin at iba pa ang sumagot sa mga gastos namin, pina-check-in kami sa hotel nila at sagot ang pamasahe at pagkain, ultimo ako, nakasama na rin sa benefits na ibinigay nila kasi ‘yung ibang staff ng school, kakilala ko, kaklase ko pa dun sa uplb – small world talaga! ‘di rin sila makapaniwala na andito ako sa Mindanao….

Image hosted by Photobucket.com
ang aking mga kaibigan!

At siyempre chicka to the max…hanggang na-confirm ko ‘yung isang balita na medyo mabigat sa aking damdamin…wala kakanta na talaga ko ng “Paalam na”


Haaay, kailangan ko na talagang i-purge siya sa buhay ko…siyet, minsan lang ako tamaan ng matindi tapos, hindi rin pala puwede…kaya akmang-akma tuloy ‘yung kanta ng Smokey Mountain sa akin na “Kahit habang buhay” kasi gan’un ako…

Kahit Habang Buhay
(R. Cayabyab)

Intro: C,G/B,Am,G,F-G7
       pause
       
   C             Bm7,E7       
Nakakalito ang mundo
      Am
Kung sino'ng mahal mo 
       Gm7       C7
Siyang ayaw sa iyo
        F
Huwag sanang masayang
E        A7      Dm
Itong damdamin kong 
        G(7)
Laan sa iyo
 
C           Bm7,E7
Paano naman ako
    Am            Gm7      C7
Kay tagal ko ng umiibig sa 'yo
      F
Huwag sanang masayang
Em        A7     Dm
Itong damdamin kong
G         C
Laan sa 'yo
 
Chorus:
        F
Kahit habang buhay
   Em7              F
Maghihintay ako sa 'yo
      Dm     Dm7     C7sus-C7
Kahit pa maglaho ang mundo
       F
Kahit habang buhay
     Em7            F
Maghihintay ako sa 'yo
       Dm  
Asahan mong hindi magpapalit
 Gm7     C7     F
Itong damdamin ko
 
Adlib: F-Em7,A7,Dm,Cm,F-
       Bb-Am,D7-Gm,F,Eb,G7,
       
(Repeat 2nd Stanza)       
(Repeat Chorus except last word)
 
  Bb-
..ko
 
Bridge:
Bb
Paano naman ako, oh woh
Nakakalito ang mundo
F            Gm7
Kung sino'ng mahal mo
                C7
Siyang ayaw sa 'yo, woh, who...
      C#7
Kung sinong mahal mo
Siyang ayaw sa 'yo
 
(Repeat Chorus, except last line
moving chords 1 fret higher)
 
Coda:
D Dm-
Hinding-hindi magpapalit
Dm7-
Hinding-hindi magpapalit
Abm-C#7 pause   F#-hold
Itong damdamin ko.

…medyo baguhin natin para mas akma, “kung sinong mahal mo, TALAGANG ayaw sa ‘yo…”

…haaay uli, pa’no ba ‘yun? Ikwento ko lang kasi wala akong makausap dito tungkol dun, para naman medyo maibsan ang aking damdamin…senti muna ako….

Kaibigan ko siya, nagtapat ako sa kanya, kaso hindi klaro ang sagot niya, pinaglaban ko damdamin ko kaso, mapait ang tadhana, nawalan ako ng trabaho n’ung panahon na ‘yon, nawalan ako ng lakas ng loob na humarap sa kanya…kasi siya lang ang babae sa kanila, mga kapatid nya may trabaho lahat pwera dun sa nag-aaral pa, anong isasagot ko ‘pag tinanong ako kung ano trabaho ko? Medyo lumayo muna ako sa kanya, naghanap ng trabaho para may lakas ako ng loob na humarap sa kanya, kaso nakakuha ako sa malayo…sinabi nya n’un na hindi siya naniniwala at ayaw nya sa long-distance relationship, kaya ayun lalo lang ako napalayo sa kanya, tapos, andito pa ako sa Mindanao ngayon, lalo na…umasa pa naman ako na may babalikan…haaaay…kay pait….

Pero, gan’un daw talaga ang buhay…kung hindi ukol, hindi bubukol, ah ewan! Paano ko na naman siya aalisin sa puso ko? (naks, ang lalim!) Puro bukol na nga ang puso ko eh, pang-ilan na ’to? At least ‘yung iba nalampasan ko na…ito, panibagong pagsubok na naman…gusto kong sumigaw, AAAAAAAAAAARRRRRGGGHHHH!!!!!!!

11 comments:

Gerry Alanguilan said...

AHA! So babae pala ang nagpapatibok ng puso mo! BUKING KA NA! he.he. Ok lang yan Johnny... dumadaan tayo lahat sa ganyan. Ang masasabi ko lang talaga e... pagdating ng araw at nameet mo na talaga ang para sayo, tatawanan mo na lang ang mga araw na ito at sasabihin mo... BUTI NA LANG hindi naging kami!

Magkano na ba ang pamasahe dyan ha? Parang gusto ko na talagang pumunta at tumikim ng bibinka dun sa Cocker's Inn. Ok lang? :)

Gerry Alanguilan said...

Cockers Inn... hahahahaha!

Johnny, bakit ka naman umamin? Source of entertainment namin ang mag-speculate about your 'preferences'. hehe. Kidding aside, habang hindi pa dumarating yung araw na sinasabi ni Gerry, e OK lang na lumuha ka kahit sandali. Me mga bagay talagang nangyayari na hindi natin kagustuhan.

Anyway, galing nung art mo ke Piet a!

O sya! Enjoy kang mabuti at sana makahanap ka na ng trabaho at ma-enjoy mo rin ang iyong sideline. Pero isipin mo namang magbakasyon dito. Miss ka na namin.

:)
Ate Ilyn

azrael said...

astiG!!!

mabuhay ka fafa johnny!!!

grabe..dame mo chickies sa pics

Jac said...

uwi ka na kasi! You need the break ;D pahinga ka muna at baka pagod na pagod na ang p-...puso mo

tobie said...

Gusto mo ng mp3 ng Kahit Habang Buhay?
Mayroon ako. I can send you a copy!

balbona said...

Gerry and ilyn,

...teka...teka...isinulat ko ba na babae 'yung binanggit ko?

Az,

hehehe...marami rin ako cats, 'di ko nga lang pinost dito...

Jac,

Oo nga eh...laspag na laspag na ang pu...ko, ewan, susurpresahin ko na lang kayo sa pag-uwi ko diyan!

Tobie,

the new komikero...sana "berde" at may matris ka rin...salamas, may MP3 na ako n'un, sawa na nga ang mga kasamahan ko dito eh....

Gerry Alanguilan said...

"…kasi siya lang ang babae sa kanila"

O di baga, Johnny? :)

Raipo said...

OO ng Johnny, olats yung Mr. Footlong sa Batangas!

balbona said...

Gerry,

..."…kasi siya lang ang babae sa kanila"

...teka, teka...babae ang puso o damdamin! ayun, tama babae ang damdamin...not necessarily biologically female!

Jonas Diego said...

Hay mis yu, Johnny! :D

Anonymous said...

hi, tama ka about mers bibingka. masarap talaga. the best bibingka ever.

about the cocker's inn, its costumers are mostly "sabungeros" since it is located within the vicinity of Hagonoy Cockpit Arena.

Related Posts with Thumbnails