Sunday, August 21, 2005

ang buhay beach!

Grabeh! Sari-sari ang mga nangyayari sa akin ngayon dito sa Mindanao, mapabuti man o hinde, eh okay lang...nag-e-enjoy na rin ako rito. Siguro nga stage lang talaga na malungkot at magsawa ako sa buhay ko...pero ngayon, okay na!

Isinama ako ng mga boss ko pabalik sa Talikud Island, pero sa ibang parte naman, sa Isla Reta. Ang ganda ganda ng lugar, parang Boracay tapos napakamura pa! Ang sasakyan lang papunta eh isang malaking bangka na P50.00 ang singil at pagdating mo sa resort, P30.00 lang ang entrance fee, libre pa ang mga lamesa sa ilalim ng mga puno na parang cottage. Napakaganda at linis ng lugar.

Paanyaya: Kahit sinong Komikero ang pumunta dito sa Mindanao, sigurado kong dadalhin ko kayo dito at talagang mag-e-enjoy kayo!

Image hosted by Photobucket.com
eto 'yung beach na Boracay ang dating!

Image hosted by Photobucket.com
at eto pa!

Siyempre, beach ang lugar kaya rumampa ako ng husto!

Image hosted by Photobucket.com
ehem, ako sa may tabing dagat!

Image hosted by Photobucket.com
kasama ang isa sa mga boss ko, si 'ter Nono

Image hosted by Photobucket.com
kasama ang 2 sa boss ko pa, si 'ter lanie (gitna) at ate betsy!

Isang nakakatuwa, 'yung lugar na 'yun maraming sea weed na tirahan ng mga isda, nang sumisid kami at tumingin sa mga isda bigla kaming sinalubong ng coral sea snake, balik kaagad kami sa takot. Eh Coral sea snake 'yun eh, napaka o pinakamakamandag na ahas sa mundong ibabaw! Basta mapagawi kami d'un sa lugar nya, sinasalubong nya kami!

Tapos, 'yung lugar din na 'yun, andaming cultured na taklobo at malalaking shells, pati na starfish ang dami rin, nanguha tuloy kami, alam kong medyo mali ito pero...curios eh, nakakain pala 'yung mga 'yun, pwera d'un sa starfish. Kinilaw ang kalimitang pag-prepare!

Image hosted by Photobucket.com
ang aming mga huli n'ung araw na iyun!

Image hosted by Photobucket.com
ang bago kong bra!

Image hosted by Photobucket.com
...at ang bago kong maningning na huli!

Grabeh! Enjoy talaga!


9 comments:

Raipo said...

Ang HALAAAAAAAAAAAY!!!

rene said...

BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!
BUKOL KING! BUKOL KING! BUKOL KING!

Gerry Alanguilan said...

AAAAARRGHHHH!!!! That's not RIIIIIIGGHHHHTTTT!!!!!!

My eyes!
MY EYES!!!!!!!

azrael said...

johnny!
bakit wala kang salawal?

Jac said...

wehehehe! starfish outfit ^_^ "DARNA!" I'm tempted tuloy na idrowing kita sa Pilya ;D hihihi!

Gerry Alanguilan said...

Sayang tapos na ang beach issue ng Mwahaha! :)

Arashi-KIshu said...

sige kapag napagawi kami sa MIndanao (at malapit na ata yun) ikaw ang una kong pupuntahan...

PArang awa mo na Johnny itapon mo na yang brip mo. Ibibili kita ng board shorts.

hxero said...

Johnny sa wakas nkapunta ka din sa talikod hehehe... sobra ganda jan dba? jan kami lagi nag-oovernyt ng ArtCo pra mag drawing nung college days ko pa... hehehe... lagi kami me discount or free kase dat tym eh relative ng ka member namin ang me ari ng resort... d best dba... konti lang tao kaya pwede kahit ano suotin (o kahit wala ok lang) hehehe...

Anonymous said...

hanep ka tlaga day! musta na kau! na misd ko tuloy kau dyan... d2 ako sa labas working as a cardiac-ortho o.r. nurse sa isang university hospital... c u soonnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn.

regards to ate betsy, day nono, lanie, benie, at u syempre.....

email me @ JHUN_of_HOPE@yahoo.com

mwaaahhhhhhhhhh

Related Posts with Thumbnails