Saturday, September 03, 2005

ababababa!

Aba, ng mabasa ko ang blog ng isang komikero at sinabing isang taon na ang blog niya (raipo), tiningnan ko rin ang blog ko...at namangha ako sa aking nalaman, isang (1) taon na nga rin ang blog ko, WOWWW!

Nakakatuwang balikan ang mga sinulat ko dito, pati na rin ang komentaryo ng mga kaibigan ko at mga mambabasa ('yung mga naliligaw dito). Pipilitin ko na talagang palaging magsulat dito, masarap din naman kasing magsulat at makisalamuha sa mga kaibigan ko sa internet.

Balita, halos puro mga balita at karanasan ko dito sa Mindanao ang mga sinusulat ko dito pero pipilitin ko na ulit mag-post dito ng tungkol naman sa Mindanao talaga.

Sa akin, okay pa naman, kakatapos sa subject na beach d'un sa huling post ko, isang araw na nakaraan, hot spring naman ang pinuntahan, tapos regular pa na nagsi-swimming kami kada linggo, marunong na kasi akong lumangoy ngayon, kaya may karapatan na akong magsuot ng trunks 'pag nagsi-swimming, hindi na ako parang talaba na nakababad laman sa swimming pool...kaya babala sa mga komikero, kapag umuwi ako diyan sa Luzon at magyayang mag-swimming, rarampa galore akoh!

Marami rin pala akong mga festivals na napuntahan dito, sunod-sunod at marami pang susunod. Kakatapos lang ng Kadayawan Festival sa Davao. "Festivals of Festivals" daw, toto nga! Sa susunod na 'yung mga litrato, nasira 'yung USB ko na ginagamit sa pagpo-post ng mga pictures.

Sa Kadayawan, okay ang performers sa streetdancing, n'ung sa Halad kasi sa Midsayap, nadismaya ako sa karanasan ko d'un, malayo sa mga nagpe-perform, kaya malalayo ang mga shots sa pictures. Eh dito, nasa harap ko mismo, ang showdown eh sa iba't-ibang street. Hindi ko nadala 'yung camera, naiwan d'un sa hotel na tinuluyan ko, kaya kinabukasan na event na lang y'ung nakuhanan ko - syunga!!!

N'ung umuwi na ako galing Davao, sa Kidapawan naman may Timpupo Fruit Festival, kaso sa sobrang busy ng schedule ko at pagod, n'ung pumunta ako sa Kidapawan, wala na akong inabot, tapos na ang program, nagkaroon ng "eat all you can" ng mga prutas at street dancing.

Makaraan ang dalawang (2) araw, Hinugyaw (Harvest) Festival naman sa Province ng Cotabato, okay naman, showdown ng street dancing 'yung napanood ko, at marami akong nakuhang pictures. Sumama kasi ako d'un sa mga official photographers, feeling lang, akala nila kasama ako d'un, sabi ko kasi, ipi-feature ko sa blog, sa internet, pinayagan ako.

Sa Lunes, balik kami sa Talikud Island, sa may Isla Reta - haaay, this is life! At marami pang Festivals na susunod, may Kadagaya Festival ang office namin, Festival pa uli sa Makilala, sa Poblacion namin, sa October, may Tulingan Festival naman sa Lanao del Norte, inaasahan ako ng aking kaibigang prinsesa...at talagang nag-e-enjoy na ako ngayon...mahirap iwan ang Mindanao, parang naganganib na naman ang iniskedyule kong pag-uwi ah...pero hindi, sisiguraduhin ko 'yun!

Ups, oo nga pala, MERRY CHRISTMAS TO ALL!!! o di ba? "ber" na uli eh, malapit na uli ang pasko, ambilis ng panahon talaga, grabeh!

2 comments:

Gerry Alanguilan said...

Johnny!! Pictures! :)

Rarampa ka talaga ha? Sige.

Rene said...

johnny, may request ako. mag-thongs ka ha!

Related Posts with Thumbnails