Sunday, August 21, 2005

ang buhay beach!

Grabeh! Sari-sari ang mga nangyayari sa akin ngayon dito sa Mindanao, mapabuti man o hinde, eh okay lang...nag-e-enjoy na rin ako rito. Siguro nga stage lang talaga na malungkot at magsawa ako sa buhay ko...pero ngayon, okay na!

Isinama ako ng mga boss ko pabalik sa Talikud Island, pero sa ibang parte naman, sa Isla Reta. Ang ganda ganda ng lugar, parang Boracay tapos napakamura pa! Ang sasakyan lang papunta eh isang malaking bangka na P50.00 ang singil at pagdating mo sa resort, P30.00 lang ang entrance fee, libre pa ang mga lamesa sa ilalim ng mga puno na parang cottage. Napakaganda at linis ng lugar.

Paanyaya: Kahit sinong Komikero ang pumunta dito sa Mindanao, sigurado kong dadalhin ko kayo dito at talagang mag-e-enjoy kayo!

Image hosted by Photobucket.com
eto 'yung beach na Boracay ang dating!

Image hosted by Photobucket.com
at eto pa!

Siyempre, beach ang lugar kaya rumampa ako ng husto!

Image hosted by Photobucket.com
ehem, ako sa may tabing dagat!

Image hosted by Photobucket.com
kasama ang isa sa mga boss ko, si 'ter Nono

Image hosted by Photobucket.com
kasama ang 2 sa boss ko pa, si 'ter lanie (gitna) at ate betsy!

Isang nakakatuwa, 'yung lugar na 'yun maraming sea weed na tirahan ng mga isda, nang sumisid kami at tumingin sa mga isda bigla kaming sinalubong ng coral sea snake, balik kaagad kami sa takot. Eh Coral sea snake 'yun eh, napaka o pinakamakamandag na ahas sa mundong ibabaw! Basta mapagawi kami d'un sa lugar nya, sinasalubong nya kami!

Tapos, 'yung lugar din na 'yun, andaming cultured na taklobo at malalaking shells, pati na starfish ang dami rin, nanguha tuloy kami, alam kong medyo mali ito pero...curios eh, nakakain pala 'yung mga 'yun, pwera d'un sa starfish. Kinilaw ang kalimitang pag-prepare!

Image hosted by Photobucket.com
ang aming mga huli n'ung araw na iyun!

Image hosted by Photobucket.com
ang bago kong bra!

Image hosted by Photobucket.com
...at ang bago kong maningning na huli!

Grabeh! Enjoy talaga!


Saturday, August 06, 2005

Ang mga babae (at lalake…ahaaay!) sa buhay ni balbona

Medyo sinisipag akong magsulat ngayon…at medyo maramirami rin ang maisusulat ko ngayon.

Kumuha ako ng extra job dito para may pang-gimik ako na konti habang naghihintay pa ‘ko sa susunod kong trabaho…pero actually, medyo matagal-tagal na rin hindi ako nakakagimik, ika nga eh, busy kaayo!

So, habang ginagawa ko ‘yung isang project, napagawi ako sa Digos City, sa Davao del Sur, at siyempre kapag nasa lugar ka na ito, dapat hindi mo palalampasin ang dinarayo dito sa sarap na bibingka…, bibingka nga, ‘yung pagkain na bibingka ha…at iyan ay matatagpuan sa isang sikat na restaurant dito – ang Mers. Garantisado, masarap nga ang bibingka nila!

Image hosted by Photobucket.com
Ito ang Mers!

Image hosted by Photobucket.com
ummmmm....bibingka!


At nang mapagawi pa ako sa loob ng syudad sa medyo liblib na lugar, ito ang bumulaga sa akin…nasa isip ko kaagad, hindi ko dapat palampasin ito, kailangang makuhanan ng litrato at mai-post sa blog…hehehe, kayo na mag-isip kung ano ang iniisip ko ng makita ko ito….

Image hosted by Photobucket.com
....hehehe, COCKERS INN! HAHAHAHA, COCKERS INN!!!!

Hehehe, may panlaban na ako sa Top 10 odd names na iniipon ng mga kaibigan ko…Raipo, sa palagay ko talo nito ‘yung “Mr. Footlong” na nakita natin!


…tapos, bumisita sa amin ‘yung matagal ng funder ng aming office, eh magre-retire na kaya nagdesisiyon ang aming executive director na bigyan siya ng tribute…so, ayun, naging busy na naman ako, pinagawa ako ng portrait n’ung funder naming para daw maipa-frame at mailagay sa t-shirt. Okay sana, kaso wala silang klarong picture n’ung tao, meron nga kaso sobrang liit naman, kinailangan ko pang i-enlarge, kaso uli, sabog naman ang itsura n’ung litrato kaya hirap na hirap ako, pero okay naman ang nangyari, ginamitan ko na lang ng aking magic, ika nga eh ilabas ang aking pag-iinarte (read: artist)..ayun nasiyahan sila, ngayon lang daw sila nakakit ng ganun, iba’t-ibang seeds kasi ‘yung ginamit ko sa outline at ang canvas eh hand-made paper, tuwang-tuwa sila.

Image hosted by Photobucket.com
'yung funder, si Piet at ang aking boss ngayon
!

Image hosted by Photobucket.com
...at siyempre, ako at si Piet!


… at hindi pa natapos d’un, kailangan daw mag-present lahat kami ng iba’t-ibang production numbers, sa kasawiang palad, sa tinikling ako napapunta, ayun, grabe, mahirap na masarap pa lang magtinikling, mahirap kasi pagod ang paa mo kakatalon, masarap kasi para kang naliligo sa pawis mo pagkatapos, siguradong galong-galong mantika ang nawala sa akin!

Image hosted by Photobucket.com
hehehe, kaya ko pala magtatalon!

…nang dumating ‘yung funder may kasama siyang walong (8) Austrian women, ‘yung iba may edad na, ‘yung iba naman medyo kaidad ko, pero futek, ang tatangkad at ang puputi…as in lahat maputi, medyo kasi sanay na ang mata ko kung saan titingin eh, kaya alam ko ang tunay na maputi! Ika nga, eh medyo makasalanan daw ang aking paningin, hehehehe!

Image hosted by Photobucket.com
...ang aking harem!

…at ako ang naging official photographer nila, para kasi sa documentation, kasakasama nila ako kung saan sila pumunta kaya marami akong pictures nila. N’ung tribute, nagulat sila n’ung magtinikling ako, kaya a’yun, nahiritan din na magpaturo sila sa akin, o kitams, may silbi din pala ang paghihirap ko – ang lalambot ng mga kamay, futek!

Image hosted by Photobucket.com
...bigla akong naging DI!

Image hosted by Photobucket.com
...at isa pa!

…at siyempre, pagkatapos ng tribute, may party, ito nga pala ang bagong kaibigan ko dito na medyo kaedad ko si Mai-mai, hataw kami sa sayawan, n’ung party kasi, ako rin ang DJ kaya may hawak akong remote at cd.

Image hosted by Photobucket.com
Ako at si Maimai...

Image hosted by Photobucket.com
...at kami uli!


…nang matapos ang party, saka pa lang ako nakapagpahinga ng maayos-ayos, kaso biglang nag-text ‘yung mga kaibigan ko sa Los Baños, darating daw sila sa Midsayap, North Cotabato, kasi inimbitahan silang speaker sa isang event ng isang malaking school d’un, Southern Christian College. Siyet, mga dalawang (2) oras na byahe din iyun, gusto ko mang magpahinga ng husto kaso, pagkakataon ko ng makita uli sila kaya pumunta pa rin ako, d’un ako sa bus natulog…pagdating d’un, hindi naman ako nagsisi, nawala ‘yung pagod ko sa sobrang tuwa! Siyempre, kwentuhan to the max!! updates sa isa’t-isa!!

Image hosted by Photobucket.com
Si Indihra at aketch!

Siya si Indihra Dimaporo, isang pinsesa sa Lanao del Norte, Muslim siya pero radical at moderno, para ngang hindi Muslim siya ‘pag kami lang ang magkakasama. FYI: 52 lang silang magkakapatid sa sampung (10) nanay at hindi na raw niya mabilang kung ilan ang kanyang mga pinsan, pamangkin at apo!

…tapos, kasama rin ‘yung dating kong boss sa uplb na malapit kong kaibigan, tapos nakita ko rin ‘yung isang kaibigan ko na matagal ko ng hinahanap tapos taga-Midsayap lang pala, eh palagi ako sa lugar na ‘yun…ang nangyari parang reunion namin at iba pa ang sumagot sa mga gastos namin, pina-check-in kami sa hotel nila at sagot ang pamasahe at pagkain, ultimo ako, nakasama na rin sa benefits na ibinigay nila kasi ‘yung ibang staff ng school, kakilala ko, kaklase ko pa dun sa uplb – small world talaga! ‘di rin sila makapaniwala na andito ako sa Mindanao….

Image hosted by Photobucket.com
ang aking mga kaibigan!

At siyempre chicka to the max…hanggang na-confirm ko ‘yung isang balita na medyo mabigat sa aking damdamin…wala kakanta na talaga ko ng “Paalam na”


Haaay, kailangan ko na talagang i-purge siya sa buhay ko…siyet, minsan lang ako tamaan ng matindi tapos, hindi rin pala puwede…kaya akmang-akma tuloy ‘yung kanta ng Smokey Mountain sa akin na “Kahit habang buhay” kasi gan’un ako…

Kahit Habang Buhay
(R. Cayabyab)

Intro: C,G/B,Am,G,F-G7
       pause
       
   C             Bm7,E7       
Nakakalito ang mundo
      Am
Kung sino'ng mahal mo 
       Gm7       C7
Siyang ayaw sa iyo
        F
Huwag sanang masayang
E        A7      Dm
Itong damdamin kong 
        G(7)
Laan sa iyo
 
C           Bm7,E7
Paano naman ako
    Am            Gm7      C7
Kay tagal ko ng umiibig sa 'yo
      F
Huwag sanang masayang
Em        A7     Dm
Itong damdamin kong
G         C
Laan sa 'yo
 
Chorus:
        F
Kahit habang buhay
   Em7              F
Maghihintay ako sa 'yo
      Dm     Dm7     C7sus-C7
Kahit pa maglaho ang mundo
       F
Kahit habang buhay
     Em7            F
Maghihintay ako sa 'yo
       Dm  
Asahan mong hindi magpapalit
 Gm7     C7     F
Itong damdamin ko
 
Adlib: F-Em7,A7,Dm,Cm,F-
       Bb-Am,D7-Gm,F,Eb,G7,
       
(Repeat 2nd Stanza)       
(Repeat Chorus except last word)
 
  Bb-
..ko
 
Bridge:
Bb
Paano naman ako, oh woh
Nakakalito ang mundo
F            Gm7
Kung sino'ng mahal mo
                C7
Siyang ayaw sa 'yo, woh, who...
      C#7
Kung sinong mahal mo
Siyang ayaw sa 'yo
 
(Repeat Chorus, except last line
moving chords 1 fret higher)
 
Coda:
D Dm-
Hinding-hindi magpapalit
Dm7-
Hinding-hindi magpapalit
Abm-C#7 pause   F#-hold
Itong damdamin ko.

…medyo baguhin natin para mas akma, “kung sinong mahal mo, TALAGANG ayaw sa ‘yo…”

…haaay uli, pa’no ba ‘yun? Ikwento ko lang kasi wala akong makausap dito tungkol dun, para naman medyo maibsan ang aking damdamin…senti muna ako….

Kaibigan ko siya, nagtapat ako sa kanya, kaso hindi klaro ang sagot niya, pinaglaban ko damdamin ko kaso, mapait ang tadhana, nawalan ako ng trabaho n’ung panahon na ‘yon, nawalan ako ng lakas ng loob na humarap sa kanya…kasi siya lang ang babae sa kanila, mga kapatid nya may trabaho lahat pwera dun sa nag-aaral pa, anong isasagot ko ‘pag tinanong ako kung ano trabaho ko? Medyo lumayo muna ako sa kanya, naghanap ng trabaho para may lakas ako ng loob na humarap sa kanya, kaso nakakuha ako sa malayo…sinabi nya n’un na hindi siya naniniwala at ayaw nya sa long-distance relationship, kaya ayun lalo lang ako napalayo sa kanya, tapos, andito pa ako sa Mindanao ngayon, lalo na…umasa pa naman ako na may babalikan…haaaay…kay pait….

Pero, gan’un daw talaga ang buhay…kung hindi ukol, hindi bubukol, ah ewan! Paano ko na naman siya aalisin sa puso ko? (naks, ang lalim!) Puro bukol na nga ang puso ko eh, pang-ilan na ’to? At least ‘yung iba nalampasan ko na…ito, panibagong pagsubok na naman…gusto kong sumigaw, AAAAAAAAAAARRRRRGGGHHHH!!!!!!!

Related Posts with Thumbnails