Tuesday, September 13, 2005
Gimik!
Ang nangyari, nagkita lang kami sa Davao at d'un gumimik! Okay naman, worth it naman ang pagkikita namin, super saya pa rin kami! Siguro 'pag-uwi ko na lang diyan sa Luzon ang part 2 ng aming gimik.
Eto nga pala siya, si Ed, grabeh, iba ang mga pinagsamahan namin ng babaeng ito,as in, halos magkadugtong na ang mga bituka namin! Sa hirap at ginhawa, sa saya at tuwa, magkasama kami, sa pag-ibig at...huwag na lang, baka malungkot pa ako eh, alam na n'ya 'yun....
Si Ed, 'diko nalang sasabihin kung ano ang code name nya!
At alam nyo ba, baliw din siya, nag-pose ba naman ng ganito!
Ed's Sadako's impression!
Kasama naming gumimik din eh ang bakla naming kaibigan sa davao, grabeh, ang galing ng doktor nya, successful ang operation nya para magmukhang babae. Babaeng-babae ang dating nya kaso pumalpak lang sa isang banda 'yung doktor, sa mukha - peace jan-jan, hehehe!
Si jan-jan, oy babae 'yan!
o, di ba, may pa-pose-pose pa kaming nalalaman!
Naka-"Magnum" look si Jan-Jan!
Tapos, okay 'dun sa ginimikan namin kasi ang nagpe-perform eh ang P.L.O - Popong Landero Organization! ang tagal na n'ung huli ko silang napanood, College pa yata ako n'un.
Ang P .L.O!
Solo ni Ka Popong!
Si ka Popong during the break
At siyempre, palalampasin ko ba naman ito, me and Ka Popong!
Wahahaha, enjoy talaga! 'Di lang kaibigan ko ang naka-bonding ko, nakita ko pa si Ka Popong!
Wednesday, September 07, 2005
Pictures galore!
Ehem, siyempre, mang-iinggit muna ako sa aming malapit na magandang falls and hot spring – Sangngawan nga pala ang pangalan niya, hindi ko pa alam ang ibig sabihin n’un.
'o di ba, topless ang lolah mo!
Tapos, Kadayawan Festival naman, ‘yun nga lang, hindi ko nakuhanan n’ung nag-street dancing kasi naiwan ko ang camera sa hotel na tinuluyan ko kaya float parade na lang…
eto...simula na sila!
Kamukha ni Gloria ‘yung float ng SM!
Eto 'yung sa Chowking!
Hinugyaw Festival naman sa
May dalawang (2) mola (barakong kabayo) at isang (1) babaeng kabayo sa loob ng ring. ‘Yung babae ang pag-aawayan ng dalawang (2) mola. Kung sino ang tatlong (3) beses na tumakbo sa laban, iyon ang talo. Grabe pa lang mag-away ang kabayo, brutal at delikado sa mga nanonood! Kahit saan pwedeng pumunta at kayang gibain ‘yung ring na ginawa para sa kanila. Mabuti at nakontrol naman n’ung mga trainor ‘yung mga mola nila – hmmmn, parang ibang pakinggan ah!
Tapos, street dancing, kaso hindi ko na napanood
Saturday, September 03, 2005
ababababa!
Nakakatuwang balikan ang mga sinulat ko dito, pati na rin ang komentaryo ng mga kaibigan ko at mga mambabasa ('yung mga naliligaw dito). Pipilitin ko na talagang palaging magsulat dito, masarap din naman kasing magsulat at makisalamuha sa mga kaibigan ko sa internet.
Balita, halos puro mga balita at karanasan ko dito sa Mindanao ang mga sinusulat ko dito pero pipilitin ko na ulit mag-post dito ng tungkol naman sa Mindanao talaga.
Sa akin, okay pa naman, kakatapos sa subject na beach d'un sa huling post ko, isang araw na nakaraan, hot spring naman ang pinuntahan, tapos regular pa na nagsi-swimming kami kada linggo, marunong na kasi akong lumangoy ngayon, kaya may karapatan na akong magsuot ng trunks 'pag nagsi-swimming, hindi na ako parang talaba na nakababad laman sa swimming pool...kaya babala sa mga komikero, kapag umuwi ako diyan sa Luzon at magyayang mag-swimming, rarampa galore akoh!
Marami rin pala akong mga festivals na napuntahan dito, sunod-sunod at marami pang susunod. Kakatapos lang ng Kadayawan Festival sa Davao. "Festivals of Festivals" daw, toto nga! Sa susunod na 'yung mga litrato, nasira 'yung USB ko na ginagamit sa pagpo-post ng mga pictures.
Sa Kadayawan, okay ang performers sa streetdancing, n'ung sa Halad kasi sa Midsayap, nadismaya ako sa karanasan ko d'un, malayo sa mga nagpe-perform, kaya malalayo ang mga shots sa pictures. Eh dito, nasa harap ko mismo, ang showdown eh sa iba't-ibang street. Hindi ko nadala 'yung camera, naiwan d'un sa hotel na tinuluyan ko, kaya kinabukasan na event na lang y'ung nakuhanan ko - syunga!!!
N'ung umuwi na ako galing Davao, sa Kidapawan naman may Timpupo Fruit Festival, kaso sa sobrang busy ng schedule ko at pagod, n'ung pumunta ako sa Kidapawan, wala na akong inabot, tapos na ang program, nagkaroon ng "eat all you can" ng mga prutas at street dancing.
Makaraan ang dalawang (2) araw, Hinugyaw (Harvest) Festival naman sa Province ng Cotabato, okay naman, showdown ng street dancing 'yung napanood ko, at marami akong nakuhang pictures. Sumama kasi ako d'un sa mga official photographers, feeling lang, akala nila kasama ako d'un, sabi ko kasi, ipi-feature ko sa blog, sa internet, pinayagan ako.
Sa Lunes, balik kami sa Talikud Island, sa may Isla Reta - haaay, this is life! At marami pang Festivals na susunod, may Kadagaya Festival ang office namin, Festival pa uli sa Makilala, sa Poblacion namin, sa October, may Tulingan Festival naman sa Lanao del Norte, inaasahan ako ng aking kaibigang prinsesa...at talagang nag-e-enjoy na ako ngayon...mahirap iwan ang Mindanao, parang naganganib na naman ang iniskedyule kong pag-uwi ah...pero hindi, sisiguraduhin ko 'yun!
Ups, oo nga pala, MERRY CHRISTMAS TO ALL!!! o di ba? "ber" na uli eh, malapit na uli ang pasko, ambilis ng panahon talaga, grabeh!