Monday, June 04, 2007

ang syunga koh!!!!!

okay, grabeh, ang syunga ko talaga!

naiwan ko ang susi ng bahay kahapon, so hindi ako makapasok, mahirap sirain ang pinto at siguradong mapapagalitan ako ng bosing ko...kaya, tinawagan ko ang housemate ko na ipadala ang kopya nya na susi. Dalawang (2) oras ang layo ng byahe papuntang Kidapawan City kaya sabi ko, pakisuyo na lang na ipadala sa driver ng van ang susi at dun na lang sa tindahan namin ibigay...sabi nya makitulog na muna ako sa iba, kasi kinabukasan, may pupunta sa Davao, doon na lang daw ipadala, kaysa sa driver pa ng van baka lalo pang mawala...

okay naman, nag-check in na lang ako sa hotel...nagastosan pa tuloy, at siyempre kapag nasa hotel, alam mo na, hehehe...

kinabukasan, ayun na nakuha ko na si susi, mukhang dalawang (2) kopya siya...dumaan muna ako tindahan, inayos ang dapat ayusin, iniwan ang isang kopya at umalis na...okay na sana.

pagdating ko sa bahay, okay 'yung isang susi (double lock kasi eh), pagdating n'ung isang lock, ayaw, bumukas, ay PUTA! Ibang susi pala! kaya ayun, balik na naman ako tindahan...byahe na naman...sana hindi ko iniwan 'yung akala ko na duplicate na susi, ang syunga ko talagaaaahhh! haaaay, makalagot...kapoy na kaayo!

2 comments:

Anonymous said...

jhonnny...
m back - AGAIN??????
gusshhhh ganto na ba talaga ako
- matagal na pero may iba ngayon, super inlove ako!!!
wanna talk with you sana

balbona said...

anonymous,

SINO KAHHHHH????!!!!!

Related Posts with Thumbnails