Saturday, August 18, 2007

Pahibalo sa tanan: Minyo na gyud!

Ipinapaalam sa madlang nakakabasa nito (talaga lang ha?) na si G. AILON OLIVER CAPISTRANO (siya lang ang kilala kong may pangalang ganyan…), 30 taong gulang na lalaki (alam ko magkaedad lang kami eh!), nakatira sa Mandaluyong, Manila (sa labas, hehehe…), nagtapos ng kursong ng pagsasaka sa Pamantasan ng Pilipinas sa Los Baños (well, blockmate kami, pero nauna akong grumadweyt sa kanya, hehehe…), kasapi sa samahan ng UPhilSAMS (ang daming organisasyon ang gustong kumuha ng pangalan na ito!), at Symbiosis (unnnhhh, wala ako masabi…patawad po!), kilala sa tawag o alyas na “ITIM”, “NEGRO”, “BLACK”, “ORGEN”, “COAL”, at lahat ng bagay na may kinalaman sa pagkamaitim (tanda ko pa at hindi ko na yata malilimutan ‘yung AILON GULAMAN ng Chowking, hahahaha!), ay ganap ng HINDI kasapi o ganap ng tumiwalag sa SAMAHAN NG MGA TAONG MALALAMIG ANG GABI (ibig pong sabihin, may pirming kayakap na siya ngayon…inggit tuloy ako, haaaaay….)!

Lahat ng anumang transaksyon sa kanya na nagpapatungkol sa pagiging binata niya ay pawang kasinungalingan at ganap na walang katotohanan lamang. Sa totoo lang, habang sinusulat ko ang anunsiyo na ito ay ilang oras lamang ang nakalipas sa kanilang pag-iisang dibdib (AUGUST 18, 2007) ng isang babaeng lubos nyang minahal, minamahal, at mamahalin pa, na nagngangalang Bb. MAUREEN PASCUAL. Naway pagpalain sila ng Poong Maykapal ng sagana, tahimik at punong-puno ng pagmamahal na buhay.

Muli po, pinapaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga kababaihan (well, pwede rin naman ang mga kalalakihan, alam mo naman sa panahong ngayon…) na ang lalakeng nabanggit ay ganap na pong may asawa, kaya pinapag-ingat po ang lahat, huwag po kayong magpapagoyo sa taong nabanggit! Lahat ng karapatan ng pagiging binata ay ipinagkait na sa kanya dahil siya ay ganap na ngayon na may-asawa!

MAAYONG PAGMINYO AILON at MAU!!!!!


2 comments:

Anonymous said...

Nakapunta ba si Jun? Pinadalahan ka ba nila ng photos?

Anonymous said...

si weng nga pala 'to.

Related Posts with Thumbnails