Monday, October 29, 2007
MBS1, ang rebyu!
Natapos kamakailan lamang ang MBS1 o Mindanao Blog Summit, at naging maayos naman, matagumpay at medyo marami-rami rin ang dumalo. Sa opinyon ko, naging matagumpay ang MBS1, kasi, hindi akalain ng bawat isa (sama sa mga nag-organisa at boluntaryo) na magiging ganoon na lamang kainit ang pagtanggap at pagkasabik ng mga bisitang dumalo (galing sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao, Visayas at Luzon). Sabik ang mga taong malaman kung sino-sino ang may akda sa kanya-kanyang mga blog, ika nga eh, magkakilala sa pangalan, pero sa mukha o personal eh hindi…ako nga eh, gusto kong malaman kung sino si “Mandaya Moore”, kaso, pagod na ako n’ung araw na ‘yun (bago pa man ang MBS1), kaya wala na ako sa mood, at paalis-alis din ako (abala sa personal na iskedyul), kaya, suya, hindi ko siya nakilala, at hindi na rin ako nakadalo sa isang piging na naka-eskedyul sa gabi, waaaaaah!
Komento ko sa MBS1, well, “constructive criticism” naman ito, para sa susunod na MBS o MBS2, eh mas maging maayos… dahil una palang ito, medyo nangangapa pa ang lahat sa daloy ng programa, sa pag-organisa, at hindi partikular sa oras. Bibigyan ko ng pansin ang oras, kasi, para sa akin, ito ang kalimitang nagiging sakit ng karamihan sa ating mga kababayan, at medyo dyina-justify pa ito sa tawag na “Filipino time”, well, dapat baguhin, dahil hindi ito maganda at lalong hindi ito nakakatuwa!
Hindi naman sa MBS1 ang pinupuntirya at sinisiraan ko, kundi pangmulat lamang ito sa atin. Sa lahat yata ng mga programa o pagpupulong na nadaluhan ko na, parang mabibilang lang sa mga daliri, isang kamay pa nga eh, ang mga nadaluhan ko na nagsimula sa oras, at naging partikular sa oras. Sana naman, ito dapat ang bigyan ng pansin.
Balik tayo sa MBS1, okay naman, okay ang mga naging bisita at tagapagsalita...nagustuhan ko ng husto ang mga sinabi ni Father Albert Alejo, o mas kilala sa tawag na Paring Bert, okay pala siya (weird nga eh, para sa akin, siya ang may pinakamagandang presentasyon, pero hindi siya blogger - dili siya kabalo mag-blog!)...binigyan nya ng pansin ang mga bagay-bagay na pwedeng maging paksa sa pagbo-blog: kagandahan ng Mindanao (salungat sa mga bali-balita), katotohanan, kagandahan ng buhay, at kapayapaan!
At sa iba namang mga tagapagsalita, maayos naman naging daloy, marami kang makukuhang impormasyon, lalo na n'ung dumating na 'yung paksa na pwede pa lang pagkakitaan ang pagbo-blog, grabe, gan'un pala 'yun! Napakalaki ang potensyal (basa: maraming pwedeng maging datung!).
...pero para sa akin kasi, hindi ko naisip 'yun (sa totoo lang)..nagsimula ang pagbo-blog ko dahil: (1) inggit sa mga kaibigan na mayroon - para maging "in", hehehe, (2) naging parang “diary” o “personal journal” ko na rin ito ng lumaon, (3) naging paraan ng aming komunikasyon sa mga malalayo kong kaibigan, kasi napalayo ako at napapunta ako dito sa Minadano, minsan, mahirap ang signal, hindi abot ng “text”, at (4) naging isang paraan din ito para makatulong sa pagbura ng masamang ipinintang larawan ng Mindanao. Ang ikaapat ang parang nasa puso ko ngayon, at medyo naging matagumpay, dahil marami na rin akong mga kaibigan mula sa Luzon at ibang bansa ang naengganyo na pumunta rito sa Mindanao, at mabura sa isipan nila ang pangit nga na larawan ng Mindanao. Whoah, nagiging seryoso na ah, at makabayan pa, hehehe….
…so ngayon, kung biglang pumasok ‘yung usapin na pwede pala itong pagkakitaan, ibang usapan na ‘yan, hehehe….pero sa totoo lang, ginagawa ko ito dahil…wala lang…enjoy lang, hehehe
So, ayan…ayan ang mga nasa isip ko…ang mga nasa sip ni balbona, hehehe…’yan ang mga pangyayaring gusto kong ikwento, haaayyyyy, kapoy kaayo, pahulay na ta!
At syanga pala…may naisip ako na mabuting slogan, at naisip ko lang siya n’ung eksaktong matapos ‘yung MBS1, eto po…”Bloggers do it on-line”, hehehe, okay ba?
Monday, October 22, 2007
Friday, October 19, 2007
Laag-laag lang!
Hey, kakagaling ko lang pala sa Talaandig Festival (isang festival ng grupo ng katutubo sa Lantapan, Bukidnon) nu'ng nakaraang linggo, at talagang nasiyahan kami d'un ng husto, kaso hindi pa nga lang handa ang mga kuha namin, kaya 'yung mga kuha na lang namin n'ung naunang buwan ang ipo-post ko rito. Medyo matagal-tagal din itong hindi nagawa, kaya sapalagay ko, ito na muna ang nararapat.
Nakakuha kasi ako ng gimik sa Lantapan, kumakapanayam (hehehe, malalim ba?) kasi kami nga mga tao tungkol sa mga epekto ng mga nakakalasong kemikal (pestisidyo) sa kanila. Kinakapanayam namin ang mga taong nagtatrabaho mismo sa loob ng mga plantasyon at ang mga tao o komunidad nakatira sa paligid nito.
Dati ko ng kilala ang leader ng grupo namin sa project na ito, kaso sa pangalan at reputasyon lamang, ngayon lang talaga kami nagkaroon ng pagkakataon na magkakilanlan ng husto at okey na okey pala siya. Sa una ay nahihiya ako, pero 'yun pala, katulad ko rin siya, berde din ang dugo, hehehe, mali pala…walang hiya pala, hehehe…biro lang po...ang binabanggit ko ay si Doktor Romeo Quijano.
Sa mundo ng mga NGO (non-government organizations), kilalang-kilala ang butihing doktor na ito sa larangan sa pagtulong sa mga nasalanta o naapektuhan ng mga nakakalasong kemikal galing sa mga plantasyon. Isa sa mga sikat na nailantad niya ay ang dokumentasyon sa isang maliit na barangay sa Mindanao, na naapektuhan ng husto ng mga nakakalasong kemikal (pestisidyo): mataas ang bilang ng mga namatay, nagkasakit ng malala (skin diseases, sa baga, sa puso), nagkakanser at kung ano-ano pa!
Ang barangay ay katabi ng isang plantasyon ng saging kaya halos lahat ng kemikal ay nasanghap na o halos naipaligo pa yata, ng mga naninirahan dito (aerial spraying) at ang nakakatakot pa nito, ang kanilang pinakatubig (ground water) na ay nalason na rin. Hindi ko na babanggitin pa kung saan ang lugar na ito, baka kasi mademanda ako eh, wala pa naman akong panlaban, kasi ‘yun ang ginawa nu’ng may-ari ng plantasyon. Dinemanda nito si Dr. Romy Quijano ng milyon-milyon na danyos perwisyo sa salang libelo daw, mabuti na lang sumaklolo ang ibang NGO at sumuporta sa butihing doktor. Naging mahaba at mabusisi ang proseso at pagdinig ng kaso, at hanggang sa ngayon ay dinidinig pa rin ito.
Kaya ngayon, kapag may nagtatanong na mga kaibigan ko sa mga raket o gimik ko, buong pagmamalaki ko talaga na sinasabi na isa na ko sa mga "Romy's angels" ngayon, hehehe!
Balik tayo sa gimik na ‘yun, eto na lang ang mga kuha namin….
Sa daan pa lang...medyo nagkakasundo na kami, kasi mahilig din pala siyang mangilala sa mga iba't-bang uri ng halaman (challenge namin sa isa't-isa: 1000 scientific names ng halaman ang dapat saulo), maski na toxicologist siya.
Feeling may alam din, hehehe....
Tapos, eto na, hataw na...iniisa-isa na namin ang mga bahay...
Ang mga bata, walang kaalam-alam na malaking peligro sa kalusugan nila na malanghap ang mga saging na naispreyan ng nakakalasong mga kemikal...
Pahinga na muna, kapoy kaayo oi...with a big white friend!
...at n'ung pauwi na kami, isa pa uling halaman, ang pinagtalunan kung anong pangalan...mukha siyang ipil-ipil na mukhang malunggay na ewan...kailang pang kilalanin, hehehe
Siyempre, kailangang makita ng malapitan at kumuha ng sample...at nag-pose pah ang lolah!
Tapos, sa mga grupo naman kami ng mga Talaandig tumuloy. Ito ang tribu na kinabibilangan ng isang sikat na magaling na artist na si "Waway Saway". Tribal music ang genre ng musika niya, kasirkulo nya sina Popong Landero, Joey Ayala, Bayang Barrios at iba pa...
Sa may bukana ng tribu Talaandig, mapapansin na kaagad ang mayamang kultura ng tribu!
Sinalubong kami ni Datu Vic, ang lider ng tribu, kasama ang kanyang maybahay na si Bae Nanapnay at kapatid na isa pang datu. Nagkaroon kami ng isang maliit na ritual bilang pagpapaalam sa mga espiritu ng kapaligiran na kami ay nasa lugar at binibigyan kami ng bendisyon na naging malaya na mag-ikot-ikot sa kanilang komunidad at naway maging matagumpay ang kalabasan o resulta ng aming pag-aaral.
Avah, at nakatawa pa...bilang paghahanda sa ritual...at siyempre, common sa mga ritual ay ang pag-aalay ng manok!
Tapos, eto na, habang nagsagawa ng ritual at ang pagkitil sa manok...
...ang medyo nakakarimarim na sandali ng ritual...uhmmnnn, dugo!
...at pagkatapos, eh medyo namahinga ng kaunti, dahil niluto pa ang mga manok na kinatay para sa pangalawang bahagi ng ritual, na kung saan eh, kailangang kumain ang bawa't isa sa amin sa pagkaing ihahanda. Isang malaking problema sa akin sa mga panahong 'yun (tingnan nyo, seryoso nga) dahil hindi po ako kumakain ng karne, mabuti na lang at may nakahaing kanin sa pinaglagyan ng mga manok na luto, kaya 'yun na lang ang aking tinikman...dagdag impormasyon: kung anong parte ng manok na ginamit sa ritual ang kinain mo, makukuha mo raw ang katangian ng manok na 'yun, kaya 'yung mga kasama ko, mata ang kinuha para daw makita namin ang mga tinatagong lihim sa project na ito, at paa, para magkaroon ng sapat na lakas sa mga pagtahak na gagawin namin sa bundok kinabukasan, naks naman! Ako kaya? kanin lang 'yung kinain ko, kaya ako ay magkakaroon ng...unhhh...magiging...unnhhh...ewan?
Tapos, kwentuhan na ng husto, at ipinakita nila ang mga kanilang mga ginawang instrumento sa musika, mahilig kasi silang umawit at tumutog.
Feeling na naman na marunong tumugtog, tsar!...kudyapi nga pala ang tawag dito!
Si Dok, medyo marunong...at bihasa sa bandurya 'yan!
Kinabukasan, hataw naman kami sa pag-akyat sa bundok, sa pag-iimbestiga sa mga plantasyon!
Haaay, kalahating araw na lakad 'yan!
Nang matapos na kami, pagkakataon na para sa kin, 'yung kultura naman ang binigyan ko ng pansin...bukod sa pagtugtog, awit at sayaw, isa pa na medyo kakaiba sa kanila eh...SOIL ART!!! Mga ipininta na gamit ang lupa sa pagtimpla ng kulay!
Okay ang rendisyon nila ng araw! Gawa nga pala ni Balugto ito...bukod sa magaling na magtambol (percussionist), hataw ding magpinta!
...at isa pa...nasasalamin talaga ang kakaibang estilo sa pagpinta at guhit, kahanghanga!
..at ng matapos na ang panimulang tuyo ng grupo namin sa lugar, bago umalis, mega-posing muna, hehehe...
Kuyawa oi!!!!
Monday, October 15, 2007
Friday, October 05, 2007
Puro bakak gyud!
Well, 'yan ang paniniwala nila....
Pumunta kaya sila dito, ng malaman nila ang totoo!
Isa na namang paninira sa Davao...haaay, kabaligtaran ng katotohonan....
Sa totoo lang, higit na TAHIMIK, MAPAYAPA at LIGTAS dito sa Davao!!!
Thursday, October 04, 2007
Moapil ko sa "Mindanao Bloggers Summit"
...medyo excited na rin ako dahil sana marami akong makilala na mga bagong kaibigan o mga kapwa nagba-blog dito sa davao o buong Mindanao!
hehehe, excited na gyud ko!
1st Mindanao Bloggers Summit Sponsors:
- Act for Peace Programme
- Artcom Printing Services
- BisayaBloggers.com
- Councilor Peter Laviña
- Cubepixels Design Studio
- Davao’s Food Huntress
- Dimsum Diner
- Eric Clark Su
- Fwendz Diner
- Globe Broadband
- Join the DigitalFilipino.com Club!
- Lane Systems
- NoKiAHOST.COM P5/day webhosting
- Orange County Real Estate
- Snap Graphic & Sign
- Web Design Philippines
- Web Developer Philippines