Medyo ngayon lang ako nakahinga, busy kaayo kasi...pero sa mga susunod na araw, tiyak, magiging abala na naman ako, haaayyyy...pagod na ako...pero gusto ko munang magsulat tungkol sa MBS1…
Natapos kamakailan lamang ang MBS1 o Mindanao Blog Summit, at naging maayos naman, matagumpay at medyo marami-rami rin ang dumalo. Sa opinyon ko, naging matagumpay ang MBS1, kasi, hindi akalain ng bawat isa (sama sa mga nag-organisa at boluntaryo) na magiging ganoon na lamang kainit ang pagtanggap at pagkasabik ng mga bisitang dumalo (galing sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao, Visayas at Luzon). Sabik ang mga taong malaman kung sino-sino ang may akda sa kanya-kanyang mga blog, ika nga eh, magkakilala sa pangalan, pero sa mukha o personal eh hindi…ako nga eh, gusto kong malaman kung sino si “Mandaya Moore”, kaso, pagod na ako n’ung araw na ‘yun (bago pa man ang MBS1), kaya wala na ako sa mood, at paalis-alis din ako (abala sa personal na iskedyul), kaya, suya, hindi ko siya nakilala, at hindi na rin ako nakadalo sa isang piging na naka-eskedyul sa gabi, waaaaaah!
Komento ko sa MBS1, well, “constructive criticism” naman ito, para sa susunod na MBS o MBS2, eh mas maging maayos… dahil una palang ito, medyo nangangapa pa ang lahat sa daloy ng programa, sa pag-organisa, at hindi partikular sa oras. Bibigyan ko ng pansin ang oras, kasi, para sa akin, ito ang kalimitang nagiging sakit ng karamihan sa ating mga kababayan, at medyo dyina-justify pa ito sa tawag na “Filipino time”, well, dapat baguhin, dahil hindi ito maganda at lalong hindi ito nakakatuwa!
Hindi naman sa MBS1 ang pinupuntirya at sinisiraan ko, kundi pangmulat lamang ito sa atin. Sa lahat yata ng mga programa o pagpupulong na nadaluhan ko na, parang mabibilang lang sa mga daliri, isang kamay pa nga eh, ang mga nadaluhan ko na nagsimula sa oras, at naging partikular sa oras. Sana naman, ito dapat ang bigyan ng pansin.
Balik tayo sa MBS1, okay naman, okay ang mga naging bisita at tagapagsalita...nagustuhan ko ng husto ang mga sinabi ni Father Albert Alejo, o mas kilala sa tawag na Paring Bert, okay pala siya (weird nga eh, para sa akin, siya ang may pinakamagandang presentasyon, pero hindi siya blogger - dili siya kabalo mag-blog!)...binigyan nya ng pansin ang mga bagay-bagay na pwedeng maging paksa sa pagbo-blog: kagandahan ng Mindanao (salungat sa mga bali-balita), katotohanan, kagandahan ng buhay, at kapayapaan!
At sa iba namang mga tagapagsalita, maayos naman naging daloy, marami kang makukuhang impormasyon, lalo na n'ung dumating na 'yung paksa na pwede pa lang pagkakitaan ang pagbo-blog, grabe, gan'un pala 'yun! Napakalaki ang potensyal (basa: maraming pwedeng maging datung!).
...pero para sa akin kasi, hindi ko naisip 'yun (sa totoo lang)..nagsimula ang pagbo-blog ko dahil: (1) inggit sa mga kaibigan na mayroon - para maging "in", hehehe, (2) naging parang “diary” o “personal journal” ko na rin ito ng lumaon, (3) naging paraan ng aming komunikasyon sa mga malalayo kong kaibigan, kasi napalayo ako at napapunta ako dito sa Minadano, minsan, mahirap ang signal, hindi abot ng “text”, at (4) naging isang paraan din ito para makatulong sa pagbura ng masamang ipinintang larawan ng Mindanao. Ang ikaapat ang parang nasa puso ko ngayon, at medyo naging matagumpay, dahil marami na rin akong mga kaibigan mula sa Luzon at ibang bansa ang naengganyo na pumunta rito sa Mindanao, at mabura sa isipan nila ang pangit nga na larawan ng Mindanao. Whoah, nagiging seryoso na ah, at makabayan pa, hehehe….
…so ngayon, kung biglang pumasok ‘yung usapin na pwede pala itong pagkakitaan, ibang usapan na ‘yan, hehehe….pero sa totoo lang, ginagawa ko ito dahil…wala lang…enjoy lang, hehehe
So, ayan…ayan ang mga nasa isip ko…ang mga nasa sip ni balbona, hehehe…’yan ang mga pangyayaring gusto kong ikwento, haaayyyyy, kapoy kaayo, pahulay na ta!
At syanga pala…may naisip ako na mabuting slogan, at naisip ko lang siya n’ung eksaktong matapos ‘yung MBS1, eto po…”Bloggers do it on-line”, hehehe, okay ba?
Monday, October 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
hehehe...
nice meeting you...
Hi i was there at Mindanao Bloggers Summit ^_^ nan dito pa un mga post ko check it out
http://www.squidoo.com/Bloggeraice/
at dito:
http://ice9web.blogspot.com/
yun po...
meron din akong website
http://www.ice9web.com
nga pala isa ako sa nanalo ng hosting with domain from nokiaHosting
I was also there. Glad to know you liked the event. ;)
We'll keep your comments in mind.
I also started blogging kasi masaya. Now I am earning money from it. Mas masaya!!!
Post a Comment