Bihira lang ako mag-post ng ganito dito...napapanahon..at medyo nakuha ang interes ko...may nag-forward sa e-mail, i-share ko na lang dito...
Mga kababayan kong OFW:
Dapat gumawa tayo ng hakbang para mag-resign na ang pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kadahilanang sagad na sa buto ang kasamaan at katiwalian sa kanyang administrasyon.
FABRICATED PESO AT DOLLAR EXCHANGE RATE (para sabihing maganda ang economy. kontrolado ng bangko sentral).
THREE (3) TIMES A DAY ANG PRICE HIKE (pagtaas ng bilihin tatlong beses sa loob ng isang araw na hindi pa nangyari sa buong mundo kundi sa pilipinas lang).
PAGKABABA NG DOLLAR AY HINDI NAMAN BUMABABA ANG BILIHIN (very obvious na katarantaduhan ito ng gobyerno natin).
BILLIONS OF PESOS AT JOSE PIDAL ACCOUNT.
JUDICIAL KILLING (pagpatay at pagdukot sa mga against sa kanyang administrasyon).
THE MOST EXPENSIVE ROAD IN THE WORLD - DIOSDADO MACAPAGAL HIGHWAY (soon to be published by Guinness Book of Records).
PALPAK NA SUPPLIES NG MILITAR AT IBA PANG GOVERNMENT AGENCIES.
ANOMALIYA SA AFP (kung tawagin ay Garcia Scam - pero ang totoo nyan FG-Gloria Scam na magpahanggang ngayon wala parin nangyayari).
DAYAAN SA 2004 PRESIDENTIAL ELECTION.
ZTE BROADBAND PROJECT (overpriced ng 130 Million Dollars).
NORTH & SOUTH RAILWAY PROJECT (overpriced ng 200 Million Dollars).
PAG KIDNAP KAY JUN LOZADA (kung hindi dahil sa maingay na media - patay na dapat si Lozada like Bobby Dacer).
AT ITO ANG PINAKA MATINDI SA LAHAT - BUDGET / EXPENSES SA MALACANANG PALACE EVERY MONTH:
Ferdinand E. Marcos administration: P750,000.00 – dollar to peso at that time: P13.00
Corazon C. Aquino administration: P1.5 Million – dollar to peso at that time: P24.00
Fidel V. Ramos administration: P2.0 Million – dollar to peso at that time: P30.00
Joseph E. Estrada administration: P3.0 Million – dollar to peso at that time: P55.00
Gloria Macapagal-Aroyo administration: P6.0 Million – dollar to peso at this time: P40.00
ANG NAGLABAS NG STATISTICAL RECORDS NA ITO AY TAGA MALACANANG NA MEDIA MAN NA BIGLA NALANG NAWALA (DINUKOT DIN KAWAWA NAMAN).
Ano ang masasabi ni Juan De La Cruz dito? tatahimik ka na lang ba? how about tayong mga bagong bayani kung tawagin? ha..ha...ha... pinaganda lang ang tawag sa atin pero ang trato sa atin ng kasalukuyang gobyernong arroyo ay parang basahan rin tulad ng iba. magising na nga kayo... walang mangyayari sa pakiusap sa gobyerno ang kailangan natin ay pwersa/lakas na patalsikin sya.
PARA SA KAALAMAN NG LAHAT AT MAARI PONG PAKI PASA NALANG SA IBA.
Nagmamahal,
OFW - JUAN PASAN CO ANG CRUZ a.k.a. JUAN DELA CRUZ
Tuesday, February 26, 2008
Thursday, February 14, 2008
Nang-okray ako, bwahahaha!
Well, kakagaling ko lang sa sakit, kahit may kaunti pang lagnat eh, kailangan ko ng mag-report sa trabaho...at!
Habang nasa byahe ako, bigla akong tinawagan ng kasamahan ko at dumiretso daw ako sa kongreso, sa batasang pambansa at sumali sa isang talakayan o hearing!
Siyempre, nagulat ang lolah mo kasi first time ko ang pumunta d'un! Pero, huwag daw akong mag-worry kasi, may sasama naman daw sa akin para daw hindi akong magmukhang pusang ligaw, at caution lang daw, kasi mga kongresista ang mga kaharap ko d'un at huwag daw akong magtaray, dafat daw, miss congeniality ang dramah ko d'un, BONGGAH!
Kaso, during the discussion, medyo mesmerized ang lolah mo dahil ang daming MEN at DILI Men na GORGEOUS...gusto kong ilabas ang aking magic kabibe, dahil maraming malansa akong naamoy, parang dagat, at gusto kong sumigaw ng DYESEBEL! Hindi maitatago ng mga barong at postura nila ang kanilang mga matris, hehehe...
Balik sa diskusyon, first time ko nga, nagulat at namangha, pero kapag naroon ka na at narinig mo mga pinagsasabi nila, mga priveledge speech kuno, at mga palabas na moro-moro, nyah, mga walang UTAK!
Kaya a'yun, 'di ako nakapagpigil, nakakuha kami ng slot (SALAMAT ng MARAMI kay Rep. Satur Ocampo sa pag-imbita sa amin), 'buti nakahabol ako sa session at nabigyan ng chance makapag-speech...ay'un, inokray ko 'yung congressman na pasimuno, hehehe....pero OK lang daw sabi ng mga kasama ko, hehehe! How SWEET naman!!!!
Sana, meron pa, HAHAHAHA!

Wednesday, February 06, 2008
Pahabol sa gimik...
N'ung nakaraang buwan din pala, kaarawan ng Fafa Gerry ko, January 20, 2008, pangalawang debut niya dahil pumapalo na sa kwarenta (40) na ang kanyang edad, at aminado na rin siya na tigulang na gyud siya! hehehe...beterano na siya!
Masarap ang mga handa, at grabeh 'yung Kulawo at Ampalaya Salad nila, da best talaga! Sinusulat ko ito eh, naglalaway na uli ako, hmmmnnnn....at siyempre, pagkakataon din na makita ng mga star sa komiks, Leinil Francis Yu at Edgar Tadeo!
bonggah ang line up!

Ang istorya sa luyo sa ambahanon...
N’ung nakaraang buwan, naimbitahan ako na pumunta sa isang bar dito sa quezon city (dire na kasi ako nagapuyo eh), sa Purple Haze Bar sa may Tomas Morato. Wala naman akong balak pumunta d’un, kaso, mapilit ang nag-imbita, tsaka libre eh, hehehe…
Mayroon pala kasing isang benefit concert para sa isang kaibigan na namatay sa isang aksidente. Ang pangalan niya ay Elmer “Cords” Cordero, Batch ’92, Civil Enginnering ang kinuha nya sa UPLB. Sa totoo lang, hindi ko siya kilala, pero parang pamilyar ang pangalan nya, at saka kung taga-elbi naman siya, siguradong nakita ko siya sa campus n’un, dahil hindi nagkalayo ang aming mga batch, ’94 ako eh…isa pa, pagkakataon ko na ring makakita ng mga dating kasamahan sa unibersidad.
Naging okay naman ang program sa tribute, kumustahan dito, kumustahan doon, tapos marami nga akong nakita uli na mga kakilala. Nagbalik muli ang mga alaala n’ung nasa kolehiyo pa ko, hehehe, da best talaga! Biruan nga namin n’ung mga kaibigan ko, sana lang naman sa susunod naming pagkikita, huwag naman tungkol sa isang namatay ang okasyon…
Nagkaroon akong mapanood uli ang grupo na “Tambisan sa Sining”, bihira ko kasi silang mapanood, kalimitan, sa mga rally pa, eh ngayon medyo, ‘di na ako masyadong aktibo dito…okay din naman ‘yung mga ibang banda na tumugtog, pero mas gusto ko pa rin kung original na kanta nila ang parati nilang tugtugin…
Tapos, medyo may reklamo lang ako, wehehehe, ‘di naman talaga reklamo, hiritan lang namin sa lamesa namin, sabi ko, “wala bang tutugtog ng rosas ng digma dito?”
Narinig n’ung iba, pero ngumingiti lang, gusto rin siguro nila ‘yung kanta, kaso, mahirap isingit sa programa ng concert…hanggang sa matapos na ang concert, wala pa ring tumugtog…
N’ung pauwi na kami, nagpaalam na sa isa’t-isa, tapos hirit pa rin sa “rosas ng digma”, tapos, nagulat ‘yung isang bagong kakilala kasi, sabi niya, siya rin, gusto nya ‘yung kanta na ‘yun…kwentuhan uli, tapos sabi ko, meron pang mas magandang kanta, sabi ko ‘yung awiting “I could have said”…namula siya, tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis, ‘yun pala, siya ‘yung kumanta n’un! Taga-elbi din siya!
Kagulona ang mga sumunod na pangyayari, ‘di namin akala na kasama namin siya, grabeh! At siyempre, picture dito, picture doon, beso-beso, kamayan at autograph! Nagpakatotoo kami ever!
Eto po pruweba, siya si Maria Elizabeth Alejo-Aytin, “Betsy” o “Ysab” ang palayaw niya…da best!
Ako, Betsy (Ysab), Ana, Nemesis (mga bago kong katrabaho)
I could have said
Musikang Bayan
I have seen so much faces as I walk to my age
But there’s someone I can never compare
You have the eyes of compassion and the voice of the truth
For you were born out in the midst of the struggle
Something makes me feel this strange
Somehow I long for you
As I’ve been watching you from the day till night
You were singing the songs of the people
And the echo resounded to my thoughts, to my soul
To my music, it ever continued
Something makes me look at you so differently
Somehow I wanted to be beside you
As thousands march the streets and the red flags were waving
We’re alongside the oppressed and disheartened
You have vowed not to leave them as we get all the beatings
From a state that doesn’t care
But you made it clear to me
You made me feel the sweet things of freedom
I’ve been thinking of you, a beauty so perfect
You were one with the struggle of the people
But before you have left to the hills and the mountains
I wish I could have said I love you

You made me feel
Feel the sweet things
The sweet things of freedom
Sweet things of freedom

Monday, February 04, 2008
Naglahong Paraiso
Gusto ko lang ibahagi ang awitin na ito...ang ganda eh!
Naglahong Paraiso
Titik at musika: Levy Abad Jr./Danny Fabella (Musikang Bayan)
Boses: Arlene Pabroquez
Album: Anak ng Bayan
Ako’y nanabik sa mga huning kay lambing,
ng mga mayang sa umaga sa akin ay gumigising
Di ko na masaksihan ang paghalik ng paruparo,
sa mga rosas na kayganda at kaybango
Ako’y nanabik na umidlip sa ilalim,
ng punong nara na malabay na datirati’y kapiling
Ibig kong maramdaman, sariwang ihip ng hangin,
mula sa kinagisnang bukirin
Nais kong manumbalik ang dating makulay na paligid
Sa puso ay muling pausbungin ang luntiang daigdig
Ako’y nanabik sa hiyaw at halakhak,
ng mga batang naglalaro sa damuhan
Pagka’t pumanaw na ang sigla nila’t galak,
sa pagkasira ng paraisong kinagisnan
Nais kong diligin ng pag-ibig ang nalalanta nang kalikasan
Ipamana sa kabataan ang kanyang mga biyaya’t kagandahan

Sa puso ay muling pausbungin ang luntiang daigdig…

Powder o Lotion?
Heps, unang entry ko...nakalipas na pala ang buwan ng Enero eh hindi ko namalayan (Happy Chinese New Year o Kung Hei Fat Choy!) at hindi man lamang ako nakapagsulat dito ng mga nangyari sa akin – masyado kasing abala eh…kung datirati eh nagugulat ako sa takbo ng mga pangyayari sa buhay ko, ngayon naman eh nagugulat naman ako sa mga pinaggagawa ng mga kamay ko! Kakaiba na talaga at parang may sariling pag-iisip, hehehe…
Marami talaga kong nais ikwento, mga mabubuting nangyari, kasayahan, kababalaghan, at meron pa ring kalungkutan – sana sa mga susunod na araw, maisulat ko lahat ito…
Sa mga nakaraang araw naman, ang kalimitan kong ginagawa ay ang gumuhit, magpinta, sumayaw, at magmasahe. Gumuhit at magpinta – okay pa sa nanay ko, pero ang magmasahe medyo bago ito sa kanya kaya, niloloko nya tuloy ako na “Saryong Albularyo” kasi, kahit sino, kapag may pagkakataon, gusto kong mamasahe.
Sa pagpipinta, sa tuwina na lamang na gagawin ko ito, iba parati ang pinaggagagawa ng mga kamay ko – kaya naman nawiwili ako ng husto, at lampas na ng 200 piraso ang naiguhit ko…sa susunod talaga, ipapaskil ko dito ang mga gawa ko. Mga serye ang mga naiguguhit ko at sa kasalukuyan, mga mahahalagang pangyayari, bagay, at mga tao sa bibliya ang ginuguhit ko – kakaiba ang itsura ng iginuhit ko si Lucifer, nagsisimula na tuloy akong maniwala sa bibliya ngayon…
Bukod sa nawiwili ako sa pagguhit at pagpipinta, sa prosesong ito, pakiramdam ko eh, nag-iinit ang kamay ko (powered up or energized ika nga), kaya kapag mainit na mainit na ang pakiramdam ng mga kamay ko, eh kailangan ko itong pakawalan sa pamamagitan ng pagmamasahe, d’un na papasok ‘yung biro ng nanay ko…n’ung una, ayaw maniwala sa akin, pero n’ung nakita nila ako na magmasahe sa 10 katao na sunod-sunod, at pare-pareho ang sinasabi na guminhawa ang pakiramdam nila o nawala ang mga sakit nila sa katawan, eh saka pa lang naniwala sa akin. Datirati, ako pa ang nagmamakaawa na magmasahe sa kanila, ngayon eh, sila na, hehehe…
Iisa ang sinasabi ng mga namamase ko, para daw may karayom or pako ang mga daliri ko kapag lumapat na o nagsayaw na ang mga kamay ko sa likod nila (ito ang tawag ko, “innerdance healing massage”, bagama’t itsurang masahe ang ginagawa ko, pero para sa akin, nagsasayaw lang ang mga kamay ko sa likod nila), pero pagkatapos naman n’un, nawawala ang mga sakit at gumiginhawa o bumubuti ang pakiramdam nila. Iba’t-ibang tao, iba’t-ibang sayaw, iba’t-ibang sakit, iba’t-ibang sayaw. Mas malala na sakit, mas kakaiba ang ginagawa kong sayaw…at ramdam ko, na lalo pang nag-iiba o lumalakas ang epekto habang mas marami akong namamasahe.
Ang medyo kakaiba pa, imbis na manghina ako pagkatapos ng masahe/sayaw, mas lalo pang gumagaan ang pakiramdam ko. Kapag mabuti ang pakiramdam ng minsahe ko, mabuti rin ang pakiramdam ko…at saka nga pala, sabi nila, ang himbing daw at ang sarap daw ng tulog nila kapag namasahe ko sila, hmmmnnnn….
Eto pa ang nakakatawa, may namasahe ako na masahista, para kasing hinamon ako eh, ang pagkakaiba pa niya, nagpapabayad siya, ako, hindi ako nagpapabayad…n’ung namasahe ko siya, parang natulala, ninamnam ng husto ‘yung ginawa ko sa kanya, ngayon lang daw siya nakaranas ng gan’un, hehehe…
Kung medyo nakukuha ko na atensyon nyo, tingnan nyo na lang ‘tong ginawa ng kaibigan ko (si fafa rene), medyo nai-video nya isang session namin…kaya, huwag kayong mahiyang magpamasahe sa akin kapag nakita nyo ako, okay lang sa akin!

Subscribe to:
Posts (Atom)