Heps, unang entry ko...nakalipas na pala ang buwan ng Enero eh hindi ko namalayan (Happy Chinese New Year o Kung Hei Fat Choy!) at hindi man lamang ako nakapagsulat dito ng mga nangyari sa akin – masyado kasing abala eh…kung datirati eh nagugulat ako sa takbo ng mga pangyayari sa buhay ko, ngayon naman eh nagugulat naman ako sa mga pinaggagawa ng mga kamay ko! Kakaiba na talaga at parang may sariling pag-iisip, hehehe…
Marami talaga kong nais ikwento, mga mabubuting nangyari, kasayahan, kababalaghan, at meron pa ring kalungkutan – sana sa mga susunod na araw, maisulat ko lahat ito…
Sa mga nakaraang araw naman, ang kalimitan kong ginagawa ay ang gumuhit, magpinta, sumayaw, at magmasahe. Gumuhit at magpinta – okay pa sa nanay ko, pero ang magmasahe medyo bago ito sa kanya kaya, niloloko nya tuloy ako na “Saryong Albularyo” kasi, kahit sino, kapag may pagkakataon, gusto kong mamasahe.
Sa pagpipinta, sa tuwina na lamang na gagawin ko ito, iba parati ang pinaggagagawa ng mga kamay ko – kaya naman nawiwili ako ng husto, at lampas na ng 200 piraso ang naiguhit ko…sa susunod talaga, ipapaskil ko dito ang mga gawa ko. Mga serye ang mga naiguguhit ko at sa kasalukuyan, mga mahahalagang pangyayari, bagay, at mga tao sa bibliya ang ginuguhit ko – kakaiba ang itsura ng iginuhit ko si Lucifer, nagsisimula na tuloy akong maniwala sa bibliya ngayon…
Bukod sa nawiwili ako sa pagguhit at pagpipinta, sa prosesong ito, pakiramdam ko eh, nag-iinit ang kamay ko (powered up or energized ika nga), kaya kapag mainit na mainit na ang pakiramdam ng mga kamay ko, eh kailangan ko itong pakawalan sa pamamagitan ng pagmamasahe, d’un na papasok ‘yung biro ng nanay ko…n’ung una, ayaw maniwala sa akin, pero n’ung nakita nila ako na magmasahe sa 10 katao na sunod-sunod, at pare-pareho ang sinasabi na guminhawa ang pakiramdam nila o nawala ang mga sakit nila sa katawan, eh saka pa lang naniwala sa akin. Datirati, ako pa ang nagmamakaawa na magmasahe sa kanila, ngayon eh, sila na, hehehe…
Iisa ang sinasabi ng mga namamase ko, para daw may karayom or pako ang mga daliri ko kapag lumapat na o nagsayaw na ang mga kamay ko sa likod nila (ito ang tawag ko, “innerdance healing massage”, bagama’t itsurang masahe ang ginagawa ko, pero para sa akin, nagsasayaw lang ang mga kamay ko sa likod nila), pero pagkatapos naman n’un, nawawala ang mga sakit at gumiginhawa o bumubuti ang pakiramdam nila. Iba’t-ibang tao, iba’t-ibang sayaw, iba’t-ibang sakit, iba’t-ibang sayaw. Mas malala na sakit, mas kakaiba ang ginagawa kong sayaw…at ramdam ko, na lalo pang nag-iiba o lumalakas ang epekto habang mas marami akong namamasahe.
Ang medyo kakaiba pa, imbis na manghina ako pagkatapos ng masahe/sayaw, mas lalo pang gumagaan ang pakiramdam ko. Kapag mabuti ang pakiramdam ng minsahe ko, mabuti rin ang pakiramdam ko…at saka nga pala, sabi nila, ang himbing daw at ang sarap daw ng tulog nila kapag namasahe ko sila, hmmmnnnn….
Eto pa ang nakakatawa, may namasahe ako na masahista, para kasing hinamon ako eh, ang pagkakaiba pa niya, nagpapabayad siya, ako, hindi ako nagpapabayad…n’ung namasahe ko siya, parang natulala, ninamnam ng husto ‘yung ginawa ko sa kanya, ngayon lang daw siya nakaranas ng gan’un, hehehe…
Kung medyo nakukuha ko na atensyon nyo, tingnan nyo na lang ‘tong ginawa ng kaibigan ko (si fafa rene), medyo nai-video nya isang session namin…kaya, huwag kayong mahiyang magpamasahe sa akin kapag nakita nyo ako, okay lang sa akin!
Monday, February 04, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment