Friday, June 20, 2008

Ako’y nagagalak na tayo’y nagkasama...

Kaninang umaga, itong awiting ito ang nasa isip ko, tuloy-tuloy o paulit-ulit ang pag-awit sa isipan ko....

Isinalpak ko na nga ang cd sa player para lang maibsan ang utak ko, pero patuloy pa rin...

...tapos naalala ko, n'ung mga nakaraang buwan, nakilala ko nga pala 'yung sumulat at umawit nito....at inawit nya ito sa harapan ko, siyempre pa, para akong nasa langit na parang hinaharana, hehehe!

Tapos, sabi niya, kumpleto na raw 'yung titik ng "Tugon", ang pangalawang bersyon o tugon sa awiting "Rosas ng Digma" - inawit nya rin sa harapan ko siyempre (haba ng long hair ko 'day)!

Photobucket

Eto siya, si Danny Fabella ng Musika ng Bayan

Tapos ngayon, naghanap ako sa youtube, 'buti na lang meron na pala nito...huwag nyo na lang pansinin 'yung sayaw (interpretative dance daw...), medyo corny eh...hinihintay ko na nga pangatlo nilang album eh....






Rosas ng Digma
Musika ng Bayan

Sumibol sa isang panahong marahas
Bawat pagsubok ay iyong hinarap
At hangga’t laya’y di pa nakakamtan
Buhay mo’y laging laan...

Namumukadkad at puno ng sigla
Tulad mo’y rosas sa hardin ng digma
At di maiwasang sa’yo ay humanga
Ang tulad kong mandirigma...

Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, 'di malalanta...

Ang kulay mong angkin, sintingkad ng dugo
Nagbibigay-buhay sa bawat puso
Tinik mo’y sagisag ng tapang at giting
Sa langara’y kislap ng bituin...

Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding hindi kukupas, di malalanta...

Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding hindi kukupas, di malalanta...

...gaya ng pag-ibig na alay ko sinta


Ang tugon
Musika ng Bayan

Ika’y paru-parong nangahas lumipad
Sa dilim ng gabi pilit na umalpas
Pagkat hanap mo’y ningning at laya ng bukas
Sa aking mundo’y napadpad...

Katulad ng iba ay nagmamahal din
Kahit malayo ay liliparin
Upang pag-ibig mo’y iparating
Sa rosas ng iyong paningin...

Ako’y nagagalak na tayo’y nagkasama
Sa bawat pangarap sa piling ng masa
Magkahawak-kamay sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya...

Ako’y nagagalak na tayo’y nagkasama
Sa bawat pangarap sa piling ng masa
Magkahawak-kamay sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya...
...para sa pag-ibig, tunay at dakila

...sanga pala, ito na ang awit na ipinalit ko sa "Kanlungan"...bwisit kasi 'yung Mcdo na 'yan eh!

2 comments:

Anonymous said...

sana pala na-record mo para narinig namin.

johnny yambao danganan said...

'di pa ko marunog mag-upload sa youtube eh...tsaka meron na dito, complete version na 'yung kinanta nila...

Related Posts with Thumbnails