Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil
Pagbigkas:
- ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
- hah-vee-ah-naz (American English)
- OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)
Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang..")
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent.
- Malambot ngunit matibay.
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
- Mainam na pang-japorms.
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
VERSUS
Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines
Pagbigkas:
- spar-tan (American English)
- is-par-tan (Filipino).
Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas...
2 comments:
Shuttle...cock? He he he! :D
Great work.
Post a Comment