Kaninang umaga, ito ang nasabi ko!
Muntik na akong masagasaan!
Tumatawid ako para sumakay sa jeep, tapos may paparating na ibang jeep sa kabila, malayo pa lang, mabilis na ang takbo! Crossing 'yun, dapat magmemenor siya at alam nyang tumatawid ako, abah eh hindi bumagal at talagang sasapulin ako!
Bigla tuloy akong napakilos ng mabilis at tumalon para makaiwas. Saka pa lang tumigil 'yung jeep.
N'ung nagkaharap kami ng driver, sabi ko ng galit na galit, "gago kang driver ka ah, babanggain mo ako!" (Lumabas tuloy ang pagka-amasona ko.)
Sabi n'ung driver, nakangiti pa, "Sorry boss, 'di ko kayo napansin eh..."
Sabi ko uli, matalim ang tingin, "at tatawa-tawa ka pa!"
Sabi n'ung driver uli, sabay harurot paalis, "'di ko kayo nakita eh!"
Halos sumabog ako sa inis at galit sa loob ng sinasakyan kong jeep. Pero, mayamaya, n'ung makalma na ako, at nag-isip-isip, napabulaslas ako.
"Muntik na pala ako d'un ah!"
Grabeng karanasan 'yun ah... delikado pala talaga dito... d'i ako si Wonderwoman.
Tuesday, July 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
dapat tinawag mo ako kasi ako si wonder woman...hehehe....sagipin kita!
mr. carter,
oo nga eh, sana naisip ko 'yun... susubo (ahaaay, susubo!) na sana ako ng bato at sisigaw ng WONDER..., errrr, iikot pala ng mabilis habang may bitbit na barbel, ay mali, susubo pala uli ng malaking-malaking bato pala at sisigaw ng DOLPHY! nyehehehe...
Post a Comment