So, medyo sinipag uli ako sa pagdro-drawing, kaya eto, isa sa mga haligi na karakter sa mundo ng komiks dito sa Pilipinas naman, si Darna!
Pasensiya na uli, malabo ang kuha...pero, isa ito sa mga paborito kong gawa.
Tapos, n'ung nakaraang mga araw, may nag-text sa akin na hindi ko kilala, pero maganda naman ang approach at intensyon, kaya pinatos ko na rin. Nakuha nya number ko sa isang kaibigan, Nagpapagawa siya ng study para sa pabalat o cover daw ng susunod nilang album, at kung pwede raw ako gumawa para sa kanila, napili nya daw ako kasi nabalitaan nya daw na nagpe-paint din daw ako - whoah, stir!
Ayun, siyempre nabigla ako, kaso mas nabigla ko kasi sabi nya para daw sa "Rosas ng Digma Vol. 2" na album ng "Musika ng Bayan", muntik na kong mapatili (actually, napatili na nga, ahhhaaaaay!), habang naglalakad, este, rumarampa pala ako sa may Shopwise sa Cubao, habang binabasa ko ang mensahe nya sa akin!
Kaya ay'un, ginawan ko nga ng study. Tinanong ko muna kung anong concept ang gusto nya, tapos makahingi ng kopya maski lyrics lang ng kanta na main feature ng album para sa cover design, ilang kulay, tapos bahala na rawa ako - kaya ayun, 'bili kaagad ako ng illustration board, at binulungan ko na uli ang aking mga kamay na para sa album ang gagawin at iyun na nga!
Eto ang kinalabasan...
Kakaiba na naman siyempre, lumabas na ang aking estilo, at 'yan ang rendition o impression ko sa "rosas ng digma"... may collage pa sa background, oh say!
Tapos nagkita kami n'ung nag-text, si G. Danny Fabella nga pala, at ibinigay ko na 'yung study. Ewan ko kung magugustuhan nya 'yun, pero sabi niya, tatlo (3) daw kaming sinabihan nya na gumawa ng cover at pipili sila d'un....
Para sa akin naman, okay lang maski hindi mapili, basta ang mahalaga, nakagawa ako para sa album nila, sapat na 'yun, hehehe.
Tapos, medyo nagkakwentuhan kami ng kaunti, tapos nabanggit nya na nakagawa na rin daw siya ng awit o lovesong para sa mga homosexual (bading o tibo), at kasama daw sa album na ito. Humingi ako ng kopya ng lyrics at nagbigay ako ng komento. Okay naman ang kanta, kaso hindi ko pa nga lang naririnig dahil ire-record pa nila, pero tiyak na aabangan ko ito at siyempre, nakahingi na ako ng permiso at ia-upload ko kaagad sa i-meem kapag meron na, para marinig nyo rin.
Eto ang kopya ng kanta... sabi ko, medyo palitan dapat ang titulo, kasi may kaparehong titulo na siya ng ibang awitin. Ang awitin ng bandang "Agaw Agimat", ang "Sabi nila"....
Sabi nila
Musika ng Bayan
Sabi nila’y ‘di tayo para sa isa’t-isa
Dahil pareho lang tayong dalawa
Walang patutunguhan mula sa umpisa
Ang pagsasama daw na ‘di tugma
Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal
At tunay na kapos sa pagmamahal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang matuwid
Na ang puso’t damadami’y manhid
Ngunit tayong dalawa’y nagmamahalang lubos
Hangarin sa isa’t-isa’y tapat
Ipaglalaban nati’t panlalait bibiguin
Mapanghusgang mundo’y babaguhin
Sabi nila’y ‘di tayo magiging masaya
Suyuan nati’y ‘di raw tanggap nila
‘di raw kaaya-aya sa mata ng may-likha
Kasalanan daw ating ginagawa
Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal
At tunay na kapos sa pagmamahal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang malinis
Na puno ng dumi ang isip
Aaaaargh, 'di na ako makapaghintay, sana may kopya na koh!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
wow naman.. kakainggit...nakakaexcite naman to know na may RnD2...gusto ko magkaroon non..update mo naman ako, pwede? sana mameet ko din si G. Fabella :)
Post a Comment