Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta sa Tugegarao!
Noong una, naririnig ko lang siya, at nababalitaan kung gaano kahirap pumunta d'un... wala sa isip ko na pumunta d'un, malayo kasi eh, at malabo na magkaroon ako ng pagkakaton na makapunta d'un, wala naman akong kaibigan na tagaroon. Kaso, nagmilagro, biglang may pagkakataon! Kaya bilang paghahanda, tiningnan ko sa mapa kung saan 'yung pupuntahan kong lugar...
...at nyah, malayo nga! Halos malapit na sa dulo ng Pilipinas ah!
Biyernes ng gabi kami umalis dito sa Manila, mga alas-otso na (8:00pm), nahuli kasi ako sa alas-siyeteng byahe, ilang minuto lang naman, umalis na kaagad 'yung bus, tsk! Sabi kasi ng kasama ko, gabi daw dapat kaming umalis para madali daw ang byahe, para hindi masyadong maramadaman ang sakit sa puwet at likod dahil sa ilang oras na pagkakaupo sa masikip pero maginaw na aircon na bus.
Sampu hanggang dose (10-12) oras ang byahe, at tatlong (3) stop-overs ang ginawa namin: Bulacan, Nueva Vizcaya, at Isabela - para pagbigyan kaming mga pasahero na umihi o kumain sa mga tinitigilan naming mga istasyon. Sa lahat ng mga tinigilan namin, isang uri lang ng pagkain ang kinain ko - lugaw!
Pusang iring, ang hirap ng byahe! Nakarating kami ng Tugegarao ng alas-otso na ng umaga. Marami pa dapat na gagawin, pero sabi ko sa kasama ko, pass muna ako, hindi ko kaya, dahil liyong-liyo ako sa antok, matutulog na lang muna ako at babawi na lang ako sa gabi o kinabukasan na gawain.
Kinabukasan na ko nakahataw, at isa sa mga lakad namin eh pumunta ng Tuao, pero bago makapunta d'un, dumaan na muna kami sa may Piat, kung saan popular ang Birhen ng Piat!
Maulan nga n'ung araw na 'yun, sabi ng mga tagaroon, tagtuyot d'un, at noong araw din lang 'yun umulan... kaya, medyo hassle, mahirap lumakad o mamasyal.
Ito 'yung daanan papunta sa simbahan ng Piat, nasa tuktok siya ng bundok na nakaharap sa Silangan, kaya kung tutuusin, ang likuran nito ang dinadaanan ng mga tao.
Ang "unahan" o likuran ng simbahan... maski maulan, dagsa pa rin ang tao!
At ito naman ang tunay na unahan ng simbahan.
As usual, kapag pumapasok ako sa mga simbahan na ganito, mas interesado ako na tingnan ang arkitektura, at ang mga pangyayari sa kapaligiran nito. So, naglibot-libot nga ako, ika nga eh, laag-laag lang...
...eto nga pala 'yung loob ng simbahan, kaso sa dami ng tao, siksikan sa loob, ang hirap kumuha ng magandang litrato!
Isa sa mga nakita ko sa mga nakapaligid na tindahan dito, sandamakmak na imahen ng BIrhen ng Piat... for sale!
Close-up na kuha ng isang imahen na Birhen ng Piat na pinagbibili...
...sa katabi nito eh ang lugar para sa mga kandila, isang mahalagang parte o bahagi ng isang simbahan...
...at siyempre, ang mga deboto. Ang lugar na ito ay nagiging "mitsa" din ng away sa mga deboto at mga nagbebenta ng kandila - maraming nagagalit, kasi nga naman, kalahati pa nga lang 'yung kandilang sinisindihan mo eh, kinukuha na kaagad ng iba ('yung mga nagtitinda rin mismo), 'yung iba nga, makalingat ka lang, wala na 'yung sinindihan mo!
Tapos, sa paglibot ko pa, nakakita ako ng isang mahabang pila, nagtaka ako, kasi may misa sa loob ng simbahan, pero may mahaba pa ring pila sa labas ng simbahan at ang dulo nito eh hindi naman sa may pintuan, kundi sa likuran, kaya nakipila na rin ako...
...so, eto 'yung pila, pataas pa ng hagdan, tapos ito na 'yung natatanaw ko...
...parang may inaabot o kinukuha na ewan... naghintay lang ako para mapalapit ng husto...
...tapos, eto pala 'yun... laylayan ng damit ng Birhen ng Piat!
Ipinapahid nila ang kanilang mga kamay o panyo dito, at ipapahid nila sa parte o bahagi ng kanilang mga katawan na may sakit o karamdaman...
...para mas close-up...so, nasa likod kami ng altar ng simbahan. May maliit na bintana, sapat na hawakan ang poon o ang damit nito, pero hindi kayang mailabas ang "mahahalagang" bahagi nito, tulad ng tunay na gintong korona o mga alahas....
Tapos, patuloy pa rin ang aking paglilibot-libot, tapos uli, eto naman nakita ko...
...blessing station for religious articles...hokey, at may bayad ha!
Nahuli ko pang nagbibilang si Father, kung magkano kita nya, hehehe!
...at patuloy pa rin ako sa aking paglalakabay...eh, paggala pala, hehehe....
Eto naman, nakita ko, 'di ako makalapit sa altar at makuhanan ng litrato ang Birhen ng Piat, meron din pala d'un sa isang sulok, ito ang ginagamit yata kapag prusisyon... medyo mukhang malungkot nga lang... nasa isang sulok lang... mag-isa... walang kasama... walang pumapansin....
Close-up ng imahen... maitim din pala ang itsura nya, parang sa Nazareno, pero hindi ko alam ang kwento sa likod nito kung bakit maiitim ang kulay nya.
...at natapos din ang misa...
...dagsa pa rin ang tao na lumalabas ng simbahan, at may kapalit uli panibagong grupo na dadalo sa kasunod na misa....
...at siyempre, kung may simbahan na popular o sikat na ganito, hindi mawawala sa paligid nito ang mga tindang pagkain! Ito ang kalimitang kinagigiliwan kong tingnan at subukan kung anong mga kakanin ang meron o kakaiba/unique sa isang lugar! At hindi nga ako nagkamali, ang daming kakaiba!
Whoah, daming uri ng kakanin! Mmmmmmm, sarap!
Eto naman, "pawa" ang tawag nila dito!
"Sinabalos" naman ang tawag nila dito. Kawayan ang ginamit na lalagyan, tapos ang loob eh, parang malaking suman na imbutido.
Nahiya ako d'un sa mga ale na nagtitinda, wala akong pambili eh, sabi ko, kuhanan ko na lang sila ng picture para ilagay sa internet. Umoo naman sila at baka daw ma-"discover" pa daw sila, hehehe... pinoy nga naman, pagdating sa "kodakan"! And'yan pala 'yung "tupig", 'yung parang balinghoy na suman na iniihaw!
Tapos, n'ung pauwi na kami, may napansin ako sa malayo na kakaiba, sinipat at tiningnan kung mabuti kung ano 'yun, at ito pala!
Tabako! Minsan lang kasi ako makakita nito eh...well, hindi rin naman ako gumagamit kasi nito eh....
Close-up uli para mas klaro!
Tapos, dumiretso na kami sa dapat talaga naming puntahan, sa Tuao! Dinaanan uli namin ang malawak, malapad at malalim na Cagayan River, kaso ang hirap kumuha ng picture kasi malakas ang ulan!
Paglampas ng tulay ng Cagayan river, eto ang bubulaga sa 'yo papuntang Tuao, SMILE!
At ang Tuao...well, wala akong iniindorsong pulitiko ha, napasama lang ang pagmumukha niya d'yan!
At doon na namin ginawa ang dapat naming gawin...ano 'yun? Well, censored, hehehe... tapos nagbyahe na uli pauwi ng Tugegarao, maski may dinaanan pang iba.
Tapos, konting pahinga, at naggayak na uli kami pauwing Manila, pero sabi ko, libutin ko lang saglit ang Tugegrao, para sulit naman, at eto nga... with style pa!
One (1) horsepower na sasakyan! Normal mo lang makikita sa mga lansangan ng Tugegarao ang mga kalesa, at ito ang ginamit namin sa pag-ikot ng Tugegarao! Kasing presyo din lang ng sa jeep ang pamasahe, kaya mas enjoy kung sight-seeing lang ang gagawin, pero kung nagmamadali ka, mmmmmm, hindi ko maimumungkahi, hehehehe.
At natapos ang pag-ikot, uwi sa tinuluyan, naggayak paalis at umuwi na uli papuntang Manila...Alas-siyete kami ng gabi umalis d'un at nakarating kami sa Manila ng mga alas-singko y media... mas mabilis na ang pabalik ngayon, kaso nakakapagod pa rin, pero enjoy naman!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment