Monday, August 25, 2008

"You say goodbye and i say hello...."

Nakakatuwa, n'ung isang gabi.

May nag-imbita sa akin, despedida party nya raw, si Matt, volunteer namin sa office.

Naglalakad ako pauwi ng sabado ng gabi (rumafah, ano fah!) ng naalala ko uli ang imbitasyon, sabi ko na lang sa sarili ko, "a-attend ako kung maidro-drawing ko siya!"

Uwi ako sa bahay, kuha kaagad ang papel, brush at itim na poster color.

At sinimulang gumuhit... at ito na nga!

Photobucket
"Chunky" kung siya ay tawagin... mukha daw siyang "sinister" dito, sabi niya, hehehe....

So, pumunta ako sa despedida party ni Matt, at ibinigay ko ito!

Tuwang-tuwa siya!

Photobucket
Eto ang tunay na Matt!

Mamayang gabi ang flight nya pauwing U.K. Have a safe trip Matt!

Since kanta ng Beatles 'yung titulo ng entry na ito, at naikwento ko na ang "goodbye", eto naman ang "hello!"

Hello kay Oona!

Photobucket
Cute talaga ni Oona, si URDUJA ISABELLA G. FLORENDO!

Anak ng kaibigan namin ni
Jonas, si Laya. Kamakailan lang eh nag-birthday siya at bininyagan na rin, kaya belated HAPPY BIRTHDAY and BAPTISMAL DAY OONA!


P.S.

Nakakuha din pala tayo ng gintong medalya sa Olympics, sa Wushu!

Pero kahit ito ay isang exhibition lamang, at least, nagkaroon ng pagkakataon na humanga ang buong mundo sa Pilipinas, iniangat ang bandila natin at tinugtog ang pambansang awitin sa Beijing Olympics!

Mabuhay ka Willy Wang!

No comments:

Related Posts with Thumbnails