Wednesday, July 29, 2009

MetroComicCon na! Wahooo!

Wahoo, may komiks convention na naman!

At sa Megamall na gaganapin!

August 8-9, 2009...at siyempre, may booth kami!

Kaya mga KOMIKERO, may tambayan tayo para manggulo! May gimik tayo! Abangan nyo gimik natin...nakasuot ng ano si ano...basta!

Tapos...

...pagkakataon na namang makasama ang maraming comics artist
...ibig sabihin, makapagpapirma (autograph hound!)
...at sana may mga taartits din
...maraming laruan
...maraming tao
...maraming magko-cosplay
...at siyempre, MARAMING KOMIKS!!!!!


Bargain komiks na lang kasi ang pinakakaabangan ko ngayon, mura na, pang-fill-up pa ng mga bungi sa koleksyon. Mahal na kasi ang mga bagong komiks ngayon, kaya tpb na lang, para medyo mura, matibay at hindi bitin. Tsaka, na-turn-off na talaga akong mag-abang monthly, BWISET kasi ang FINAL CRISIS eh!!!!

Damn you, Grant Morrison!

Photobucket

Heps, 'daming nakalinyang magaganap, isa na ang launching ng WATCHMEN video...well, 'di ko siya napanood sa sine, kaya sa vcd na lang, available na nga, kaso mahal pa...ang challenge naman ngayon, hintaying maging bargain, hehehe...konting tiis, magmumura din naman eh!

I-click nyo na lang poster para sa mga ito at iba pang detalye.




Bookmark and Share

No comments:

Related Posts with Thumbnails